Thankyou sa Relief Goods galing sa aming barangay. Hehe Malaking tulong na to lalo sa iba nameng kabarangay na talaga namang isang kahig isang tuka.🙂 Kahit na alam nating pamumulitika okay lang atleast nakkatulong sa mga mahihirap🙂
@RoseAnn16 in October 2021
Tinola x Laing Worth 38pesos na ulam hehe Yung chicken bones libre na galing sa tindahan nmen n pinagtanggalan ng laman, kaya gulay at rekados nlng binili ko.🙂 Yung laing naman galing sa byenan ko. Waahhh galit galit na nama kmi ni diet😂 Kain tayo noisemates🙂
Pansit for Dinner😋 Buti na lang maaga nakauwi ang hubby ko. Sya kasi masarap magluto.hehe Kung hindi lutong tsamba na naman kung ako ang nagluto hehe Kain tayo noisemates🙂
Ayan self. Natulog ka na naman ng hapon e, edi ngayon mulat ka pa. Hays. Nagugutom na lang na naman ako di pa dalawin ng antok😪
Sad Truth about Putting up a Business✔️ You thought that your family and your friends will support your small business. But the truth is some of them secretly wait for you to fail.😔 The funny thing is, those people who are not actually know you are the one's who support you from the day we start our business until now we're on the rocky times, the people who are not personally knows us are the same person who support our small business.🙂 Thanks to them for giving us a little…
My first ever try to cook Chicken ala Max🙂 Habang pineprepare ko to kanina sabi ko "Aynako kapag nag fail ang luto ko neto ayoko na di nako magluluto nito ulit" Then I heard my son saying "Bakit naman po mama, edi kapag nagfailed po try ka po ulit, tapos kapag failed ulit edi try ka po ulit hanggang sa makuha mo po ang tamang timpla at pakaluto" Minsan talaga nagugulat ako sa anak kong to e, kahit nung 3years old pa lang sya dami kong realization dahil sknya until now na…
Thankyou sis @Mhacey🙂 Nakakatuwa, kapangalan pa ng baby Girl ko na super sweet andg generous din🙂
It is one of the Best selling product in our small business.🙂 It is Chicken Fillet Silog🙂🍳
Exactly two years ago at Elnido, Palawan📍 Nakakamiss na magtravel, nakakainis na pandemic to e, panira.. Nakaschedule na sana next travel namen kaso ayon di na natuloy tuloy gawa ng pandemic hays. Sila mga friends ko since high school. Wala ung iba kasi mga nasa abroad nagwowork. Kaya palagi kami ngayon hanggang plano lang kasi hindi na kami nakukumpleto,iba iba kasi ang bakasyon nila hindi nagkakasabay sabay umuwi😔 Saka lang natin maaalala na sana pala mas sinulit pa namen…
Lunch namen kanina mga mamsh. Nakalibre ako ng sahog sa gulay ung corned beef yan sa relief hehe Maulan na naman dito samen noisemates. Kakatamad kumilos kapag umuulan😪⛈️
Pineapple for Dessert.😋🍍 Favorite ko to lalo kapag super tamis at hindi makati sa dila ay sarap ng kain ko nito.🙂 Kaya nung minsan may nagbenta dito malapit sa may sa amin tapos murang mura ang benta, 3pcs 20pesos for medium size. Kung hindi lang masisira e marami talaga bibilhin ko. Hehe sana nalang bumalik pa ulit dito smen kasi last na tong pinya ko😔 Good evening noisemates. Kumain nba kayo?🙂
Good morning noisemates.. Monday na naman. Hope monday starts the week with great opportunities for all of us.🙏 Thankyou Lord for keeping us always safe and we still have food on the table to eat.😇 Have a nice day noisemates🙂
Sarap sa pakiramdam ng ganito, ung kahit wala ka sa tindahan mo e may ilang pa rin sa friends mo na bumibili ng product mo♥️ Nakakagana ung ganito kahit mahirap ang negosyo ngayon. Mas nakakalakas ng loob♥️
Tunay ka nga namang pinagpala kapag ganito byenan mo. Hehe Kanina pa tong message nya sken, just want to share with you guys how blessed I am sa mother in law ko.♥️ Ayon nakalibre na naman kami ng ulam tonight, 🙂 Good evening noisemates🙂
May natira pa rin sa binigay ng byenan ko na ulam kanina. Kung magbigay un ang dami palagi.. hehehe Magpapahilan lang maya2 tulog na rin. Masarap matulog malamig, umuulan kasi dito smen. Halos maghapon ulan😪
Good morning noisemates. Hays napakaulan na naman dito smen, naisip ko lang, buti na lang pala wala pa rin face to face class. Kasi kapag ka ganitong maulan mahirap para sa mga bata pumasok ng school, medyo malayo pa kasi ang school ng mga anak ko. Mga dalawang rides pa.. Meron naman sna school dito smen tanaw nga lang sa bahay namen, pero sa bayan ko sila inenroll. Kami kasi tipo ng mg asawa na hindi mayaman but we want to give the best for them especially sa pag aaral.…
