read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in December 2021

@RoseAnn16

Inon-on na isda x Lumpia😋🤤 Gandang tanghali noisemates. Tara kain tayo, ngcrave naman ako sa isda.. Masarap itong isda sariwa🙂 Sana palaging ganito para hindi sayang pera, minsan kasi nakakabili ako hindi na sariwa, makati na, kaya ang ending tapon lang din kesa sumakit pa tyan namen.. Kain na rin kayo noisemates..

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh.. wala kong gana kumain ng hapunan, kaya ngluto nlang akong noodles para humigop ng sabaw, grabe sobrang lamig dito smen ngayon e.. Alam mo ung malapit na sa Baguio ang temperature dito smen ngayon hehe Masarap matulog😁 Kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Rise and shine! Maaga akong gumising ngayon at mag aasikaso na rin.. Second dose ko ngayon, kaya kailangan maaga kasi sigurado maraming tao nyan mamaya, mahaba na naman ang pila..😪 Ingat tayong lahat..

@RoseAnn16

Breakfast muna bago gumora! Sigurado gutom na naman ang aabutin sa pila😁 Thank God hindi na umuulan dito smen, hassle kasi umalis ng bahay kapag umuulan.. Keep safe ang lahat..

@RoseAnn16

Nakakagutom.. Kain muna bago uwi. Ayon done second dose.. sobrang haba ng pila kanina, mabuti nlang maaga kaming natapos, and maaga sa pila kasi limited lang daw ang vaccine na dumating.. Kawawa naman tuloy mga late dumating.. re-sched ang 2nd dose nila.. Kumusta kayo mga mamsh?

@RoseAnn16

Pasalubong ko sa mga bagets ko. Happy tummy na naman ang mga baby ko.. Nakakaantok.. idlip muna ako.. Kmusta kayo dyan noisemates..

@RoseAnn16

Pansit pampahaba ng buhay😂 Ayon wala na naman maisip na ulam, at ako e mahilig talaga sa bihon kaya ayan bihon kami Tonight, pero may kanin naman at may adobo pa tira kanina.🙂 May choice pa din mga kasama ko sa bahay. Basta ako happy nko sa bihon hehe Good evening. Kain tayo noisemates🙂

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Medyo okay ang 2nd dose ko, di ko gaanong ramdam ang sakit, hindi rin ako nilagnat. Kaya nakabangon pa ako ng maaga at nakapagprepare pa baon ng asawa ko. Nakakahinayang kasi kung bibili pa sya ng pagkain sa labas, bukod sa hassle na at lalabas pa sya mahal pa.. Tapos konti daw ang portion kaya hindi rin sya nabubusog.. Kaya mabuti na lang tolerable ang sakit ng braso ko🙂

@RoseAnn16

Sauteed chicharo with carrots😋 Gulay tayo ngayon, kahit na pati gulay e mahal na rin,naakkaumay na din puro isda at karne e.. Sana magmura naman ang mga bilihin. Ang hirap talaga magbudget kapag bigla may isang paninda ang nagmamahal ng presyo!😪 Tara kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Flex ko lang ang baby kong napakalambing, napakamaalalahanin sa amin, napakamatulungin at mapagmahal sa amin. Kung pwede lang forever na lang silang baby noh? Kapag masama pakiramdam ko inaalagaan ako mg mga anak ko, madalas tinutulungan ako nito sa gawaing bahay. Sobra nya kaming love, never kami nito nakalimutan lalo na ang kuya nya kapag kasama namen to sa labas at bibilhan sya kunware ng laruan, dapat meron din si kuya nya.. Sana dalhin nila pagtanda. After lunch bigla…

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh. Dahil masama pa din pakiramdam ko, hindi na ako nakapagluto kaya pinabili ko nlng ulam asawa ko bago sya umuwi galing work. Sisig smen, fried chicken sa mga bagets, wala na sa pic at kumakain na sila hehe Kain na rin kayo noisemates.. Mga anak ko nagprepare ng table kasi alam nilang masama pkiramdam ko💕

@RoseAnn16

Bumili pa kanina ng snack ang asawa ko e wala rin talaga ko ganang kumain. Yung isang portion ng hotdog walang dressing, ayaw ng babygirl ko ng catsup at mayo e.. Patulog na rin kami, goodnight noisemates..

