read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in January 2022

@RoseAnn16

New Years day Gala. Busy maghapon, ngayon lang nakapag-online. Pumasyal dito smen pamilya ng kapatid ng asawa ko, kaya nakapasyal kami dito na kasama ang mga bata. 1hour din ang byahe e kaya kapag walang sasakyan di namen maisama ang mga bata, ang hirap kasi magcommute commute sa panahon ngayon e. #1/365days Happy New Year Noisemates.🎉

@RoseAnn16

x Scrambled Egg x Tuyo x Perfect breakfast after ilang araw na puro meat. Actually meron pang mga ulam at meat, kaso medyo umay na kaya tuyo tayo para masarap hehe Ang lamig dito smen ngayon, nakakatamad tuloy kumilos hehe Kaso laba day ako ngayon.hehe Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

x Hotdogs x Eggs x Good morning noisemates. Let's start our day with heavy breakfast. May pasok na naman ang mga bagets kaya dapat makakain sila ng maayos para magfunction ng maayos ang brain. Mabuti na lang may online class pa rin sila ngayon, wala pang date kung kelan ang face to face classes or kung tuloy nga ba ang face to face. Have a nice day noisemates. :)

@RoseAnn16

Gandang tanghali noisemates. Maganda ang panahon dito smen ngayon, mainit pero mahangin. Gulay muna tayo today request ng kuya ko. Kayo dyan ano ulam nyo noisemates?🙂

@RoseAnn16

Eto ung mga nakakahinayang na pagkakataon pagdating sa negosyo. Yung tindera sa tabi ng store namen, napachat sken kanina around 11, kung mag oopen daw kami, kasi nasa 10 na tao na daw nagtanong sakanya kung what time kami magbubukas. Tapos around 12 ayan chat ulit sya, sakto rin naman pati sa fb page namen may nagchachat gusto mag order kaso dahil mabait akong employer at nagpaalam empleyado ko na may "Reunion" daw sila so ayon CLOSED ang store ko today, sayang ang benta,…

@RoseAnn16

Nakakatuwa, huling travel namen kasama buong pamilya ng mister ko was 2018 nung nag Baguio kami, sobrang baby pa netong bunso ko that time. Ang hirap nyang picturan, sa mga picture nila magpipinsan e lahat sya umiiyak haha Pero ngayon nakakatuwa, sya pa nagsasabi "mama,papa picturan mo po ako" Tapos kapag sisingit sa picture ang kapatid nya sasabihin "kuya wait lang, ako muna solo" haha o db? Kaya sana mawala na ang pandemic para makapag ipon na ulit at makapagtravel with…

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Tara kain tayo, naparami ulam, nagdala pa ng sabaw ung byenan ko e, napakaswerte talaga ng mga anak ko,hehe gusto ng lola nila may sabaw ang pagkain ng mga bata e..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kain po tayo almusal. Ganda ng panahon dito smen ngayon, mainit pero malamig ang hangin. Medyo puyat ako, maaga akong nakatulog kagabi e, tapos bandang 3am nagising ako tapos hindi ulit nakatulog hays.. Kayo kumusta tulog nyo noisemates?

@RoseAnn16

Hello noisemates. Gandang Tanghali. Eto talaga mga nakakakilig na message e. Nakakatuwa kapag may mga nagmemessage para sa order o advance order. Mabuti na lang nakabalik na rin mga staff ko kaya nakapag operate na ulit ang tindahan after almost a week na Closed. Anyway kain po Tayo, ginisang sayote ulam namen. Para may gulay naman ang mga bagets🙂

@RoseAnn16

Hello noisemates. Share ko lang. Buti na lang hindi agad ako nakatulog kani kanina hehe Nakakatuwa sa fb page namen nagchat para umorder. Thankyou Lord for all your blessings. Sana tuloy² na ulit ngayong taon.. Idlip muna ako noisemates kanina pa masakit ulo ko gawa sa puyat siguro..😪