Napaaga ang meryenda namen,nagbonding ang anak ko at lola nya, ayon ngbake ng cupcake tapos meron pang chocolate shake hehe Happy na naman tummy ng mga batuts🙂 Happy ang baby girl ko at tumulong sya sa lola nya sa pagbake🙂
Goodnight noisemates. Ganito rin po ba anak nyo? Yung parang mayat maya gutom?hehe We're about to sleep pero ayan food is life sa baby ko, kaya kain muna sya apple.hehe Napakalamig dito smen ngayon, parang nasa Baguio hehe Ilang arae ng maulan dito e.. Ingat sa lahat. Goodnight 😴
Good morning mga mamsh. Ang aga aga ang bigat sa pakiramdam😔 May nasalihan kasi akong group sa fb mga nanay din. May nabasa akong post ng isang momi, may dalawa syang anak, mag 3years old ang panganay ang 20days old bunso nya. Tapos iniwan daw sila ng tatay ng mga bata ulila na rin daw sya. Para makasurvive naglalabada sya sa gabi imagine isang damukal na labahan 100pesos lang bayad sknaya. To think na bagong panganak lang sya niririsk nya buhay nya para mabuhay nya mga anak…
Hello noisemates. Mabuti nasa mood ang bunso ko. Reading session kami ngayon. Kailangan talaga ikaw mismo magtyaga sa pagturo sa anak mo para matuto. Medyo pricey din kasi per hour sa pagtutor. 😁 Naisisingit ko pa din naman sa oras ko ang pagtuturo kaya keri lang. Kayo dyan noisemates nu gawa?🙂
Kaya kami tumataba ng mga bata e.hehe May padala na namang meryenda ang byenan ko. Nakakatuwa lang, sobrang supportive sila smen, palibhasa alam nila na nag sstart palang ulit sa work ang asawa ko. Hanggat kaya kasi namen di naman kami dumadaing sknila, pero syempre magulang sila kaya di rin matiis ang mga anak at ang mga apo🙂 Thankful talaga ako sa byenan ko🙏
Last bite! Aba self tulog na. Maaga ka pang gigising bukas. Kung bakit kasi ganito ako mapaidlip lang sandaling oras hirap ng makabalik sa tulog😪 Kaya ayaw na ayaw kong naaabala ang tulog ko kasi ganiti nangyayari, imbes na antukin e nagugutom lang ako🤤 Goodnight noisemates😴
Flexin my tariray na baby🙂 Kaninang tanghali before magnap, ayan naisipan magsapatos and asked me to take a photo of her🤦🏻♀️ and also send to her papa who's at work.. Ako ang tipo ng nanay na kung anong gustong gawin ng mga baby ko as long as hindi harmful e support ako dyan. Kahit anong gustong paglaruan, kahit ung regalo pa ng lola nya na malaking doll sige go lang, kesa lumaki na sya na nakadisplay lang ung doll haha I remember growing up, may mga dolls naman kami nung…
Naisama ko saglit kanina ang baby ko sa tindahan namen, happy daw sya kasi sinama ko sya. 🙂 Tapos ngayon bago kumain sya naglead ng Prayer, alam mo ung maluha luha ako bilang nanay sa prayer nya sabi nya "Thankyou po Jesus sa food namen na lagi pong masarap(kahit hotdog lang naman ulam namen) I bless nyo po ang food namen pati po ang tindahan namen, sana po makabenta kami palagi para po makahelp kela kuya(2 staff namen)" alam nyo un, ang sarap po sa pakiramdam, nakakatuwa na…
Good morning noisemates🙂 Ayon weekends, medyo makakapainit init ako ng likod ko sa bed, wala kasing pasok mga bata and mamaya pa naman work ni hubby, kaya ayon medyo late ang gising ko🙂 Pero in fairness parang body clock ko na bumangon before 6, kasi wala naman sana akong alarm ngayon. Pero alas sais palang gising na ako, sabi ko pa naman kagabi 9 ako gigising. Hahaha kaso nabaliktad ata🤦🏻♀️ Ano kaya masarap na agahan?🙂
Sinampalokang Manok for Lunch.🙂 Since ngccrave ako sa sabaw ayan napaluto ng sinampalokang manok. Ayaw kasi ng mga anak ko ng isda na may sabaw kaya manok nlng kasi mahal pa din ang baboy, kaya don lang tayo sa budget friendly 🙂 Maaga ako nakapagluto may pasok kasi asawa ko kaya para makakain muna sya bago pumasok sa trabaho maaga lunch namen today🙂 Kain na rin kayo noisemates🙂
Meryenda tayo noisemates.🙂 Ang sarap ng Homemade Chicken Spread na binigay ny byenan ko🤤😋 Nakakatuwa lang kasi mahilig gumawa o magluto ng kung ano ano ang byenan ko kaya palagi kaming nakakatikim ng mga gawa nya. Sobrang generous ng byenan ko. Nakakatuwa. Isa talaga sya sa inaadmire ko sa pagiging nanay e♥️
Share ko lang noisemates. Kninang hapon around 4, since gloomy naman dito samen, nagpaalam ang anak kong pnganay na magbabike daw sila nung kalaro nya, bike ko daw gagamitin nya at ung bike nya ipapahiram nya daw don sa playmate nya. Ako nakahiga pa non, tapos walang pang ilang minuto bumalik sken at nagtanong. "Mama nagpaalam po ba sayo si **** na mahiram ng bike? (Ung extrang bike ng kapatid nya) Sabi ko "hindi po kasi tulog naman tayo." "Ah okay po" sabi nya; Tapos na…
