read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

Share ko lang araw ko kahapon noisemates, dahil hindi ko pala naipost ung tinatype ko kagabi sa sobrang antok. Lol Kahapon nagpunta akong bangko para may bayaran para sa BIR para sa munti nameng negosyo. Buti na lang naalala ko na duedate pala non kahapon, kasi kung hindi ko nabayaran mapepenalty kami sigurado. Kaya make sure talaga na dapat makabayad bago magduedate para safe, kasi hindi rin biro ang penalty pagdating sa BIR. At eto na nga, tatlong bangko na napupuntahan ko pero lahat offline. Nawawalan nko pag asa kasi palaging mahaba ang pila sa bangko, at dahil ayoko talagang mapenalty, ginamit ko na ang mahiwagang teknik lols. Yung Isang bangko na di ko pa napupuntahan e may kaibigan ako na don nagwowork, kaya minessage ko agad sya kung pwede nyang magawan ng paraan para makasingit ako. Mabuti nlng nabasa nya chat ko, kaya voilaaa diretso ako sa loob pagdating ko habang ang pila sa labas e mahaba.. (wag nyo ko ijudge minsan ko lang po gawin un kapag gahol na sa oras hihi) Tapos kagabi naman napadaan kami sa isang fastfood para bumili ng dinner namen, ayon at dahil mga friend din namen ibang manager don ayon nakaless akong 20% sa bill ko dahil diniscount kami. Lol Kaya nakakatuwa rin minsan kapag may mga kaibigan ka na doon mga nagwowork, napapadali ang transaction at nakakadiscount pa.hehe Maulan na naman dito samen noise mates. Keep safe all.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.