@RoseAnn16

x Pechay with Sardines x Fried Chicken x Gandang gabi mga mamsh. Kapag may mga anak na talaga dapat ung mga simpleng ulam e mapa level up natin para ganahan sila kumain and at the same time may sustansya ang pumapasok sa katawan nila. Kung sila lang talaga tatanungin maski araw-arawin mo silang Pritong manok e ok lang, pero syempre hindi pwede dapat may gulay din :) Kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Nakakatuwa kasi napaka-independent na nitong baby bunso ko, kahapon nagpaalam sa amin ng papa nya na doon daw sya matutulog sa lola nya ng 3nights starting last night. Kasi isinama pala si lolo nya nung kapatid ng lolo nya sa cavite may aasikasuhin, kaya mag isa lang si lola nya ngayon sa bahay kaya sasamahan daw nyang mag sleep. Nakakatuwa kasi nakikita ko na independent sya, pero ako nahirapan ako na hindi ko katabi ang baby ko sa pagtulog,but since…

@RoseAnn16

Meryenda muna ang panganay ko habang nag oonline class. Pasaway ang mama e di agad nakapagprepare ng food. Masarap pa kasi humiga kanina kasi malamig hehe Musta kayo dyan noisemates?

@RoseAnn16

Lunchtime na noisemates. Tara kain tayo, lumpiang fish po yan, kinulang ako sa wrapper kaya ala fishball na lang yung natira, nagtrade kami ng byenan ko, binigyan ko sya lumpia, binigyan nya naman ako gulay hehe Kaya masaya kapag andito byenan ko nadami ang pagkain kapag nag ttrade hehe Kain tayo noisemates.

@RoseAnn16

Meryenda tayo mga mamsh. Kumusta? Nakaready na ba ang mga panlagay nyo sa isasabit na medyas ng mga baby natin mamaya? Hehe Nakakatuwa lang na i can manage to buy some stuff for my kids. Dati si mister ko lang bumibili ng mga panlagay sa sinabit na medyas ng mga bata e, ngayon nagagawa ko na. Masarap din talaga kahit papano may sariling pera ang mga mommies like me.

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Kagabi malungkot ako kasi wala ang bunso ko don sa lola nila natulog, pero ngayon mas malungkot ako kasi yung dalawang anak ko ang natulog sa lola nila. Tapos bago pumunta sa lola nila ang ank kong bunso nagsabit na ng medyas (medyas ni papa nila.haha wala na silang medyas e), ang panganay ko naman nakalimutan magsabit ng medyas kaya ayan napachat sa akin.. Nakakatuwa kapag bata ano? Di ko to naranasan nung bata ako, na magsasabit ng medyas tuwing…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Eto ang pamilya ng asawa ko, ung kapatid lang na isa ng mister ko ang wala at ang pamilya non kasi nasa Laguna.. Mas masaya na magtravel kasama ang pamilya ngayon kasi malalaki na ang mga bata, wala ka ng masyadong iintindihin during the trip hehe Nashare ko lang noisemates..

@RoseAnn16

Just want to share how happy I am seeing my kids happy for the little present they received from "3kings"/"Santa Claus". Yung baby girl ko pa super excited ishinare nya agad sa lola nya natanggap nya. 2nd pic pala is kagabi pagkauwi ng mister ko bigla daw nya naalala na 3kings pala ngayon kaya napadaan sa 7/11 yan lang daw nabili nya kasi wala na syang pera. Haha ayon nadagdagan tuloy naibigay sa mga bata hehe Nakakaproud ung mga ganitong tatay na hindi nakakalimutan ang mga…

@RoseAnn16

Good evening noisemates. Kakatapos lang kumain, dahil may tira pang Kimchi sa ref ayan Kimchi rice kami for dinner. Mabuti na lang nagustuhan rin ng panganay ko, pero ang bunso ko mas prefer talaga ang plain rice lang. Kayo dyan noisemates kmusta? Kumain na rin ba kayo?

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Almusal tayo, ay nako ang ganda2 ng panahon kahapon tapos ngayon eto ang ulan ulan na naman. Pero mabuti na lang dayoff ni mister ko ngayon hindi ako napilitan bumangon ng maaga hehe Mukhang tulog at kain lang mangyayari sa amin ngayon maghapon ah hehe Keep safe po sa lahat ..