@RoseAnn16

Nagising ako masakit pa din ang braso ko😪 Share ko lang ang baby boy ko, kagabi pagtulog namen in-on nya ang fan, e magkatabi kami, tapos kagabi sobrang lamig ng pakiramdam ko, nagchichill talaga ako, mabuti na lang presko dito sa amin, nakakatuwa kasi inoff na lang nya ang fan, kawawa naman daw ako kasi nilalamig ako, tapos naghug pa sken. Alamo ung di baleng hindi sya kumportable basta okay ang pkiramdam ko e gagawin nya.😇 Thankyou Lord for this wonderful kid😇

@RoseAnn16

Breakfast ng mga bagets ko. Tulog pa rin sila until now kasi umuulan dito smen ngayon masarap matulog malamig. Thankyou Lord I'm feeling better now, eto nalang napicturan ko, nakalimutan ko kanina e kumain na ako sumabay nko kay mister kasi papasok na rin sya sa work.. Keep safe noisemates.🙂

@RoseAnn16

Si kuya Champ ko nung 2years old pa lang sya, nakakatuwa talaga ang baby ko kahit noon pa, napakalambing🤗 Nakakatuwa din minsan makita sa memories ung mga ganito e, naaalala mo bigla nung time na maliit pa sila🤗 Sumilip na ang araw pero sobrang lamig ng hangin. Nakakatamad kumilos e.😪

@RoseAnn16

Goodnight noisemates.. Nagfood trip kami ng mister ko kanina, sabi kasi ng anak sa papa nya pagdating galing work, "papa si mama po hindi kumain maghapon" wala pa rin ako gana kumain maghapon e. Kaya ayan naglugaw kami saka bbq, tapos pasalubong syempre sa mga bata hindi pwedeng kalimutan🙂

@RoseAnn16

One of the best feeling being mom is to have more time in bed, especially in this cold weather 😁❄️ Mabuti na lang closing shift pa ang asawa ko, more cuddle time pa.. Napahaba rin tulog ko kaya masarap sa pakiramdm🙂 Good morning mga mamsh. Ang iba siguro nakapag umpisa o tapos na sa gawain hehe ako eto nakahilata pa rin.. pero babangon na rin para makahanda na ng pagkain🙂 Maya2 gising na ang mga to🙂

@RoseAnn16

Sinampalokang manok x Apple Yan po lunch namen kanina, sinama ko na rin panghimagas hehe Mainit na dito sa amin ngayon, pero malamig ang hangin, kaya masarap pa rin humigop ng sabaw, gusto ko something na maasim. Kaya sinampalokang manok nalang since napakamahal ng baboy haha Kapag sabaw naman na isda di rin masyadong gusto ng mga bata kaya yan nalang niluto ko kanina. Gandang hapon noisemates..🙂

@RoseAnn16

Thank you so much sa mga friends ko dito sa noise na napakagenerous.. Walang sawa sa pagshare ng kanilang blessings 💕 Babawi ako kapag ako ay may natanggap na rin na blessings 🙂 Thankyou so much. "Diyos Mabalos Saindo Gabos"

@RoseAnn16

Share ko lang mga mamsh 6yrs old daughter ko. Sobrang hilig nya magdrawing, ung drawing notebook nya e halos puno n ng drawing nya. Tapos ayan may bakanteng box ayan wala syang magawa nagdrawing na rin sya.. Share ko dito bukas iba nyang nagawa. Nakakatuwa. Nakakabilib na at the age of 6, actually 4years old palang sya ng mg start sy magdraw💕 👩‍🎨🎨 Kaya everytime na bibilhin ko si kuya na ng mga pangkulay e sya ung sobrang happy kasi mas mahilig sya magdraw.. binibilhan ko…

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh.. Eto ung isa sa side ng box na pinagkabusyhan ng baby ko kahapon.. Nakakatuwa malawak imagination nya pagdating sa pagdrawing. Nakakatuwa pa at ballpen pa gamit nya sa pagdrawing hehe

@RoseAnn16

Goodaftie mga mamsh.. Iba talaga kapag nakikikonek ka lang sa vendo ng wifi, di man lang makaupload ng picture. Kanina pa kasi walang internet connection ang provider namen e. May online class pa naman ang mga bagets ko😪