Good morning noisemates. Umaga na naman, need na naman mag asikaso ng pagkain at baon ng hubby ko.🙂 Masarap gawin yung mga bagay na ganito lalong lalo na kapag nakikita nila effort natin. At naipaparamdam nila na thankful sila sa ginagawa natin. Masarp pagsilbihan ang mga mahal natin, bonus na lang kapag thankful sila at masaya sila na ginagawa natin para sa knila🙂♥️
Baby bunso ko♥️ Hindi pa sya gaanong marunong magbasa, pero ito ang isa sa talent nya, lalo kapag nagdrawing sa sa papel or kung minsan gamit ang water color. Nakakaproud lang, she knows how to blend colors.🙂 Sayang nga lang at pandemic pa, gusto ko sana sya i enroll sa "arts" para mas mahasa pa ang talent nya..♥️ Pero kapag ok na ang panahon hahanap talaga ako dito sa amin ng school na nag ooffer sa arts lesson. Ito hilig nya e.. 🙂
Buti na lang nakapgluto na ako kanina, kakain na lang. Nakakapagod, kakatapos ko lang maglaba😭 Tip sa mga nanay dyan. Kung may anak kayong lalake at mahilig maglaro sa labas, wag na wag nyong papasuotin ng kulay puti. Nagiging Magician e kapag naglalaro e, from white to brown😭😭 Kaya di ako satisfied sa machine e, kaya talagang handwash ako kapag naglalaba para lahat ng kasulok sulokan e makuskos talaga ng bongga.✔️
Ewan ko sayo pansit canton. Kapag isa lang niluto mo Bitin. Kapag dalawa naman ang hirap ng ubusin😂😂 Tara noisemates meryenda tayo.. minsan ko lang matripan magpancit Canton. Kakatamad kasing lutuin haha
Hayyy😍 Kung ganito byenan mo may hihilingin kapa ba? May tira pa kaming ulam kanina na adobo e tapos eto may dala syang ulam. May hilaw pang hotdog para daw may almusal ang dalwang bata bukas😍♥️ Sobrang saya na mahal kayo ng byenan mo.♥️ Magandang gabi noisemates🙂
Ako lang ba yung ganito mga mamsh kapag may ipapabili sa asawa? Wala ng mahabang usapan gets na agad.😂 Kasi kahit balut lang ipabili mo sigurado may iba pa yan bibilhin 😁 Sarap bigla ako ngcrave sa balut e😋
Kagabi around 1am ngbrownout almost 2hrs walang kuryente. Tas simula naman mgbrownout kagabi ngayon lang ulit nagkaroon internet. Join force talaga sila madalas e haha Pero in fairness tapos ko na lahat ng gawain ko kasi wala naman ibang mpaglibangan kanina. Kaya minsan maganda rin kapag walang internet😁
Ganito rin ba kayo minsan mamsh? Yung bigla bigla nagiging emotional and feeling mo ang bigat bigat ng dibdib at kailangan mong mailabas thru crying?😔😭 Nakakainis din minsan kasi di mo alam kung bakit ka umiiyak o naiiyak. Hays Emotional Breakdown ba tawag dito o Anxiety? Hays Sorry noisemates medyo emo ako today😔
One of my comfort food🤗 Swerte ko sa byenan ko. Halos araw araw may pafoods. Buti na lang talaga nasa kabilang street lang sila and buti nlang hobby nya ang pagluluto kaya kapag may naisipan syng lutuin nasasakop na kami sa finish product nya🙂🤤
Oras na naman ng pagluto ng hapunan. Nakakapagod. Nakakapagod mag isip araw2 kung ano ang budget friendly at healthy na ulam.🤦🏻♀️ Magandang gabi noisemates..🙂
Share ko lang noisemates. Napaka-tragic naman ng nangyari sa kawork ko dati, nakachat ko kasi kani kanina lang. Tapos andito na daw ulit sya sa Bicol, sa Laguna kasi sya nagwowork. Tapos di mn lang ako nagmalay na nag agaw buhay daw pala sya dahil sa covid.😔 Tapps nung time na nakaconfine daw sya ung longtime BF nya daw nag aasikaso sknya but unfortunately nahawa nya daw ng covid. At sadly hindi daw nakasurvive bf nya😔 Isa na naman to sa patunay na hindi biro ang Covid😔 Kaya…
Monday na naman. Another week, another battle to fight💪 Ingat po sa mga nasa lugar na apektado ng sama ng panahon, dito po sa amin hindi pa naman umuulan, medyo maaliwalas pa ang panahon. Sana gumanda angad ang lagay ng panahon, mas nakakastress ung nasa kalagitnaan ka ng Pandemic tapos may mga bagyo pa😪 Ingats noisemates, Good morning 🙂
Breakfast is ready🍳 Gigisingin ko na ang mga bagets kasi online class na naman sila.. Mainit pa ang panahon dito smen pero medyo mahangin na. Wag man sanang dumaan ng malakas dito sa amin ang bagyo or kahit saang lugar sana wag malakakas🙏🙏 Let's pray for God's guidance 🙏
Been craving for this. Since hindi ako madalas makapunta ng bayan ngayon. (Mas bet ko kasi talaga sa loob lng ng bahay) Mabuti na lang may naglako dito smen, kahit hindi na season ng indian mango ngayon. Perfect sana kung may bagoong. Hehe Eto lunch ko hehe busog pa din ako e..
