*Late post* Good morning noisemates. Busy kami ng anak ko ngayon tinatapos na ang mga dapat tapusin dahil next week magpapasa na lahat ng modules, notebooks at outputs. Kaya hindi ako makahawak gaano ng cellphone. Pero tapos na kami mag almusal hehe umiinit na ang panahon dito, pero kanina medyo makulimlim.
@RoseAnn16 in April 2022
Bago ako umuwi bumili ako ng cheesedesal, bumili rin ako ng ube cheesedesal 5pcs lang binili ko kasi baka kako hindi magustuhan ng mga bata. Ayon buti nakatikim ako ng isang ube hehe nagustuhan din ng mga bata e, atleast sa susunod alam ko na bibilhin ko hehe Gandang hapon noisemates. Paiba iba weather dito sa amin, kanina umulan ng malakas tapos uminit tapos ngayon makulimlim naman..
x Sardinas x itlog x Luto ko(1st pic) versus Luto ng mister ko(2nd pic) Wala ako sa mood magluto kaya bagsak sa egg at sardinas ang ulam namen. Ganito ako magluto, ginigisa ko lang ang sardinas para di gaanong malansa. Itong isang pic naman nung minsan ung mister ko pinagluto ko, sardinas at itlog lang din ulam namen, pero look naman ang luto at presentation, parang hindi tipid ung ulam db? Hehe mahilig syang mag upgrade talaga pagnagluluto sya, kaya kahit simpleng ulam lamg…
x Mushroom Burgersteak Sauce x Nagluto lang ako ng burger patties, tapos itong sauce solve na ang lunch nameng mag iina. Hehe Para maiba naman ang ulam, hindi ko na alam na naman lulutuin kong ulam e. Kayo dyan noisemates kumain na ba? Tara kain tayo.. Yeeey pasado na naman sa mga bagets. Masarap daw parang sa Jollibee daw hehe
Nagtoast ako ng tinapay kasi naluluma nnman ang tinapay ayaw naman kainin ng mga bata, maya2 dumating anak ko galing sa lola nya,may dalang gulaman juice at banana chips,nagmeryenda na rin daw silang magkapatid don kela lola nya hehe mukhang di pa rin mauubos itong tinapay ko ah hehe Magtitimpla na sana akong kape, dumating na anak ko kaya di na ako nagtimpla at para sa akin itong juice bigay ng lola nya hehe Gandang hapon noisemates..
x Toasted bread x coffee x Kakabangon ko lang, mga kasama ko sa bahay tulog pa rin. Wala rin ako sa mood magluto ng almusal hehe kaya kung ano nalang muna ang meron sa bahay ito na muna, mamaya ung mga bata magmilk nalang yan sigurado at mgbbiscuit hehe Ganito talaga ano? May araw na parang bigat na bigat ng katawan mo kaya hirap na hirap kang kumilos hehe Ano kayang masarap na iulam ngayon? Wala pa rin akong maisip kasi nga wala ako sa mood parang gusto ko lang mahiga…
x Relyenong Bangus x Lunch time na noisemates. Kami kakatapos lang kumain, ayon nakapag ihaw naman ng isda. Madalas kasi kapag isda prito lang ang luto ko, ayaw kasi ng mga bata ng lasa ng sabaw kapag isda. Kaya kung hindi prito e sweet n sour ang luto ko, kaya bihira din makapag ihaw. Maaga kaming nakapaglunch closing shift kasi ang mister ko sa work kaya maaga kaming kumain para sabay-sabay kami kumain.. Kain na rin kayo noisemates..
