read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

4years ago. First time na may gagraduate from K-12, nakakaproud lang na mister ko pa ang napiling Guest speaker sa school nya dati. Kahit nung first time na kinausap sya ng isang teacher sa alma mater nya e halos tumatanggi pa sya kasi hindi daw sya deserving. Nagtapos nga naman sya ng highschool na nasa top-10, kaya feeling nya hindi nya deserve, (humble lang talaga sya) Pero syempre ako nung ikwinento nya sa akin natuwa ako kasi sabi ko. Hindi ka nila mapipili na guest speaker kung alam nilang wala kang magiging effect sa mga magtatapos, kasi kung alam nyo lang buhay ng mister ko nung time na nag aaral sya hanggang sa makapag tapos sya ng college. Sasabihin nyong "he deserves it". Kaya nung binalikan daw sya nung teacher sa work nya para iinvite nga at gawing guest speaker pumayag na sya at duda pa rin talaga sya kung bakit sya ang napili. Hehe Kaya super proud ako sa mister kong to, marami din syang life lessons na naituro sa akin. Siguro kung hindi ko to nakilala ako pa rin yung tao na sanay sa "bahala na" at "easy go lucky" Good morning noisemates..

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.