@RoseAnn16

x Inihaw na Tilapia x Okra x Done eating Lunch. Kayo dyan noisemates kumusta? Kumain na ba kayo? Dahil off ng asawa ko at sabay-sabay naman kaming maglulunch ihaw ihaw naman kami para maiba naman.hehe Gandamg hapon noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Kanina nasa bayan kami ni mister ko, tapos dumating na pala byenan kong lalake, kaya yehey katabi ko na ulit ang makukulit tonight kasi may kasama na sa bahay si lola nila hehe Tapos may pasalubong sya half dozen para sa amin mag anak pagbalik namen ng mister ko ayan tinirhan kami ng mga anak namen share na daw kami ni papa nila. Pero syempre ung glazed donut lang smen kaya hinati pa rin namen ung choco flavor para sa dalawang bata hehe Yung may…

@RoseAnn16

Good morning noisemates .. Sasama daw sya saken kasi sabi ko titingin ako kung ano pwedeng maulam. Nakakatuwa lang pagmasdan, ang bilis lumaki ng baby ko parang kelan lang karga karga ko lang kapag bibili kong ulam e, ngayon ayan nauuna una pa sken sa pglalakad hehe Have a nice day ahead noisemates.

@RoseAnn16

Lunch Time na naman. Dapat Healthy and Budget friendly ang ating pagkain para magkasya ang budget natin hehe Isa sa pinakamahirap na trabaho ng isang nanay o stay at home parent yan. Napakahirap magbudget ngayon dahil sa mahal ng bilihin. Kahit gulay lang sana para tipid kaso minsan mas mahal pa ang gulay hahays. Tara kain tayo noisemates.

@RoseAnn16

Gandang hapon noisemates. I want more of this kind of message for this year 2022😍 Salamat Lord sa Blessings. Yung pakonti konti bumabalik ang sigla sa negosyo. Nakakatuwa lang, kahit papano may nag oorder pa rin thru our page.. Sana maramin pang customers ngayong 2022🙏

@RoseAnn16

Chicken fillet ulam ng kids kanina, since may tira pang ulam kanina na gulay at isda, ayan na lang dinagdag kong ulam pra sa hapunan. Kanina pa kami tapos kumain, ngayon lang nakabalik dito sa noise nabusy na rin kanina e. Hehe Kayo dyan noisemates kumain na ba? Gandang gabi sainyo dyan..

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Ang bilis lumaki ng mga bata ano? Parang kailan lang nung nakadapa sila sa dibdib natin. Ngayon halos kasinglaki ko na ang nakadapa sa dibdib ko tapos ang bigat pa hehe Nakakatuwa lang kasi kahit malalaki na sila at minsan busy sa laro they always find time to hugged me and tell me that they love me. Ang sarap maging magulang lalo kapag naaappreciate ka ng mga anak mo😍

@RoseAnn16

x Adobong atay ng manok x First time to cook this. Bigla akong nagcrave. Mag-aadobong manok lang talaga ako, e nakita ko to sa bilihan ng manok, bumili na rin ako ng konti. Hiniwalay ko ng luto kasi di ako sure kung tama ang luto ko hehe Saka hindi kumakain nito ang mga anak ko kaya hindi ko inihalo sa manok hehe Yung manok niluluto ko pa.😁

@RoseAnn16

Lunchtime na noisemates. Binigyan ko ng adobo ang byenan ko, lumpiang sariwa ang kapalit.. Fav ko talaga ang lumpiang sariwa, lalo na kapag gawa ng byenan ko. Ang perfect ng sauce. Kaming tatlo lang ng mga anak ko kakain, si papa nila nagbaon na lang pinabaunan din ng lumpiang sariwa ng byenan ko hehe Goodbye diet na naman ako neto😂

@RoseAnn16

Basta nasa mood ang baby girl ko kahit anong mahawakan na papel o karton sige lang ng sige sa pagdrawing. Ubos na naman drawing book nya e and napupudpud na rin oil pastel nya. Kailangan ko na naman bilhan ang baby girl ko. Nakakatuwa kasi hindi sya madalas mag gadget, mas madalas color at pencil hawak nya e. Nung minsan nagkkwento rin sya na nung naglalaro daw sila nung mga kalaro nya tapos nagdrawing sila, pinuri daw sya mg mga kalaro niya kasi maganda daw drawing nya.…

@RoseAnn16

x Pandesal x Butter x Kape x Best Paired talaga tuwing umaga. Nung bata ako pandesal at black coffe sabay sawsaw sa kape ay solve na. Pero ngayon may creamer at butter na haha laking achievement na neto para sa akin. Hehe yung di ko naipaparanas sa mga anak ko na magutom sila or maghati-hati sa isang tasa ng kape. Sobrang thank you Lord sa blessing, di man umaapaw but still di mo kami pinapabayaan.🙏 Good morning noisemates..

