Bumili ako kanina Cheesedesal nung pauwi nko, 15pcs lang binili ko kasi kami lang naman tatlo ng mga bata kakain, tapos habang nagddrive ako pauwi kumain ako isang piraso. Pagdating ko ng bahay, kumain na rin kami ng mga bata, tapos maya-maya kumuha ng dalawa ung panganay ko habang may kinakain pa, sabay paalam sken kung pwede nyang bigyan yung dalawa nyang kalaro, kasi hinihintay sya sa labas, sabi ko sige. Mamaya ung bunso ko naman bibigyan din daw nya kalaro nya kasi hinihintay din sya sa labas,hehe Tapos kumain ulit sila, ayan may natira pa naman sken isa pero okay lang kasi dalawa na rin nakain ko, natutuwa lang ako sa mga anak ko, kapag meron sila hanggat pwedeng ishare e sineshare talaga nila sa mga kaibigan nila hehe Tara kape tayo noisemates..
2 comments
Ang bait naman nila, kahit bata pa alam na nilang mag-share na tama naman, sila rin ay tatanggap ng gano'n. Gandang araw, kaingay!
Very good naman🤩