1st day of February. Parang ang tagal matapos ng January, ang bagal, wala pa rin progress. Yung konting pag asa namen na mag ka face to face kahit college man lang sa lugar namen hindi kapa pinagbigyan. Konting pag asa sana na kahit papano balik na sa dati pakonti konti ang negsosyo namen. Sana naman ngayong month ng February e kahit papano may progress naman. Ang hirap kapag ang market ng business mo e estudyante, sobrang nakakadrain, nakakastress minsan talaga panghihinaan ka na ng loob, imagine almost 2years ng struggling ang business. Pero Go pa rin, lalaban pa rin, ayokong magsisi sa huli kapag sumuko kami agad. Kaya hanggat kaya Go lang, at alam ko naman na alam ni God ang nasa isip at puso ko. Alam nyang hindi kami basta2 susuko lalo at ito ang pangarap namen at makakapagpasaya sa amin. Ang negsoyo parang pamilya lang rin, ang daling simulan, pero susubukin ka talaga kung hanggang saan ang kaya mo para ipaglaban ang negosyo mo. Pero isa lang ang alam ko, hanggat kaya pa nameng ilaban, hindi kami susuko. Nararamdaman ko konting pagtitiis na lang babalik rin tayo sa normal. Tiwala lang talaga sa Maykapal 🙏 Good morning noisemates..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Laban Lang sis. Tiwala ky God at dasal na din. Good morning
Totoo sis. Laban pa rin..