* Module Time * Mga hindi pwedeng mawala kapag nagmomodule itong bunso ko, una KULAMBO, pangalawa pagkain lol Anak ko na manang mana sa nanay nya, food lover din e, mayat-maya gutom hehe Gandang hapon noisemates.. Ayaw matulog ng bagets, edi magmodule hehe
x Flan Turon x This is one of our best seller product. Maraming nacucurious sa product namen na ito, pero wala pang nag-try na hindi nagustuhan. Parang ito lang ngayon oh, once pa lang nya nalasahan pero nagrepeat order naman sya ngayon. Nakakakilig yung mga repeat orders e, ibig sabihin nasatisfy sila at nagustuhan nila ang product namen. Nabusy ako, halos maghapon akong nasa store namen ngayon e.. Kumusta kayo noisemates? Mabuti nakauwi nko ng bahay bago bumuhos ang ulan…
x Bangsilog x okra x sweetnsour x Oh hello dagdag taba na naman tayo self hehe kain tayo noisemates. Nagcrave ako sa bangus, sakto may nagbebenta sa labas ng grocery kanina. Medyo mataba rin yung bangus sarap naman talaga ng belly hehe Gandang gabi noisemates. Tara kain tayo. :)
4years ago. First time na may gagraduate from K-12, nakakaproud lang na mister ko pa ang napiling Guest speaker sa school nya dati. Kahit nung first time na kinausap sya ng isang teacher sa alma mater nya e halos tumatanggi pa sya kasi hindi daw sya deserving. Nagtapos nga naman sya ng highschool na nasa top-10, kaya feeling nya hindi nya deserve, (humble lang talaga sya) Pero syempre ako nung ikwinento nya sa akin natuwa ako kasi sabi ko. Hindi ka nila mapipili na guest…
x Spaghetti x Maagang nagising ang anak kong bunso kaya pumunta agad sa lolo't lola to say Goodmorning. Tapos pag uwi e may dala ng spaghetti hehe ang sipag talaga magluto ng byenan ko, kahit silang mag asawa lang nasa bahay bihira tlaga silang bumili ng mga luto ng ulam o pagkain hehe Wala ng ulan dito sa amin ngayon pero makulimlim pa rin, ok na rin to, wag lang bumuhos ang ulan hehe Good morning noisemates..
Gandang hapon noisemates. Kanina pa kami nakahiga hindi pa rin nakakatulog ang baby ko. Ang kuya ko naman nag oonline class, inaantok daw sya kaya after class daw nya matutulog sya. Hehe Malamig dito smen ngayon dahil sa panahon paulan ulan pa rin kaya masarap matulog..
Gandang gabi noisemates. Tara kain tayo noisemates. Simpleng ulam pero siguradong solve na.. Saka kailangan din magtipid tipid. Grabe nakakahilo kapag nasa palengke ka. Nakakahilo lahat mg presyo na ang lalaki ng itinaas. Don sa binibilhan kong tinapay sa palengke ung dating 15/pack ng buns 20pesos na ngayon, yung wrapper na 20 pesos lang 25pesos na ngayon. Grabe talaga taas na ng mga bilihin,kaya feeling ko kailangan ko na din mag mark up. Tara kain tayo noisemates. Masarap…
Saging na saba Mahilig talaga ako dito, pati mga anak ko gusto rin ito, actually meron naman nito sa nanay ko anytime pwedeng kumuha, pero kasi kanina nung bibili lang sana akong tinapay nakita ko yung matanda, bago lang sya paningin ko, pumwesto lang sa may kalsada nasa bilao itong tinda nya, tapos may kasama pa sya dalawang apo. Basta talaga pagdating sa matatanda malambot ang puso ko, lalo na ung kahit matnda na e nagsisikap pa na maghanap buhay. Good morning noisemates..
Late lunch. Ako lang kumain ngayon e, itong sabaw galing sa byenan ko, tapos ung mga anak ko don trip kumain sknila kanina kaya kakatapos ko lang ngayon kumain, wala kasing kasabay at nagwork na rin amg mister ko. Nakakaantok ang panahon, sarap matulog.. Magpapababa lang ako mg kinain iidlip rin muna ako, ako lang mag isa sa bahay nasa byenan ko amg mga anak ko e. Hehe Gloomy afternoon noisemates..
x Maruya x Dahil hindi naman ako nakatulog naalala ko ung saging kanina, ayan niluto ko na, ang sarap nung saging sakto lang ang pakahinog.. Mamayalang andito na ang mga bagets. Para pagdating nila e may meryenda kahit alam kong di un don magugutom sa lola nila hehe Gandang hapon noisemates tara meryenda Tayo..
x Turon x Kape x Good morning noisemates. Ready na ang almusal, ung mga mag-aalmusal e naghihilik pa hehe Ulan kasi ng ulan pa rin e kaya ayan sarap pa ng tulog nila.. Ako naman e bumangon na kasi pupunta akong school para kumuha ng modules ng anak ko. Sana nga wag ng umulan ng malakas, hirap magmotor kapag naulan e.. Tara kain muna tayo noisemates..