@RoseAnn16

Minsan nakakainis yung tyan at bibig ko, in short ang cravings ko.haha Kung kelan nagtitipid at gusto ko ngang magdiet sana, saka naman ang dami kong gustomg kainin at maya't maya e gutom haha Nako wala na talagang pag-asang pumayat. Food is Life talaga.haha Mainit na hapon noisemates.🙂

@RoseAnn16

So ayon na nga. Tara meryenda tayo noisemates. Dahil ngccrave ako sa pansit canton, actually pati siomai kaso walang tinda don sa binibilhan ko. Ok na rin atleast nakaless sa gastos haha Naggkakape rin ako kahit sobrang init ngayon. Hehe Gandang hapon noisemates.

@RoseAnn16

Cravings satisfied. Thanks to my son, binilhan nya ako don sa kabilang kanto, narinig nya kasi ako knina sabi ko aww walang siomai. Kaya nagpresinta na bibilhan nya daw ako, malapit lang naman smen, kanina pa to after ko kumain pancit Canton hehe Swerte naman ng magiging Jowa ng anak ko in the future, alam nya ung mga cravings ng babae hehe Take note, libre nya to, ung pera nya na napaskuhan kasi meron pa rin hindi kasi magastos hehe Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Kakauwi lang ng asawa ko at eto pasalubong sken hahahaha nakakatuwa talaga parehas talaga kami ng cravings. Yung di naman ako nagsabi skanya na nagccrave ako sa siomai pero ayan may pasalubong sya hehe Busog pa rin ako, pero syempre hindi pwedeng hindi kumain ng pasalubong nya baka magtampo baka hindi nko pasalubungan😁 Gandang gabi noisemates.🙂

@RoseAnn16

Quick escape Halos kakauwi lang namen ng mister ko, nagyaya kasi date nya daw ako, kahit galing syang work kanina. Tamang pahangin kami sa dagat. Nakakatuwa kapag malalaki na ang mga anak, yung tipong nakakalabas kami ng kaming dalawa lang at walang naghahabol habol at umiiyak na bata tuwing aalis kami hehe Masarap sa pakiramdam na meron pa rin kming "we time" paminsan minsan ng mister ko. (Just like the old days) Goodnight noisemates🙂

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Naalala ko tong baby boy ko, alam nyo tuwing andito kami sa bahay ng magulang ko at kapag naglalaro siya palagi yan kukuha nitong bulaklak na to tapos ibibigay sken, simula magkaisip sya ganyan ginagawa nya. Parang as young as 2years old ganito na ginagawa nya kapag nasa bahay kami ng magulang ko. Napakasweet, kaya ineenjoy ko habang sweet pa at habang ako pa ang gustong bigyan ng bulaklak hehe feel me mga mamsh na may anak na konti nlang binata na?…

@RoseAnn16

Yung nagcrave ka sa dito tapos binilhan ako ng mister ko kahit mahal, mahal na to para sken, 16oz lang 95 pesos. But unfortunately hindi ako nasatisfy may aftertaste kasi ng panis😔 Even mga kids at asawa ko hindi nagustuhan. Alam ko naman ung lasa ng hilaw na mangga doon sa lasang panis. Hays Nagmessage ako sa page nung binilhan kong store para ma-aware din sila at masabihan mga empleyado para at least wala ng makabili pa. Mapalitan muna nila kung alin ang mali sa…

@RoseAnn16

Yung kanina ko lang nalaman na birthday pala nitong isa kong staff. Nilutuan lang namen ni mister ko ng bihon kasi wala ding budget. Ganito ako sa mga staff ko, kahit sa simpleng bagay lang pinaparamdam nmen na mahalaga sila sa amin. Lalo at parang pangalawang magulang kami skanila. Nakakatuwa lang na masaya sila sa simpleng effort namen.. Gandang gabi noisemates..🙂