@RoseAnn16

Pork steak x Pinya Di ko maupload upload kanina dahil walang internet,yan ang ulam namen kanina. Sabi ko di muna kami magkakarne e kasi sobrang mahal, kaso ayan nagccrave talaga ako ng porksteak kaya no choice napagastos din ako😁

@RoseAnn16

"Ang hirap mag-isip ng uulamin" Yan ang madalas na natin sabihin, pero hindi, dahil ang totoo ang dami naman talagang masasarap na ulam na anytime pwede nating lutuin KUNG sapat ang budget! Eto talaga ang totoong dahilan kung bakit tayo nahihirapan mag isip kung anong lulutuin, dahil isinasa alang alang natin kung pasok ba sa budget natin o aabot paba budget natin for the next days. Hays hirap maging nanay haha hirap magbudget (lalo sa gaya ko magastos talaga lalo na sa…

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Ang lamig ng umaga, nako eto ang kalaban natin sa mga late na bangon. Ok lang sana kung nasa bahay lang at walang work hehe Pero kung magpprepare k ng baon ng asawa mo nako bawal late ang bangon, mabuti na lang off ang asawa ko ngayon kaya ilang mins. pa muna bago ako bumangon.😁

@RoseAnn16

Maaga nag start ng Online class ang bunso ko ngayon kasi mahina daw net ni teacher nya. So eto na nga habang nagkklase sila narinig ko bigla sabi ni teacher niya "sa January daw may Face to face classes na sila" nako di naman ako nainform na magkakaface to face na pala sila next month. Parang hindi pa ako ready dito. Hindi pa tayo sigurado sa panahon e kung okay naba na makisalamuha sa maraming tao ang mga bata. Lalo na sila pa ung wala pang vaccine.. nakakatakot,…

@RoseAnn16

Doughnuts🍩🍩 Kids and kid at heart love this🙂💕 Sino ba naman hihindi db? Tapos partneran ng kape lalo ngayon maulan ay sarap.. Meryenda tayo noisemates🙂

@RoseAnn16

xChicken Mami😋🍜x Good evening mga mamsh! Kain po tayo. So ayon na nga, dahil dayoff ng aming chef. Ayan special ang aming pagsasaluhan cooked by my hubby syempre pero syempre budget friendly yan. Mukha lang mahal😁 Pati picture sya may shot.hehe magaling din sya magpicture picture talaga e..

@RoseAnn16

Goodnight mga mamsh.. Nakakatuwa talaga ang baby girl ko, basta may nahawakan na pansulat, dretso drawing agad.🙂 Sana lang wag masawa, sana hanggang paglaki mahilig pa rin magdrawing at mpraktis pa kamay nya sa pagdrawing🙂🙏

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Ayon holiday pala ngayon, kaya walang pasok ang nga bata, sakto mamaya pa pasok ng asawa ko kaya ayon happy ang mama kasi mahaba ang oras sa bed haha malamig kasi kaya ang sarap lang mahiga at sumiksik sa mga mahal ko🙂 Mukhang sisilip na ang araw dito smen ngayon pero nakapakalamig pa rin ng hangin😁 Keep safe noisemates.🙂

@RoseAnn16

Prito x Nilagang manok Kain tayo mga mamsh. Kakauwi ko lang, pumunta ako saglit sa tindahan namen e, nagbilin na rin ako sa mag aama ko kapag wala pa ako 11:30 e kumain na sila. Ayan tinirhan naman nila ko ng ulam hehe Ako rin nagluto before ako umalis.🙂

@RoseAnn16

Matutulog sana kami ng mga anak ko, kaso napakaingay sa labas, sa kapitbahay namen may okasyon kaya may videoke, sobrang lakas ng sounds birit na birit pa ang mga kumakanta😒 sabayan pa ng mga bata na naghahabulan sa labas, ang iingay😔 Ayan hirap makatulog ang mga bagets, sana lang maaga sila magpatay ng videoke mamaya. Minsan kasi hanggat hindi pinupuntahan ng mga tanod hindi titigil kahit late na😔

@RoseAnn16

Naalala ko minsan nung sinama ko sa labas itong baby girl ko, maluwag naman sa upuan pero don nya trip umupo sa maliit na upuan. Naalala ko nung kinder palang dati kuya nya, dati halos lahat ng mga tricycle may mga ganyan pang upuan, nung huli2 na nawala na.. dko aalm kung bakit, pero feeling ko style lang para nga naman walang upuan ang bata edi no choice ka kundi kalungin o di kaya ibayad mo nlng ng pamasahe ang bata.. Pero ngayon aaray ka talaga sa presyo na pamasahe,…