Good morning noisemates. Iba ung lamig ngayon dito sa amin, parang December feels. Maaga tuloy akong nagising kasi umatake na naman allergic rhinitis ko dahil sa lamig. Masakit sa ulo abg sunod-sunod na pagbahing hays. Nagising na rin lang ako parang gusto kong magpalengke hindi rin naman umuulan e. At saka habang tulog pa ang mga kamahalan ko hehe
x Kape x Pandesal x Tara almusal tayo noisemates. Nakapalengke nko at nag aalmusal na yung mga kamahalan ko e mga naghihilik pa hehe Medyo presko pa kasi ang hangin kaya talaga namang masarap pa matulog.. Maya-maya magluluto na rin ako kasi 12nn pasok ng mister ko. Habang nag aalmusal ako dumating byenan ko at hinahanap mga anak ko, may dala syang lugaw, aba at nagrequest daw pala ng lugaw na breakfast ang mga anak ko. Hehe Swerte talaga ng mga anak ko sa lola nila.💕
x Lunch time x Yung kapag bata talaga ang tanungin mo kung anong gusto nilang ulam isa lang ang isasagot e "fried chickeeeenn" Okay sige dahil mahal ko kayo wala akong pake kung mahal ang cooking oil lol Kaya madalas tamang gisa gisa lang ng ulam e, lahat kasi mahal nako lalo na ang mantika talagang nakakahighblood ang presyo hehe Ayon konti nalang ang gulay kasi nabawasan na yan para sa baon namg mister ko at binigyan ko rin ang byenan ko. Tara kain na tayo guys. Sakto lang…
x Burger x Pasalubong sa akin ng mister ko. Wala ang mga bagets namen, ewan ko kung anong naisipan ng mga anak ko at doon daw sila matutulog sa lola nila hehe Kapag ganito kahit ayoko kasi gusto ko katabi ko lang sila e pinapabayaan ko nalang, kasi syempre masayang memories un kasama ang lolo't lola nila.. Gandang gabi noisemates..
Good morning noisemates. Happy sunday everyone! Nakakamiss din yung ganito kami matulog ng mister ko, hehe matagal na kaming hindi magkatabi pagtulog e, kasi nasa pagitan namen ang bunso namen kasi gusto nung bunso namen e katabi ako at katabi si papa nya,hehe e kagabi wala kasi don natulog sa lola. Hehe Himala nga wala pang kumakatok dito sa bahay, usually kasi kapag don sila natutulog sa lola nila e maaga silang bumabangon kasi maagang nagigising lolo't lola nila kaya…
Lunch time.. Tara lunch tayo noisemates.. Nkaulam din ng pritong espada, tagal ko ng ngccrave nito, since alam kong di nito kakain mga anak ki nagluto n rin ako ng sabaw, misua with chicken hehe pagdating Kasi sa fish. Ilan lng ang kilala nila hehe Kaya konti lng tlaga binili kong isda.. Gandang tanghali noisemates..
x Kinalas x Eto ung loyal ko talagang staff na parang kapatid ko na e. Kahit sunday ngayon at sarado kami kapag sunday e tinulungan nya pa rin ako mag back up ng paninda. Kaya bilang pasasalamat nagmeryenda kami, sakto at medyo malamig dito sa amin hehe kaya masarap tong kinalas at may chili oil, sarap humigop ng sabaw hehe Gandang gabi noisemates..