@RoseAnn16

Time Check: It's 3:42am.. Ang sarap ng tulog ko, mula 10pm kagabi till now. Mukhang dredretso sana hanggang umaga ang tulog ko. Kaso bigla akong nagising, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ramdam ko pa na parang ang lalaki ng patak kasi sobrang ingay sa bubong namen ngayon. Nako pwera baha naman sana.. May gising pa bang noisemates? Keep safe po ang lahat..🙂

@RoseAnn16

Good morning sa lahat except sa mga PERFECT na tao dito na magkamali ka lang ng type e napupuna maski common sense naman at gets naman ang gustong sabihin😂 Kala ko sa Fb lang may ganon bat may naligaw ata dito? Good morning na lang sa lahat and keep safe🙂

@RoseAnn16

x Pan Fried Chicken with Catsup and Rosemary leaves x Dahil manok na naman ang gusto ng mga bagets. Ayan isip naman ang nanay ng ibang recipe. Patsamba siyempre hehe Mabuti na lang kahit tsamba lang e palaging pasado sa panlasa ng mga mahal ko ang luto e. Ganado pa yan mga kumain hehe sarap nilang tingnan kapag ang sarap ng kain nila🙂 Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

Hello mga mamsh. At eto na nga madadagdagan na naman inaanak ko. Bawal daw tanggihan kapag kinukuha kang ninang e.hehe Nakakatuwa din naman kasi siguro nakikita nila ako na magiging mabuting pangalawang magulang😍 kahit nakakapressure ang maging ninang talaga.. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Tara almusal tayo, pili ka nalang kung hotsilog, longsilog or keri na sa pandesal with butter. Kahit ano pa yan basta may kapartner na mainit na kape ay perfect yan. Lalo ngayon ang lamig ng panahon. Ang lamig ng hangin nakakatamad na naman kumilos haha Keep safe noisemates. Iwas na muna sa mga taong may sipon para iwas hawa..🙂

@RoseAnn16

Nakakatuwa itong kaibigan kong to, kahit wala ako sa store madalas, tapos kapag napapadaan sya sa area namen e bumibili talaga sya ng product namen. Eto ung okay lang kahit iilan lang ung kaibigan mo e, pero sumusuporta talaga sa sken at sa negosyo ko🙂 Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Kape tayo mga mamsh. Ewan ko ba bat ayaw ng mga anak ko nitong eggnog, samantalang nung bata pa ako bihirang bihira makabili ng ganito kahit gustong gusto ko nito haha Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

x Bibimbap x Yung asawa kong parang ayaw akong pumayat🤦🏻‍♀️ Basta makaisip magluto e ung mga gusto ko pang pagkain talaga ang niluluto. Perks of having a man na marunong mgluto, tipid ka na unlimited pa hehe Kakatapos lang namen kumain noisemates. Sa sunod daw bibili sya ng sizzling plate para mas masarap to🙂 Gandang gabi nosiemates..

@RoseAnn16

Baby girl kong sobrang hilig sa saging, kakatalikod ko lang dalawang piraso na agad nabawas haha kaya nakakatuwa din naman kasi kahit sinisipon na kami ni kuya nya sya hindi nahahawaan.. Kaya hanggat maaari hindi ako nawawalan ng prutas sa lamesa e, para kahit papano may panlaban sa sakit ang mga bata..🙂

@RoseAnn16

x Eggs x Lumpia x Tinapa x Sinangag x Ayon kakatapos lang kumain, napasarap na naman ang kain😔 Kapag gabi kasi kami nagkakasabay-sabay kumain kasi andito na mister ko, kaya lahat kami e ganado sa pagkain. Kaya kapag nagbabaon mister ko sa work, nagrerequest sya na konti lang rice ilagay ko kasi napaparami naman daw kain namen sa gabi hehe Grabe lamig dito smen, sinisipon pa rin ako dahil sa lamig. Hays Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Tara almusal tayo. Nakakatuwa talaga byenan ko, busy sila ilang araw na dahil may mga inaasikaso, tapos nagchat sken, paalis na daw sila ng byenan kong lalake, kunin ko daw ung ulam na niluto nya. Kaya ayan egg nalang niluto ko at fried rice, ung isda at igado e galing sa byenan ko... Kahit busy sila hindi kami nakakalimutanan kapag nagluluto siya hehe