Hotdogs x Mallows Roasting time🔥♨️ Sakto naman ung brownout kanina. Ayan madilim ang paligid, buti na lang mapresko ang hangin ok parin mag ihaw ihaw.🙂 Happy na naman ang mga batuts kasi nakapagbonding kami nila papa nila plus lolo at lola nila🙂👨👩👧👦👴👵 Almost 5hours din brownout dito smen, as in dito lang sa street namen, may pumutok daw na transformer e. Medyo matagal din naaksyunan. Nagkakakuryente palang ulit ngayon, kung kelan tapos na kami mag ihaw ihaw😂 Goodnight na…
I wish I could send a lot of these!🤗 Mas masarap talaga sa pakiramdam yung nagbibigay ka rin. Nakakaaddict sa totoo lang.. Ganito rin talaga personality ko, hanggang meron at hanggat kaya ko magshare gagawin ko. Kaya so happy na merong Noise.cash I still able to give♥️ Kung marami lang sana akong fund, mas marami pa tayo g mabibigyan♥️ Good morning Noisemates♥️
Breakfast ng mga anak ko🙂 Naalala ko nung bata pa kami kape at pandesal lang almusal namen masaya na kami, kaya I'm so grateful na hindi lang pandesal at kape naihahain namen mag asawa sa hapag kainan para sa mga bata🤗 Pero those times are the best days of my life, kasi kasama ko pang kumain ang mga kapatid ko habang masayang nagkkwentohan at masayang pinagsasaluhan ang pandesal at kape, tapos isasawsaw pa ang pandesal sa mainit na kape! Ay sarap. And those times na thankful…
Diosko po barya na lang laman ng wallet ko, hanggang saan kaya to aabot?😔 Pero, naisip mo ba na mapalad ka pa rin kasi may laman pang barya ang wallet mo? Samantalang ang ibang tao e kumakayod pa para kumita man lang kahit barya! Yes we need to look for the brighter side, yung baka iniisip mo na malas ka na e hinahangad pala ng iba na magkameron sila🙂 Luto naman tayo ng lunch noisemates..🙂
Done eating lunch. Kain na rin kayo noisemates🙂
Mukhang nasobrahan ako sa Roasted mallows kagabi😭 Ayan sobrang sakit ng lalamunan ko simula pa paggising ko kanina hays Mabuti na lang ang mga bata ay hindi. Maulan pa dito smen feeling ko papunta sa sipon itong sakit ng lalamunan ko, kaya magsasalabat muna ako😪 Magandang sabi sainyo dyan noisemates. Ingat ang lahat🙂
Kumusta kayo noisemates? Ayon medyo uminit na dito smen, pero not feeling well pa rin ako, sakit parin ng lalamunan ko, hirap lumunok dahil sa sakit hays..
Killer Chicken Adobo 😋 One of my Recipes na nirerequest ng mga anak ko tuwing magtatanong ako sknila kung anong gusto nilang ulam🙂 Masama pa din pakiramdam ko pero ipagluluto ko pa rin ang mga mahal ko🙂 Tara Lunch na tayo noisemates🙂
Hindi talaga ako naniniwala na hindi matututo sa gawaing bahay ang mga bata kung hindi mo bibigyan ng Task.(opinyon ko lang po ito ha?) Kasi hindi ko talaga binibigyan ng task mga bata "regularly" pero kumikilos sila lalo kapag alam nilang need ko ng help nila kahit na hindi ako mag ask ng help sknila🙂 Since di ako makakilos ng maayos kasi sumama n pakiramdam ko, yung mga anak ko nagkukusa na. Nakapagluto na rin naman ako kanina, kaya ang panganay kong anak sya na nag…
Kape x Sortidos☕ Sortidos din ba tawag sainyo sa ganyang klase ng tinapay noisemates? Ung mga matitigas na tinapay hehe Good morning noisemates. Mahilig din ako sa mga ganito kahit matigas masarap e🙂
Ganito rin ba makapamaraan ang asawa nyo? Kagabi sabi ko bilhan akong lugaw kasi masama pakiramdam ko, nagsabi naman baka malate sya ng uwi kasi bday ng boss nya. Sabi ko bahala sya "basta wag syang uuwi na walang dalang lugaw" Alam ko wala na syang mabibilhan kasi 9 ang curfew dito smen. Pero tadaahhh paguwi may dalang lugaw. instant nga lang haha
Lakas makabed weather.😱🌧️ Buti na lang tapos na ang online class ng mga bata, tamang higa2 lang kami. Gustong gusto na nilang yumakap sken haha kaso sabi ko bawal muna kasi sinisipon pa ako, galit galit na muna kami hehe Ingat ang lahat maulan na naman😪🌧️
So proud of you self. Hehe ganito rin ba kayo momies? Yung sobrang saya kapag merong accomplishment kahit maliit na bagay lang.. Natutuwa ako, first time ko magluto ng pansit. Madalas kasi si asawa ko nagluluto ng mga ganito, kaso nagccrave ako tapos nasa work naman asawa ko ayan napalaban ng luto. Hehe Masarap naman daw sabi ng mga bata☺️ Sobrang dami, shinare ko sa byenan ko at sa kapitbahay namen hehe😍
Alam mo yung masakit? Yung sinisipon ka tapos paggising mo may maliit na pimple na tumubo sa may loob ng ilong mo😭😭 Maulan pa rin dito samen. Ingat po sa mga taga cams.sur. Be vigilant, sana wala ng aftershock 😔
Buti naman gumanda panahon dito smen ngayon, opening pa naman ng SM City. At long last nakapag open na din sila despite of pandemic☺️ Mukhang pinagbigyan ang mga shoppers na mtyagang pumila para sa official open ng SM🙂 Sa mga susunod na araw nlng ako pasyal don para iwas sa crowd 🙂
Had a great time with friends😍 Hindi na mabuo buo. Mahirap talaga kapag may iba2 ng priority, but what's important is walang nagbabago kahit sobrang tagal na hindi nagkita2 o nakapag usap🙂 Goodnight noisemates😴