Good morning noisemates. Namiss ko ang baby kong ito. 2nights na silang natutulog sa lola nila, kanina bumaba ako para umihi tapos inunlocked ko na ang pinto kasi ito nga para kako kapag umuwi na ang batuts e di nko babangon para magbukas ng pinto. Panay ulan ulan pa kasi dito smen kaya sarap lang humiga. Hehe Yung kuya nya andon pa sa lola nila, nag almusal na rin daw itong baby ko, o dba? Nakitulog na nakialmusal pa hehe
Minsan naiisip ko ano bang ginawa kong tama para bigyan ako ng sobrang bait na byenan? Kahapon binigay nya sken itong ampalaya at indian mango, tapos ngayon as in now na nagpprepare ako para lutuin ung binigay nyang ampalaya, dumating naman ang anak ko at pinapabigay na meryenda ang lola nya hay sarap sa pakiramdam na mahal ka ng byenan mo na parang sarili kang anak hehe Kain tayo habang nagpprepare ng lulutuin hehe
Maulan pa rin na morning noisemates. Naalala nyo pa ba ung post ko about sa alulong ng mga aso dito sa amin nung nakaraan? Na sabi sa kasabihan ng matatanda e may sinusundo daw? Sadly ung kapitbahay nga namen na matanda e binawian na ng buhay kaninang madaling araw lang daw. Kung pwede lang natin pigilan ung mga ganitong pagkakataon noh? Kaso talagang hiram lang natin ang buhay natin, kaya mas mainam na lang siguro na lagi tayong handa sa lahat ng pagkakataon..
Yung panganay kong anak grade 3 lang natututo na ng ganito hehe Kaya iba rin talaga kapag advance ang turo e, natututo agad sila. After ng online class nya kanina nagpaalam na maglalaptop lang daw sya saglit, akala ko maglalaro ng roblox, ayon pagsilip ko eto pala ang pinagkakaabalan hehe Iba na talaga technology e, parang normal nalang sa mga bata ung mga ganitong gawa. Inaantok ako noisemates kaso maglalaba ako, kaya laba na lang muna hehe
Done eating dinner. May natira pa kaming ulam kanina itong sinampalokang manok, balak sana namen gumawa nlang burger for dinner saka pansit canton (not so healthy) kasi biglang tumawag sken byenan ko at pinapapunta sknila anak ko. Pagbalik ng anak ko ayan may dala ng ulam na ampalaya at tofu sisig. Oh dba the best talaga ang byenan ko. Kaya ayon nagsaing nalang ako next time nalang kami magburger hehe Kayo dyan noisemates kumain na ba? Gandang gabi noisemates..
Birthday nitong loyal kong staff hehe nagluto nalang ako ng meryenda namen. Natuwa naman sya kahit ganito lang nakayanan ko hehe Sabi ko bawi nalang kami sa sunod hehe Gandang gabi sainyo noisemates.
Goodnight noisemates. Share ko lang itong message sken ng kaibigan ko since elementary. Nakakatuwa lang kahit sobrang tagal nameng hindi nagkita at walang contact e nagmessage sken para makasama ako hehe Mas kinikilig ako kapag ganito, feeling ko ambait ko kasi gusto pa rin nila akong makasama hehe Nung highschool kasi hindi na kami magkklase, nagkaroon na rin kami ibang circle of friends. Nakakatuwa lang 😍
Good morning noisemates. Kita ko lang to sa efbi memories ko. Nakakamiss magpasyal at mag almusal sa beach. Bihira na kami makapunta hehe ang hirap na kasing gisingin ng mga bata, tapos hindi na rin kami kasya sa isang motor malalaki na kasi mga anak ko, pati ako lumaki na rin hehe Kaya kung pupunta kami tig isa kaming motor ng mister ko, kaso talo sa gas ngayon mahal hehe Sana maging okay na talaga ang panahon, makabalik na sa dati ang kita ng negosyo para mapalagyan na…
x Breakfast/Meryenda x Late breakfast noisemates. Kakagising lang din ng mga batuts. DIY burger sila kapag nagbburger kami para nasusunod ang gusto nila, minsan kasi ayaw nila may dressing, kaya ayan sila pinapagawa ko ng burger nila hehe Maganda ang panahon noisemates. Nailabas ko na rin sa initan ang mga sinampay ko.. Tara kain tayo noisemates habang nagppapalambot ng monggo para pananghalian..