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Ayan nagmukha na naman akong tao haha Meet my newest inaanak. Sana maging maayos akong ninang sa baby na ito at sana magabayan ko sya ng maayos at magawa ng maayos ang obligasyon ko bilang ninang nya. Pipilitin kong maging mabuting ninang sa bago kong inaanak🙂

@RoseAnn16

Sweet n Sour lang na tilapia dapat ulam namen kanina e, ayon bago kami kumain sakto naman ang dating ng mga byenan ko, may dalang sotanghon at papaya, napasarap na naman tuloy ang kain, kasi nakikipagkwentohan pa mga byenan ko. Mukhang namiss kami kaya tumambay dito sa bahay, busy kasi sila ngayong mga panahon kaya bihira din namen makita.. Gandang gabi noisemates.🙂

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Share ko lang to, ito ung time na grade 1 pa lang ang panganay ko pero napasabak na sa MTAP Quiz. At nakakatuwa pa dito out of 53 participants e naka 2nd place sya, next sa classmate nya. Kaya super proud ang school nila saknila. Imagine 1st and 2nd Rank nakuha nila na sila ang panlaban sa grade 1 ng school nila. Sayang nga lang at nagkapandemic na hindi na natuloy ung laban sana nila para sa Regional naman. Nakakaproud lang na may mga ganitong…

@RoseAnn16

Sabaw tayo. Bihira na makaluto ng sabaw. Sinampalokang manok muna, saka na ang sinigang na baboy kapag may budget na haha Sa sobrang mahal kasi ng baboy, hindi mo talaga gugustuhing mag ulam ng baboy e. Nakakaawa ung mga minimum lang ang sahod na minsan e tinetreat ang pamilya para mag ulam ng nilaga o sinigang na baboy.. Anyway tara kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Thankyou Lord for another day, thankyou for the unending blessings you've always given us. Palagi akong may tiwala sa Diyos. Ksi sa mga panahon na feeling ko walang wala na at wala ng pag asa e talagang hindi nya tayo pinapabayaan. Palaging merong blessings na dumadating. Maliit o malaki man na blessings ay wag tayong makakalimot na magpasalamat. Let's start the day of the week with a positive mind and a positive vibe.🙏

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh. Tara kain tayo, galing na naman to sa sponsor namen, ang byenan ko hehe Libre palagi ang sarap pa ng luto ng byenan ko. Hehe Kayo dyan noisemates kumain na ba?

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Hindi pa ako makabangon, may nakasiksik na baby sken, masama kasi pakiramdam, nilalagnat, siguro napagod masyado kakabike. Sama nyo naman po sa prayers nyo ang baby ko. Mabuti na lang ang mga anak ko tuwing may sakit e hindi maaarte kaya hindi gaanong nakakapagod ..

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Kanina pa walang internet connection, hays super hina naman ng data dito sa amin.. Nagconnect lang ako sa piso wifi dito sa kapitbahay namen, medyo mabagal din naman. Kaya tulog na rin ako noisemates. Keep safe ang lahat. Let us all thank God for all the blessings he gave us and also thanks to all noisemates who always share their blessings to others.

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Umaga na naman. Isa lang hangad ng bawat isa sa atin araw-araw, na sana umayon sa atin ang panahon. I mean sana maging maayos ang takbo ng araw at walang maging problema. Anyway babangon nko para magluto ng baon ng mister ko, pero wala pa rin akong maisip kung ano nga bang lulutuin ko. Hehehe Isa sa struggle bilang nanay talaga ay ang pagbubudget hehe Good morning sainyo dyan noisemates.. Have a great day ahead and keep safe..

@RoseAnn16

x Potato Marble with kimchi x Tara kain tayo noisemates. Kung madalas ako magtsamba ng luto lalo na itong mister ko. Tapos mga kakaiba pa mga niluluto nya. Pero talagang pasado sa panlasa ko. Hehe mga anak ko adobo ang ulam, ayaw nila ng korean Korean e.. Pero kapag samgyup naman e kumakain nman sila ng mga meat nga lang hehe Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Time to prepare na naman. Kaso grabe heavy rain na naman kaya nagising ako kahit hindi pa tumutunog ang alarm ko. Sabi ng matatanda dito, hanggat hindi pa daw nakakapag Pyesta sa kabilang bayan e maulan talaga. Sa bayan namen un, don ako nag elementary at high school. Feb.2 kasi ang pyesta ng Nuesta Señora de Peña Francia. Kaya paniniwala ng mga tao dito smen bago talaga magpyesta don e talagang halos araw-araw daw ang ulan. Ayon naishare ko lang.…