Ang saraap sana kaso di pa magaling lalamunan ko. Masakit pa rin kasi may ubo pa ako😭🍫🍫 My friend gave these to me, hindi na nakaabot ung kitkat saka ibang kisses sa picture, nauna ng kainin ng mga bagets😂 Maglalaba muna ako habang uminit na dito smen🙂 Ingat lagi ang lahat🙂
Difference ng nakatira sa subdivision vs sa isang barangay na halos dikit dikit ang bahay. Sa subdivision walang pakialamanan, halos di rin magkakakilala mga magkakapitbahay, magvideoke ka anytime you want pwede kasi malayo naman kapitbahay, yung tipong nanakawan na kami dati wala man lang pakialam ang kapitbahay. While sa isang community na halos dikit2 ang bahay, halos lahat magkakakilala ang mga tao, magvideoke ka lang akala may birthday na😂 at kahit matulog ka hindi…
Isa sa mga pinapasalamat ko sa Diyos na nakilala ko ang asawa ko e dahil naging byenan ko ang mama nya. Napakaswerte ng asawa ko ganito kabait ang mama nya ganito ka maalaga.. Yung sabaw bigay nya para daw may sabaw kami. And yang fruits para daw sa akin para makatulong daw sa paggaling ko🤗 Yung bunso ko nagdala kanina ng fruits bigay daw sa akin ni lola nya para gumaling ako kasi love love daw ako ni lola nya.😍 Masa masarap ung mahal ka din ng byenan mo😍
Nakakainis kapag may ubo ka. Kung kelang masarap na ang tulog mo doon naman aatake hays. Kumusta kayo noisemtes? May gising pa ba?😁
Going to somewhere🙂 Papaalis lang ng inis. Bad mood today ilayas na lang natin baka sakaling mawala ang bad trip.. Kumusta kayo noisemates?
With pamangkins🙂😍 Minsan ang sarap maging bata na lang, yung wala kang problema, pag inantok pwedeng matulog, pagnapagod pwedeng magpahinga, kapag nagutom meron kakainin😪 Ngayon na magulang ka na hindi pwedeng magpatalo sa problema laban lang dapat ng laban.💪
Naubusan ng byahe kanina. Buti na lang nagrent na lang ng van ate ko ayon nakauwi rin hehe Kumusta? Kain tayo noisemates. Kakain lang tapos hilamos matutulog na rin, online class na naman bukas e.. medyo mapagod ang araw ko ngayon😴
Goodnight noisemates. I had a tiring yet happy day, the kiddos are so happy to reunite with their cousins and with their lolo & lola(my parents) Good thing about birthdays we're able to make time to be together even for a day🙂
Breakfast ng mga bagets. Start na rin online class nila🙂 Have a fruitful monday noisemates. Take care always..
I ordered Mexican Roll from my friend. I didn't fund of Mexican food but i want to support my friend. Surprisingly I liked the taste. The Saldip(salsa dip?) is so tasty, its so flavorful that complement the taste of Mexican Roll🙂
Nung nakita nung bunso ko na isinasalin ko ang sardinas sa bowl tuwang tuwa at excited sabi pa "WOW SARDINAS, OH IT'S YUMMY" kaya masarap hainan tong mga to e kahit sardinas lang parang sobrang espesyal na sknila hehe Ngcrave kasi ako sa sardinas at tinapa.. hehe Kain tayo noisemates.🙂
Mapapakamot ulo ka nalang talaga minsan sa presyo mg gulay. Yung ganito kakonti e 35pesos na agad. Kung noon para makatipid daw e gulay na muna ang uulamin. Nako ngayon hindi na pangtipid ang gulay. Gusto ko pa naman ng mga gulay, especially cauliflower at broccoli, kaso ginto amg presyo😱 Kaya kapag may budget na lang ako bili ng ganito, kaya gulay na muna na local ang iluto hehe kaso ang mga bata naman, kapag sitaw o sigarilyas ang ihain mo e deadma lang, dapat carrots…
Nakakatuwa naman talaga ang byenan ko. Sabi ko sa anak ko dalhan nya ng ulam si lola nya, nagluto kasi akong gulay na kalabasa para may baon din sa work ang hubby ko. Tapos pagbalik ng anak ko may dalang buko pandan para sa dessert daw namen hehe ang kulit e, basta padalhan ko ang byenan ko palaging may kapalit. Akala mo nagttrade kami palagi hehe
Buko pie with ube made by my mother-in-law 🤤 Perks of having a mother-in-law who loves to cook and who is so generous 😍 Almost half palagi ng luto nyo e sa amin napupunta, sarap ng meryenda namen today hehe buti nlng at mahilig magluto at gumawa ng kung ano2 byenan ko, marami kaming natitikman na masasarap hehe Teka magtimpla muna akong kape, sakto ito sa kape e😋
x Chicken Skin x Ay mapapaextra rice ka naman talaga kapag ganito nasa harapan mo😋 Andami ng niluto ko nung hilaw, tapos after maluto ganiti na lang sya kakonti haha Pero ok lang sulit pa din😁 Dagdag ulam namen kanina🙂
Almusal tayo mga mamsh. Yung ang sarap palagi magluto noh? Lalo na kung maraming budget haha Kaso sa panahon ngayon kailangang magtipid.. Yung pansit bigay ng byenan ko.hehe Napakaagang Blessings 🙂🙏
Anong ginagawa nyo mamsh kapag may tutong(sunog na part ng kanin)? Ako dahil sa nanghihinayang ako na itapon, binabasa ko para madurog ko, kapag sobrang tigas binababad kong ilang minuto tapos dududrugin, sabay iddrain. Tapos sinasangag ko na.🙂 Ayoko kasi talagang magsayang ng pagkain, kaya ginagawan ko ng paraan lalo at ok pa naman.. Di naman nagiging watery ung rice kasi nag eevaporate naman ang tubig🙂
Chicken x Fries🍗🍟 Wala akong mabilhan na breadcrumbs kanina, buti na lang may cracker pala akong stocks dito so ayon, konting durog instant breadcrumbs na😁 Yung fries naman fresh potato yan. Hanggat maaari ayoko ng processed food talaga e.. Good morning noisemates..