@RoseAnn16

xOkra with Bagoongx Tara kain na Tayo noisemates. Masaya nko sa ganitong ulam🤗 May ulam pa kaming nilagang manok e, kaya nag steamed lang ako ng okra para may ibang ulam.. Ganito rin ba kayo noisemates? Yung hindi sanay ng iisang putahe lang?😁 Goodeve.🙂

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. Ganito pinakamaaga kong gising kapag umaga ang shift ng mister ko. Kaya ngayon palang naistress nko kapag back to school na ang mga bata baka 4am palang gising nko kasi sa town proper pa ang school ng mga anak ko, more or less 30mins ride pa.hays Kaya kailangan maaga talaga para hindi malate ang mga bagets. Sigurado kulang2 na naman ako nyan sa tulog.😪

@RoseAnn16

Memories 💕 Naalala ko to during MTAP review ng panganay ko nung Grade 1 pa lang sya. Ayan minsan sumasama sken ang bunso ko kasi miss daw nya ang kuya nya.😍 Nakakatuwa lang silang tingnan, until now ganyan pa rin sila kaclose ung hindi matutulog na hindi naghuhug at nag iiloveu sa isat isa.. Kung ano rin meron sila shineshare nila sa isat-isa, achievement un bilang isang nanay, ang makita mo na lumalaking mabuting tao ang mga anak mo.💕

@RoseAnn16

Kanina may kailangan akong lakarin sa bangko (BIR ng store ko) Mabuti nalang maaga akong pumunta pagdating ko sa pnb offline daw, good thing nasa probinsya lang ako tumawid lang ako ng tulay may isang bangko na ulit.😁 Natapos naman agad transaction ko. Kaya ito nakauwi na, syempre bili muna pasalubong ng mga bagets. Sobrang happy ang baby ko sa bago nyang drawing book at water color, mabilis kasing maubos kasi mhilig talaga syang magdrawing😁 Sakto rin naman kakatapos lang…

@RoseAnn16

xTortang talongx Kain tayo noisemates. Bihira ako magluto nito, medyo matrabaho din e. Pero pagnagcrave ka no choice ka kundi magluto..🙂😁 Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh. Halos kakauwi lang namen ng baby ko, nagkita kami ng ninang nya e, luluwas kasi ng manila bukas hanggang pasko kaya nakipagkita na, may ibibigay daw regalo sa anak ko. Nakakatuwa naman dko inexpect na pati kami ng panganay kong anak e may regalo din😍 Sa sobrang busy ng chikahan namen wala kaming picture 😁 Dumaan rin kami sa tindahan namen kaya sabay2 na rin kami umuwi ng asawa ko sakto out na rin sya e..

@RoseAnn16

xx Steamed Siomai xx Since late na kami nakauwi kanina ayan easy ulam na lang.. siomai naman kesa manok na naman sana😁 Nagrequest ang asawa ko siomai na lang daw, issteam lang naman daw e. Gandang gabi noisemates. Kanina pa kami tapos kumain..

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh.. Ayan gising na naman para magprepare.. Gagawin ko na rin lahat ng gawain para makatulog mamayang hapon.😁 Masarap kasi talagang matulog ngayong mga panahon.😴

@RoseAnn16

x Chaofan x siomai x egg x Here's our breakfast, the siomai is our left over viand last night 🙂 Thankfully my hubby loves it. Mas masarap pa rin yung naaappreciate ung ginagawa mo, lalo at alam nyang you're trying 🙂💕 Mag isa akong kumakain ngayon, nasa work na si hubby e and tulog pa rin mga anak ko. Maglalaba pa kasi ako kaya kakain muna🙂

@RoseAnn16

Tumayo muna ako sa pglalaba kasi umihi ako, sabi ko sa anak ko "ang lamig maglaba" Sabi naman nya "wag ka na po maglaba mama, maglablab na lng po tayo" hehe ang kulit e. Amg lamig kasi e. Bumuhos pa ulan dito sa amin ngayon..🤦🏻‍♀️