@RoseAnn16

Saw this earlier while I was Browsing. Alam mo ung nagising ang diwa ko at ako yung nastress para sa bata. Nakakagalit, ewan ko bat puro laugh react mga nakareact e I don't find it funny. Eto minsan nakakainis sa ibang kabataan e, may maiupload nlang, hindi man lang magresearch kung ok ba sa bata ung gagawain nila.Ung biglaang pagflip? Papano kung nabali ang leeg o spine ng bata? Or magkabrain damage?And i don't think once lang nilang ginawa, sa itsura ng bata e mukhang…

@RoseAnn16

Hello noisemates. Halos kakatapos lang namen kumain. Currently cooking din ako ng spaghetti, birthday kasi ng mother-in-law ko. Nakakatuwa lang din pinagkatiwalaan nya ako na magluto ng spag hehe kahit tamang pangkonting serving lang kaya kong lutuin. Busy kasi sya gumagawa pang lumpiang sariwa. Gumawa lang din syang cake. Mamaya share ko dito ung gawa nya.. Keep safe noisemates..

@RoseAnn16

My mother-in-law 61st birthday with her high school friends. Nakakatuwa silang pakinggan na nagkkwentohan at nagre reminisce ng mga ganap nila nung high school dati.. Tapos madalas pa sila mag get together. Bukas nga daw magkikita2 sila kasama pa ibang batchmates nila. Namiss ko tuloy mga kaibigan ko. Na halos lahat e nasa abroad na.. Anyway, eto pala homemade cake ng byenan ko. Dko agad napicturan nahiwa na hehe

@RoseAnn16

Dahil naubos ung pizza kanina, gumawa ang mga bebe ko para sa dinner namen hehe Masarap din talaga kapag homemade e, nasusunod gusto mong toppings at timpla. Pero hindi ako kumain pizza para nauumay ako kaya kumain lang ako konting spag then itong lumpiang sariwa na dinner ko. Hehe Di ko ipagpapalit ang lumpia ng byenan ko, ang perfect kasi ng sauce na medyo spicy, pero maanghang sya sa bawang. Sarap hehe Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Goodnight mga mamsh. Share ko lang itong baby girl ko, nakakatuwa to ang gana nyang kumain, kanina right after magdinner e tinapay naman sya hehe Kaya palagi akong may stocks ng tinapay at mga biscuit kasi mahilig kumain tong baby ko, minsan matutulog nalang kami hahanap pa ng pagkain e.hehe Wala lang naishare ko lang.. Goodnight noisemates. Keep safe..

@RoseAnn16

x Tinapa x Egg x Noodles x Nako ito ang perfect combi na ulam, siguradong mpaapaextra rice na naman ako neto lols Bukas na lang ulit start ng diet. Kain tayo noisemates. Budget meal lang to, good for 4 na hehe Worth 63pesos lang may ulam na kami. Mabuti na lang masaya rin sa ganitong ulam ang mga bagets ko. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

x Black Coffee sa Umaga x Good morning noisemates.. Maaga akong nagising mga 5am gising nko, hindi na rin ako natulog ulit kasi babangon rin akong maaga para makaaga sa bangko. Ayoko rin tanghaliin sa labas ngayon, since dayoff ni mister ngayon. Para sama2 sana kami ngayong buong araw. Mabuti na lang walang ulan ngayon, ang hustle magmotor kung umuulan e. Keep safe ang lahat. Have a nice day ahead noisemates..

@RoseAnn16

Share ko lang araw ko kahapon noisemates, dahil hindi ko pala naipost ung tinatype ko kagabi sa sobrang antok. Lol Kahapon nagpunta akong bangko para may bayaran para sa BIR para sa munti nameng negosyo. Buti na lang naalala ko na duedate pala non kahapon, kasi kung hindi ko nabayaran mapepenalty kami sigurado. Kaya make sure talaga na dapat makabayad bago magduedate para safe, kasi hindi rin biro ang penalty pagdating sa BIR. At eto na nga, tatlong bangko na napupuntahan ko…

@RoseAnn16

x Muffin x Happy talaga ang mister ko kapag may pasalubong sya sa amin, pero di naman halatang mas happy ang anak kong bunso na masyadong food lover. Lol Di na nakaabot sa picture, nabawasan na agad ng isa. Gandang gabi noisemates. Thank you Lord sa lahat ng blessings na natatanggap namen araw-araw. Maghapon ang ulan dito samen. Sinisipon na naman lang ako. Keep safe tayo noisemates..