Ang sarap talagang humigop ng kape lalo kapag pagod ka. Yung bawat higop mo e parang nasa heaven hahaha Oa dba? Pero ganon talaga feeling ko e.. Lahat naalis tuwing nagkakape ako, pagod, gutom, stress.. Anyway nagluluto na ako ng hapunan. Kayo dyan noisemates?
Sobra akong happy kapag may prutas kami ng mga bata.🙂 Naalala ko kasi nung bata ako dahil sa mahirap lang din ang buhay at marami kaming magkakapatid e bihirang bihira kami na may prutas, naalala ko pa tuwing pasko lang kami nagkakaroon ng apple tig iisa kaming magkakapatid🙂 Pero masaya na kami non. Kaya naman ngayon na may mga anak na ako e iba yung saya kapag nabibilhan ko sila ng prutas kahit walang okasyon o ano man🙂 Pero saludo pa rin ako sa magulang namen kahit sobrang…
Bakit kaya yung mga tinuturing mong kaibigan hirap na hirap magshare man lang ng post mo especially about your business ano? Pero makikita mo shared post nila kahit walang kwenta e puno ang wall nila.. Anyway we can't please everyone, if they are not happy on what you are doing its fine! Mas masarap pa minsan ang suporta ng mga hindi mo kakilala🙂
Naalala ko ito last year, first time namen pumunta dito sa falls. Grabe yung byahe namen, sobrang malubak ang daan, paahon, pabulusok, tapos sa kalagitnaan pa ng byahe e hindi na kinaya ng mga motor namen, masyado ng mataas at masyado ng malubak delikado ng ipilit, pero hindi imbes ng bumalik na kami e nilakad namen ng almost 2hrs sa gitna ng init, habang naglalakad may pagkakaton talagang parang gusto mo nlang bumalik, imagine sobrang tirik ang araw, malubak ang daan…
Champorado x Tuyo Biglang nagcrave sa Champorado ang mga anak ko. Nagrequest na magluto daw ako. Ayan isang kalderong malaki hahaha ½ kilo ng malagkit sobrang dami pala haha Hanggang bukas almusal na to sigurado.. eto na rin dinner namen, malagkit na bigas naman e kaya mabigat sa tyan.😁 Happy ang heart ko kasi happy ang mga anak ko, habang kumakain kami ulit ulit pa sila ng "Thankyou po mama" sarap sa pakiramdam na naappreciate ng mga anak mo ang efforts mo🙂 Kain tayo…
Goodnight noisemates. Matutulog palang, kakdating lang ng asawa ko at overtime sa work.. Sleepwell sa mga tulog na. And goodnight sa mga patulog palang din kagaya ko 😴
Sarap talaga ng taho. Lalo na kung ganito pa kaaga, mainit init pa.🙂 Yung mga anak ko bihira mkaabot ng taho kasi madalas 8am na gumigising. Di rin nika masyadong bet hehe Good morning noisemates. Abala na naman ang lahat sa pag aasikasi ng almusal o baon sa work🙂
Sinigang x Pritong isda. Dahil maulan pa rin ayan sabaw naman request ng mga mahal kong anak🙂 Kain tayo noisemates. Maaga lunch namen today, dahil maagang nakapagluto ng lunch.🙂 Kain na rin kayo noisemates..🍽️
Today is my nephew's birthday 🎂🎉 Please excuse my face haha I'm not really fund of makeups😁 How's everyone? C'mon let's meryenda noisemates😁 On the second photo my mother and my nephew..