Lunch namen kanina noisemates. Busy busyhan ang lola nyo kanina, ngayon pa lang nakahawak ng cellphone ulit. Nagpunpon na rin ko ng sinampay ko, mabuti natuyo naman, nagbabadya na naman kasi ang ulan e, inaantok ako masarap sanang matulog, kaso nakisuyo naman ung kaibigan ko na ipareserve sya ng ticket pabalik ng maynila, nagbbyahe na kasi sya ngayon pauwi dito sa probinsya namen. Gandang hapon sainyo noisemates. Tahimik masyado dito sa Lugar namen, bukod sa semana santa e…
This was 2years ago. Iba talaga kapag nanay ka na, kahit hindi ka mahilig magbutingting para sa anak mo e magagawa mo e noh? Nakakatuwa pa kasi kahit ang pangit ng gawa mo naappreciate talaga ng anak mo hehe Simpleng bahay bahayan lang masaya na ang anak ko.. Good morning sainyo dyan noisemates.
x Boodle fight x Simple lunch namen kanina, pauwi kasi kami ngayon ng mga bata sa bayan namen, iwan na lang sa bahay ang papa namen kasi bukas may work na sya. Tapos kapag sinuswerte kpa nga naman, dalawa dapat ticket ko nito, isang ticket para sa dalawang anak ko hehe tapos isa sken, e sakto kakilala ko ung conductor idiniscount ako isang ticket nlang pinabayaran sken, o dba nakalibre akong 65pesos. Hehe Gandang hapon noisemates..
Catching up. Nakakatuwa nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko nung elementary. Sarap din balikan nung mga panahon noon. Na simpleng meryenda lang namen noon na sa baon namen na limang piso nung panahon namen. Tapos ung mga kalokohan namen noon hehe
At dahil close na ang resto knina lumipat kami dito sa bahay ng isa nameng kaibigan, sila talaga mga kaibigan ko nung elementary, nakakatuwa na halos lahat e close talaga kami, nakakatuwa rin na malaman na maaayos na ang buhay ng mga kaibigan namen, kahit ung pinakapasaway pa na kklase namen nung grade 6 hehe Ilang years rin bago kami nagkita2, kaya maganda talaga ung biglaan e, kahit may iba-iba na rin kaming kaibigan e nagkaroon kami ng chance na magkita2 at makamustahan…
x 15 YEARS HIGHSCHOOL REUNION x Gandang gabi noisemates. Maghapon akong busy today, kakauwi ko lang galing sa reunion namen, sobrang saya lang, yung Hindi nko umiinom masyado ng alak pero mula kagabi pa ako napapalaban sa mga kabatch ko lalo ngayong reunion namen, maghapon talagang inom mabuti na lang nakisama ang katawan ko, hindi ako nalasing kahit ang dami at halo-halo na alak ang ininom namen hehe Siguro nasa isip ng katawan ko e bihira lang naman kaya ok lang hehe…
Happy Easter Everyone! Enjoy po and ingat sa lahat ng mga maga outing, ingat sa tubig lalo na sa dagat medyo malakas ang alon ngayon. Kahapon sa venue ng reunion namen e sa beach un, un ung hindi talaga gaanong malakas ang alon, pero kahapon e super malakas at malalaki ang alon kaya nakakatakot ngayon sa dagat, sa lugar din talaga namen e may nalunod na magkapatid sa dagat dahil din sa lakas ng alon. Kaya ingat po tayong lahat.. Happy holidays noisemates.
Gandang gabi noisemates. Sana wag magbago ang baby boy ko sa kapatid nya, kanina habang nagbbyahe kami pauwi nakatulog ang bunso ko. Nakakatuwa lang at ipinatong ng panganay ko ung paa ng bunso ko sa lap nya saka hinawakan nalang ung tsinelas ng kapatid nya para hindi daw mahulog hehe Nakakatuwa pagmasdan ang mga anak ko kapag ganito sila kahit na minsan e nagbbangayan rin sila hehe
Goodevening noisemates. Share ko lang tong convo namen ng mister ko hehe ganito rin ba kayo ng mga partner nyo? Naalala ko nung umuwi kami ng mga bata sa bayan ko para umattend ako ng highschool reunion namen, 3days 2nights din kaming wala e. Nakakatuwa minsan ung way ng mister ko para sabihing miss ako haha pero minsan half meant din talaga to minsan e. Hehe
Lunch tayo noisemates. Masarap din sana magluto ng ginataan na tulingan na isda, kaso grabe ang mahal ng niyog dito sa talipapa namen, di pa masyadong malaki e 30 kaya sabi ko magsisigang nalang ako kaya ibang isda na lang binili ko. Hindi talaga nila masyadong bet ang sabaw kapag isda, pero kumakain naman sila, hindi lang ganon kagana ang kain ng mga anak ko.