@RoseAnn16

x Almusal x Ayon uminit na dito sa amin ngayon, heavy breakfast ako ngayon dahil lalabas ako at may aasikasuhin na naman. Kain na rin kayo dyan noisemates and keep safe tayong lahat. Water therapy din ako ngayon kakairita na ang sipon ko e. Hays

@RoseAnn16

Good night noisemates. God really provides. It's almost closing time na kanina ng biglanv may nagchat sa page namen. Nakakatuwa lang kasi nadagdagan pa ang benta namen. Mabait talaga si Lord. Alam nya kung kelan natin sya kailangan ng lubos. Kaya wag natin kalimutan na magpasalamat kay God sa lahat ng biyayang ibinigay nya sa atin. Goodnight noisemates. Keep safe tayong lahat..

@RoseAnn16

Kanina busy ako pag- aayos ng mga papel. Kailangn na naman asikasuhin permits para sa store e. Then biglang dumating isa kong kaibigan at ayan may pa milktea. Hehe Mas kinikilig ako kapag kaibigan ko nanlilibre e, parang feeling ko tuloy ambait bait ko. Hehe Gandang tanghali noisemates. Late nko nakauwi kaya bumili nalang akong lutong ulam. Total kaming tatlo lang ng mga anak ko ang kakain..

@RoseAnn16

x Tableya x Before and After.. Sarappp. Umuwi dito sa amin ung tita ko from albay para magpablessing ng paupahan nila na dito nila nabili. Ngayon na lang ulit nakatikim ng tableya.. See you later guys, schedule ng power interruption today until 4pm walang kuryente . Tirik na tirik pa naman ang araw ngayon. Mainit to maghapon.. Keep safe noisemates. Keep hydrated.

@RoseAnn16

At dahil maghapon ang brownout, ayan babad sila with friends dahil sobrang init.. Malapit na rin maluto ulam namen, ready to eat na ang mga bagets. Piknik piknikan ang mga bagets hehe Habang bata pa sila gusto kong malaman nila na happiness nila ang mahalaga sa akin. At hanggat kaya ko e isusupport ko sila sa gusto nila. Happy lunch time noisemates..

@RoseAnn16

Sad Truth. Kapag nag post ka sa Social Media mo about sa Tsismis, asahan mo puno ang comment section mo even inbox mo e sumasabog. Pero subukan mong magpost ng Negosyo o pwedeng pagkakitaan wag kang aasa na may papansin. Matatawa ka pa nga kasi yung mga kaibigan mo na alam mo din na kailangan nila ng extra income e sila pa ung nagrerefuse palagi sa inooffer mo. Anyway, atleast hindi ako naging selfish db? Happy Sunday noisemates..🙂

@RoseAnn16

Ilang years din hindi nagkita-kita ng iba nameng relatives dahil sa sobrang higpit dito sa amin, ngayon lang medyo lumuwag. As in sa ibang bayan labas pasok na mga tao/turista, dito sa amin, pahirapan makapasok which is okay rin naman atleast alam namen na ginagawa nila trabaho nila para protektahan ang mga kababayan namen. Pero ngayon medyo maluwag na, basta may vaccine pwede ng pumasok dito sa amin. Sana tuloy-tuloy na. Sana sa susunod wala ng covid para sana lahat naman…

@RoseAnn16

1st day of February. Parang ang tagal matapos ng January, ang bagal, wala pa rin progress. Yung konting pag asa namen na mag ka face to face kahit college man lang sa lugar namen hindi kapa pinagbigyan. Konting pag asa sana na kahit papano balik na sa dati pakonti konti ang negsosyo namen. Sana naman ngayong month ng February e kahit papano may progress naman. Ang hirap kapag ang market ng business mo e estudyante, sobrang nakakadrain, nakakastress minsan talaga panghihinaan…