Eto lang gusto kong tinetake out kapag may handaan sa ate ko. Masarap kasi mgluto ng tikoy ang byenan nya.. Super creamy, sakto lang ang tamis, hindi nakakaumay.😋 Mukhang di nko nito makakapaghapunan nito. Mabigat sa tyan ang tikoy e..🙂
Bihira akong bumili ng luto na almusal o di kaya ulam, mas prefer ko kasi talaga magluto, kasi bukod sa nakukuha mo gusto mong lasa, alam mo pang maayos ang pagkaprepare kasi ikaw mismo ngprepare. Bilib lang din talaga ko sa mga nagluluto ng mga ganito, imagine 20petot lang meron na kaming almusal na bihon at spag hehe Yon nga lan alm mong tinipid din talaga, kaya minsan di bale mahal ang sriling luto okay lang.hehe Anyway, nakakatuwa naman ang notif ni noise natin kanina😍
Hello mga mamsh. Bakit may ganon ano? Sa Gc ng mga parents ng grade 1 ko, meron isang momi na kapag may nagtatanong sa gc about assignment halimbawa nalilito ung Isang momi, instead na iexplain ng maayos e parang hinuhusgahan pa ung tao🤦🏻♀️ Ayoko nlng magtalk kasi baka mamis interpret pa ako, madalas pa naman kapag ako ang nag eexplain akala e nakikipagdebate na ako kaya quite nlng ako😂 Sana lang maisip nya na hindi naman lahat ng tao e mabilis ang pick up. 😪 Anyway tara…
Share ko lang mga mamsh.🙂 Kani-kanina habang kumakain kami biglang tumitig sken ang panganay ko sabay sabi. "Mama natutuwa po akong tingnan ka, ang ganda2 mo po. Mukha ka pong mabait lalo sa buhok mo" Hahahaha ewan bigla lang akong natawa, tapos tinanong ko sya, bakit hindi ba mabait si mama? Sabi nya "uhmmm minsan po, kapag galit ka" very Honest e haha Natutuwa ako, para syang si papa nya. Yung hindi mo alam kung pinupuri ka o nilalait ka😂😂
Flex ko lang tong Mug ko na bigay ng asawa ko. Advantage e matagal lumamig kasi may takip. Disadvantage dahil nga may takip madalas nakakalimutan ko na nagtimpla pala ako ng kape haha Good morning noisemates. Higop ng kape habang nag aasikaso ng breakfast🙂🍳
Done cooking.🙂🍳 Mas gusto ng mga anak ko mag almusal ng luto ko😁 Kaya madalas talaga ngluluto ako almusal, like kahapon bumili ako almusal worth 20pesos. Ayon nasayang lang din kasi hindi ko maubos ako lang kasi kumain, kapag bili kasi sa karinderya ayaw nilang kainin. Di naman maarte mga anak ko, hindi lang sila sanay sa luto sa labas, mas bet pa nilang lutuan ko sila ng egg masaya na sila🙂
Inabot ako ng sobrang haba ng pila kanina sa Prime water, ayan nagutom. Siomai at milktea lang happy tummy na ako😋 Late lunch tayo noisemates. Kayo dyan kumain naba?
Goodnight noisemates. Had a such productive day today, need to sleep na. Maaga pang babangon bukas para magprepare ng baon ng asawa ko. Goodnight noisemates😴
Good morning mga mamsh. Ganito rin ba kayo? Yung kahit minsan ako lang naman kakain ng ganito pero bibili pa din. Lalo kapag ang naglalako sa harap ng bahay namen e matanda na.. ano ba naman ung mabbawas na 20pesos sa budget mo kung makakadagdag naman o makakatulong naman don sa matanda db? Kaya thankful ako sa asawa ko kahit na minsan nakakaligtaan ko na may mga binili pala akong pagkain tapos minsan talaga sa sobrang makakalimutin ko e napapanis nalang. Pero never nagalit…
Stir fry tokwa't baboy for our lunch🙂 Nagsasaing na lang ako, after magsaing pwede ng kumain ang mga mahal kong anak. Hehe Kayo dyan noisemates nakapagpaghanda naba ng pananghalian?🙂 Maganda ang panahon dito smen ngayon, banlawan ko muna nilalabhan ko habang nagsasaing pa naman ako.🙂
Uyy.. Chill time kami ng asawa ko🙂😍 Masarap din yung paminsan minsan may ganitong ganap. Nakakamiss din naman ung mga ganitong ganap nyo dati lalo nung wala pang mga anak. Ngayon na may mga anak na, sa bahay lang magchill masaya na😍
Memories on facebook. 🙂 Nakakatuwa lang na makita ung mga old photos and nung mga baby pa sila. At nung payat pa ako😭😁 Ngayon malalaki na sila, pero mga malalambing at nagpaparga pa rin.🙂 Good morning noisemates🙂
Tortang talong ulam namen ng mga bagets. Buti nalang kumakain sila nito hehe Tapos na rin kumain, nagpapahilan na lang tapos nap time kami dahil wala silang class today🙂 Sarap matulog maghapon lalo at pinagsasaktan ako ng sikmura mula pa kaninangadaling araw😪
Hays miss ko na kumain ng tinapay na masarap. Excited pa naman ako sa opening ng SM Mall dito sa amin, tapos wala palang breadtalk. Sad 😢😭 Kala ko pa naman anytime makakabili na akong tinapay😪
Goodnight noisemates. Umuulan na naman dito smen, sakto masarap matulog at malamig. 🌧️😱 Sigurdo mamaya siksikan na naman kami haha yung hindi naman sikip ang bed, kaso masyadong clingy ang mga katabi ko kaya kaapg malamig e mga nakasuksok rin sken🙂 Nakakainis lang, lalong nasakit ang sikmura ko gawa sa lamig. Feeling ko nasobrahan ako sa kape ngayob kaya bigla2 sumakit sikmura ko mula pa kaninang madaling araw hanggang ngayon, nawawala tapos nabalik hays😪
Me: Papa anong babaonin mo? (Bukod sa masama ang pakiramdam ko e wala na akong maisip na lulutuin haha) Hubby: Kahit ano, kahit de lata na lang.. Tsaran, ung binili nyang de lata👇👇 Anyway hinahayaan ko lang naman sya palagi pagdating sa mga binibili nyang pagkain.. Food nman kasi talaga ang pinakabisyo namen hehe Saka naalala ko nung college pa kami everytime pupunta kaming grocery madalas sardinas at Canton lang nabibili nameng stocks ksi kulang naman ang budget namen, ung…
Baon ng asawa ko diretso almusal namen hehe Maulan na naman dito smen, masarap lang na naman humilata at matulog maghapon hehe Tulog pa mga anak ko, baka mauna nko mag almusal gutom na rin ako e. Kayo dyan noisemates nag almusal nba?