Goodnight noisemates. Kanina nagpasyal naman kami sa mall at doon na nagdinner, kawawa naman kasi mga anak ko dati nung hindi pa pandemic at maayos talaga ang kita ng negosyo namen e halos every other day e sa labas kami kumakain. Halos malibot na namen mga kainan dito sa amin. And namimiss na rin un ng mga anak ko hindi lang sila nagsasabi. Pasalamat na lang ako sa mga anak ko at marunong silang umintindi ng sitwasyon, kaya kanina habang pauwi kami e panay silang thankyou…
Ito yung mama at anak ng bestfriend ko na nasa Japan ngayon. Naalala ko nung reunion namen, naisipan namen nung kaibigan ko na maglakad2 sa may beach, nakakatuwa lang nakita ko itong nanay ng bestfriend ko since highschool. Sa manila na rin kasi sila nag-i-stay, sakto naman nakita ko, kaya tuwang tuwa yung bestfriend ko nung sinend ko itong pic skanya, mas lalo na raw kami namimiss. Naalala ko pa nung highschool kami, e halos dito na ako sa pamilya ng bestfriend ko tumira…
x Lumpiang Shanghai x Para sa puso mong malumbay. Charot Kakatapos lang namen kumain noisemates. Nagluto lang rin ako ng instant noodles na may egg para may sabaw. Malumbay talaga ang puso ko ngayon noisemates. Hays Sana kung ano man ang pagsubok na binibigay smen ni God ngayon e malampasan namen agad. Nakakadrain talaga kapag sunod² ang pagsubok. Talagang susubukin ka ng panahon e. Anyway pinagpapasa Dyos nalang namen ang lahat ngayon🙏
Good morning noisemates. Kahit puro pagsubok na lang, nagpapasalamat pa rin ako Kay God sa panibagong araw na binigay nya. Iniisip ko na lang na matatapos din ang problema namen. Nagpapasalamat na lang ako at laging andito para sa akin ang mister ko at pilit nagpapakatatag para palakasin rin ang loob ko.. Nakakapagod amg problema sa totoo lang. Pero sabi nga, Pwede kang magpahinga pero wag kang susuko. Anyway, good morning ulit, its another day to fight.💪
x Adobong Sitaw x Tara kain tayo noisemates. Sabi ko gulay na lang para tipid hehe mura lang naman ung sitaw 15pesos lang, kaso yung sahog ko isang hiwa lang kinuha ko e 90pesos parang di rin nkatipid hehe Di lang kasi talaga kami fan ng bili nalang ng lutong ulam e.. kaya minsan mas magastos magluto e ok lang. Mainit na tanghali noisemates..
Good morning noisemates. Sinipag ako today gumawa ng lumpia na fish. Nagluto ako kanina para baon ng mister ko, may tira pa at may tira pa din uncooked, eto na rin lunch namen mamaya, yey makapaglaba nga muna, madali nalang magprito mamaya ng ulam e hehe Isa sa favorite din ito ng mga anak ko, malasa kasi talaga ang isda kapag ginagawang shanghai e.. Keep safe noisemates..
Goodnight noisemates. Share ko lang itong picture ng mag ama ko, inaadvance ng turo ng mister ko ang anak namen para sa face to face class nila nextweek sa computer subject. Natutuwa lang ako sa mister ko, kahit pagod galing work e he always find time para makapagbonding sila ng mga anak nya, gusto kasi sya mafeel ng anak namen na parang nagbobonding lang sila kahit nag-aaral. Nakakatuwa pa kasi malumanay syang magturo sa anak nya kaya naman focus naman talaga makinig skanya…
Good morning mga mamsh. Mainit na sa likod kaya bumangon na ako hehe Mga anak ko grabe sa tulog, kaya iniisip ko kung paano kami nito kapag face to face na sila, medyo malayo pa naman school nila hehe Kaya sinasabihan ko sila na kapag malapit na ang pasukan e masanay na sila na gumising ng maaga. Habang nagtatype ako nito e dumating mga kalaro ng panganay ko hehe hinahanap at maglalaro daw sila, nako e tulog pa kako lol Malulupet mga kalaro ng anak ko e, maagang gumigising,…
x Creamy Chicken Adobo x Ayon, thumbs up na naman ang luto ng mama sa mga chikitings ko. Request din ito ng panganay ko, maganda rin kapag marunong na sila magrequest ng ulam, nabawasan ka ng isipin sa isang araw lol Kakatapos lang namen maglunch nosiemates. Kayo dyan kumusta? Nagbrownout na naman dito smen, almost 2hrs din.. Brownout capital talaga tong bayan namen e hehe
Rainy Sunday Morning Noisemates. Nagising ako sa lakas ng ulan, bigla kong namiss ang mga chikiting ko, naisipan nnman nila na doon na matulog sa lola nila e, wala tuloy naksiksik sken paggisng ko hehe Love this quote, sa totoo lang noisemte ilang araw ng mabigat ang pakiramdam ko dahil sa mga biglaang problema na dumarating. Thankful na lang ako sa mister ko at pinapalakas nya loob ko. Sana one day magising ako na okay na or makamove on nko sa problema namen, masakit pa rin…
Lazy Sunday. Kapag may masama ka talagang nararamdaman tatamarin kang kumilos e, grabe kasi sakit ng sikmura ko ngayon, kaya ayan pass muna sa kape, gatas muna tayo at di keri amg sakit ng sikmura, acid yata ito. Pero after neto magpprepare na rin ako para makapagluto ng lunch, no choice kailangan kumilos at may pamilyang magugutom kapag hindi kumilos ang nanay hehe
Mga anak ko kapag nag aaway at kapag isa isa kong kinakausap e kanya-kanya din ang iyak hehe "Di ko na yan iintidihin" "Bahala na sya" "I hate Kuya" mga ganyan minsan maririnig mo saknila pero hinahayaan ko lang hanggang sa kumalma na sila, at kapag nakausap ko na, at nahimasmasan na. Sila mismo ang magsosorry sa isa't-isa at magyayakapan. Alam ko hanggang pagtanda nila ganito pa rin sila, mag aaway pero alam kong hindi matitiis ang isa't-isa. Kaya hanggat maari…
x Ginataang Langka x Para kang langka, LANGKAtulad. *Baduy* Kaya hirap akong pumayat e, ang byenan ko laging may pahatid na ulam hehe Bukod sa mahilig sa maaanghang ang bicolano/a, mahilig rin kami sa may mga gata na pagkain, un nga lang hindi pa ako expert magluto ng may gata hehe Kaya madalas kapag may gata ulam namen e si mister ko pinagluluto ko kasi masarap syang magluto :) Makulimlim na naman dito sa amin, nakakaantok.. 😴
x Sinigang na Baboy x Ayon nakapagsigang naman ng baboy, medyo matagal na rin ako magccrave nito, kaso mahal talaga ang baboy kaya tamang pigil pigil sa cravings para hindi masira ang budget, sakto rin naman nagrequest nito ang bunso ko kaya pinagbigyan ko na, bihira rin naman magbaboy. Makulimlim rin dito, uulan iinit kaya masara din humigop ng maasim asim na sabaw :) Kain na rin jayo noisemates. Gandang tanghali sainyo dyan noisemates, keep safe;)
x Sinigang na Baboy x Ayon nakapagsigang naman ng baboy, medyo matagal na rin ako magccrave nito, kaso mahal talaga ang baboy kaya tamang pigil pigil sa cravings para hindi masira ang budget hehe Makulimlim rin dito, uulan iinit kaya masara din humigop ng maasim asim na sabaw :) Kain na rin kayo noisemates. Kanina pa tong post ko. Hindi mapost hehe