Naiyak naman sa sa Vlog ni Alex Gonzaga about sa pregnancy niya. Nakakalungkot lang isipin na bakit yung mga gustong gusto ng magkaroon ng baby e hindi pinagkakalooban tapos ang mga pinagkalooban naman diosko pinipilit na ipaabort, yung iba basta na lang tinatapon kung saan😔 Kaya dapat sa mga kabataan ngayon isipin muna khihinatnan sa pagiging agresibo, kasi sa totoo lang madali lang bumuo ng pamilya, ang pagbuhay sa pamilya ang hindi, pero as long as hindi pinapabayaan ang…
I cooked some spaghetti for our dinner.🙂 What makes our dinner special is the kind words coming from my children. Like, "Oh mama it's so yummy" "I was like eating at the restaurant" "I rate this Infinite over 10" "If you Join on cooking contest you would always win" "You are the Best Chef in the world" "You are the BEST MOM in the world" Pwera biro po, hehe ganyan po sila palagi kapag nasasarapan sila sa luto ko. Or i would say ganyan nila i appreciate ginagawa ko para sa…
Pancakes for breakfast 🙂🥞 Yung mga ganitong breakfast e happy na ang mga anak especially kapag ako gumawa hehe Mabuti na lang at dalawa lang anak ko, yung tipong kahit silang dalawa lang kumain e okay lang. Hindi nila kailangan mag agawan. Thankyou Lord for all the blessings 🙏 Maglalaba muna ako after mag almusal🙂🥞 Good morning noisemates..
Hello mga mamsh.. Nakakawala ng pagod kapag may pinapakita sayo ang anak mo na kagaya ng mga ganito? Drawing ito ng 6years old daughter ko. Alam mo ung binilhan ko ng color pencil ung kuya nya, pero sya madalas ang gumagamit hehe Nakakatuwa lang. Sabi ko sknya sa susunod na labas ko bilhan ko naman sya drawing book.. ayon yes daw ang thankyou daw hehe wala pa mn lang e happy na sya ng sobra..😍
Ulam namen kanina ginisang upo na may sotanghon. Iba sa paningin at panlasa ng mga bata but still masarap daw hehe Nagluto ako kakaiba sa paningin nila atleast matuto sila kumain ng ibang pagkain..🙂 Mura pero healthy 🙂👌
Just want to share this photo of my baby girl. Kanina itong tanghali. Nung nap time namen, ayon panay ang drawing. Mahilig kasi talaga sya magdraw, napansin ko nalang tahimik na, yun pala tulog na.hehe Nakakatuwang tingnan ang mga bata, ang sarap pagmasdn kapag natutulog🙂😍 Anyway, I'm preppin' for our dinner🙂
Yaayyy! Maagang nakauwi ang papa namen. After ilang weeks ngayon na lang kami ulit nagkasama-samang kumain.. So gawin nating espesyal ang simpleng hapunan hehe Lalo kapag may mga kids ka dapat minsan aartehan mo ang pagprepare ng pagkain kahit simpleng ulam lng ang nakahain kasi natutuwa sila kapag bago sa paningin nila ang pagkaprepare ng food hehe Maya2 sleep na rin kami, sakto malamig kasi maulan nnman dito smen, masarap humiga ng maaga sabay kwentohan. Actually kanina…
Batang 90's can relate✔️ Naalala ko nung bata pa kami, dahil wala naman kaming TV noon, nakikipanuod lng kami sa tiyahin namen na ilang bahay rin ang pagitan. Tapos sa may daan pa may maliit na iskinita na talagang mapapatakbo ka pauwi hehe Goodnight noisemates😍
This was 3years ago. Minsan talaga mapanakit ung mga memories e haha Ganitong katawan lang sana e haha ngayon kasi wala, hirap ng magpapayat😭 Masarap kasi talagang kumain. Haha Lalo na ngayon full time mom na ako wala bg ibang ginawa kundi magluto at kumain haha Good morning noisemates..🙂
Almusal tayo noisemates🙂 Gulay tayo sa umaga hehe may natira pang kangkong kagabi, inisteam ko lang ulit.. perfect to sa bagoong e.. Late ang breakfast since closing shift ang asawa ko ngayon hehe
Pork & Chicken Killer Adobo🤤 As requested ng aking baby boy🙂👶 Yung nanay na nanay ka na talaga kapag nagrerequest na ng food ang mga anak mo ano? Feeling Chef ka rin kapag nasasarapan sila sa luto mo hehe sabi pa ng anak ko habang kumakain kami "Thank you for granting my request mama🙂" Oh dba hindi nakakasawang magluto kapag naappreciate nila effort mo🙂
Nakakagutom🤤 Panay pagkain na naman nakita ko pagbrowse ko.hehe Kaya pano tayo nito papayat self. Makakita ka lang pagkain e guto ka na😪 Magmemeryenda muna ako hehe Gandang hapon noisemates🙂
Nakakatuwa kapag ung asawa mo e mahilig magpasalubong. Na kahit sya ang pagod sa work pero kayo pa ang may reward🙂 Gandang gabi noisemates🙂
Nakakamiss din ang mga ganap noong normal pa ang panahon noh? Ngayong undas sana isa naman sa rason ng mga taga probinsya na nasa maynila na umuwi sa kni knilang probinsya. Isang dahilan eto sana oara magkatipon tipon ang pamilya. Nakakamiss din nung nga bata pa na sasabay ka rin sa puyat ng matatanda na magpapaumaga sa sementeryo 🙂 Pero naiintindihan naman tayo ng mga mahal natin sa buhay kung bakit hindi tayo makakapunta sknila ulit ngayon🙂 Good morning noisemates..