Good morning noisemates. Eto ang aking hometown. Dito ako nagtapos ng elementary at highschool, napakasimple ng pamumuhay dito, pangunahing hanapbuhay ay pangingisda dahil napapalibutan ng tubig ang bayan namen, this is located at "PARACALE, CAMARINES NORTE" Also known as town of Gold. Why Town of Gold? Kasi pagmimina rin isa sa hanapbuhay dito at maraming yamang mineral ang nandito, maraming ginto. Alam nyo ba na maraming nagsasabi na lulubog na raw itong bayan namen kasi…
x Hotdogs x eggs x fried rice x coffee x Ayon nakahawak naman ng cellphone, breakfast namen knina noisemates. Heavy breakfast kasi madami dami akong gagawin ngayon hehe Ang moody na naman ng panahon dito samen, umiinit tapos kumukulimlim kaya para ka rin nakikipagpatentero kakalabas pasok ng sinampay mo hehe
Bumili ako kanina Cheesedesal nung pauwi nko, 15pcs lang binili ko kasi kami lang naman tatlo ng mga bata kakain, tapos habang nagddrive ako pauwi kumain ako isang piraso. Pagdating ko ng bahay, kumain na rin kami ng mga bata, tapos maya-maya kumuha ng dalawa ung panganay ko habang may kinakain pa, sabay paalam sken kung pwede nyang bigyan yung dalawa nyang kalaro, kasi hinihintay sya sa labas, sabi ko sige. Mamaya ung bunso ko naman bibigyan din daw nya kalaro nya kasi…
May binili nga pala akong pinya kaninang umaga, muntik ko na naman makalimutan, kainin na muna namen ng baby ko bago mag nap hehe, ang panganay ko naman kumakain rin habang nag oonline class.. Wala na akong bagoong kaya sili na may asin, este asin na may sili na lang hehe Ako lang ba ung halos lahat ng pagkain e gusto maanghang?hehe Proud Bicolana here.. Gandang hapon noisemates..
x Homemade Hotdog Sandwich x Laking tipid talaga kapag gagawa o magluluto ka ng sarling pagkain e noh? As usual my kids loved it na naman, hehe Irerequest na naman daw nila ito sken kapag gusto nila ng sandwich :) Gandang hapon noisemates. Tara meryenda tayo..
My Daughter's 7th Birthday. Indeed the happiness of a Child is also the happiness of the Parents. Kakauwi lang namen, nakakahappy lang kasi alam kong nag enjoy ang anak namen, surprised sya ihh hihi Buong akala nya walang ganap ngayon birthday nya, she only requests 4pieces of burger for us on her birthday. Burger lang daw happy na daw sya. Hehe Sakto pa dumating mga pinsan nya from laguna kaya mas enjoy sya kasi ilan sa friends nya ang nakapunta at mga pinsan nya. :)
Continuation ng birthday kagabi ng baby ko. Gumawa pala ng pizza at carrot cake si lola nya. Hindi kasi nakasama si lolo at lola nya kahapon pagswimming namen kasi sinamahan ung hipag ko na magpacheck up, then ngayon schedule nya for operation. Kaya kami ng lolo nila ang take charge din sa mga anak ng hipag ko ngayon. Good morning sainyo noisemates..
Sobrang ineeeeettt. Napabili tuloy ng milktea, init rin kasing magdrive e. Bihira akong magmilktea ngayon, lately kasi kapag nagmimilktea ako e parang nasisira ang tyan ko, which is hindi naman dati. Kumusta kayo noisemates? Start na yata ng summer Ngayon ah. Sobrang taas ng araw dito samen ngayon..
x Pilipit x Palitaw x Nakahiga-higa kami ng mister ko sa sala kasi sobrang init, habang nagmemeeting din sya, alumni officer kasi sya sa school namen nung college. (Opo nakahiga hehe naka off cam) May dumaan na naglalako ng pilipit at palitaw ayon napabili naman ako, mukhang miss din ng asawa ko kumain ng mga kakanin kasi sya nagsabi na bumili daw ako hehe Tara meryenda tayo noisemates..
Kanina lumabas kami para maghanap kung anong hapunan, sumama rin ang bunso namen, nakakatuwa lang kumain kami ng pares sa tabi tabi. Hehe Go rin naman ang baby ko very cowgirl, mana sa nanay hehe kahit saan mo dalhin e sige lang. Ayon spag nalang kami ngayong gabi, spag daw gusto ng mga bata e.. Gandang gabi noisemates..