@RoseAnn16

Ang saya lang na makita mo ganito habang nagrereview ka ng cctv. Mapapathankyou Lord ka na lang kasi hindi man ganon kalakas ang negosyo ngayon e hindi pa rin kami pinapabayaan na mazero! Masarap din may negosyo, kahit patulog tulog ka lang sa bahay at kasama mo pa mga anak mo e may kinikita ka pa rin🙂 Looking forward next year na bumalik na sa dati ang panahon natin. Miss ko na rin magpakabusy sa munti nameng tindahan🙂 Thankyou Lord sa mga mababait at maaasahan kong staffs🙂🙏

@RoseAnn16

Habang nagpapaantok at nagbbrowse browse e nakita ko to. Hindi man natin alam kung bakit sila nasa kulungan pero iisa lang hangarin nila. Imbes na humiling sila ng para sa sarili nila ay wish para sa mga anak nila ang kanilang wish. Iba talaga kapag magulang ka na, anak mo pa rin talaga maiisip mo. Pero ganon din sana bago sila gumawa ng masama, sana naisip rin muna nila ang anak nila at ang kahihinatnan nito😪

@RoseAnn16

Ako lang ba mahilig tumaya sa raffle kahit hindi nananalo? Haha tapos hindi na rin ako nanunuod ng live raffle kasi alam ko namang di ako mananalo nag aabang nalang ako sa GC kung sino ang nanalo 😅 Iniisip ko nlng atleast nakatulong ako sa deserving na manalo(pampalubag loob🤣) Para hindi masyadong nakakahinayang yung itinaya ko 🤦🏻‍♀️ Ang lamig naman dito smen, mag aasikaso na rin ako maya2 ng hapunan tinatamad tuloy akong kumilos dahil sa lamig😱

@RoseAnn16

Nauna yung dessert sa hapunan namen hehe Kakauwi lang ng mister ko e at yan may pasalubong naman sa mga bagets. Malapit na rin akong matapos magluto🙂 Maulan na gabi noisemates..

@RoseAnn16

From this to this👇 Less than 100worth na ulam🙂 Okay, pasado naman sa mag-aama ko ang luto ko🤗 Nakakatuwa talaga kapag naaappreciate nila luto ko.. Nakakagana tuloy magluto🙂

@RoseAnn16

Goodnight mga mamsh. Haha share ko lang itong picture, nakakatuwa lang yung serial number, ang galing ng pera sunod2 pa ang serial number. Hindi pa sila nagkahiwa hiwalay.😂 Akoy tutulog na at maaga na naman ang gising bukas.. Goodnight noisemates😴💤

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates.. Aba at kung kelan naman ako aalis saka naman bumuhos ang ulan🤦🏻‍♀️ Nagkakaron palang din kami internet. Kaya inip na inip na mga anak ko kanina kasi maagang nagsigising tapos wala namang internet 😂 Anyways, keep safe ang lahat🙂

@RoseAnn16

Tinanghali nko, ayan maglulunch palang. Perks of having a small business, pwede ka kumuha ng libre😁 Magluto nlng siguro akong noodles para may sabaw.. wala ng time magluto e. Abala pa ang ulan mas nakakapabagal sa lakad🤦🏻‍♀️ Kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Sobrang lakas at walang tigil ang ulan dito sa amin.. Nakakaawa yung mga bahain na lugar, nakakaawa din ung kapitbahay namen na trapal lang ang panangga sa ulan😔 Sana tumigil na ang ulan, sigurado kung walang tigil pati loob ng bahay namen papasukin ng tubig😭

@RoseAnn16

Maulan na gabi mga mamsh! Dahil parang puro sopas nakikita ko knina pa kahit sa fb, nagcrave tuloy ako at dahil dyan eto ang hapunan namen, mabuti nalang gusto rin ng mga bagets, pero ang asawa ko nagluto sya ng itlog kasi di nya talaga gusto ang sopas. Hihi Tipid na naman yan kasi libre na ang sahog ko 🙂 Kain tayo noisemates🙂

@RoseAnn16

Goodnight noisemates.💤 I'm sure maraming happy tonight dahil sa mga natanggap nila🤗 Congrats sainyo mga sis and bro's🎉 Tulugan Time na. Thankyou Lord tumila na ang ulan.. 🙏

@RoseAnn16

Nkita ko sa fb memories ko. Masarap talaga sa pakiramdam ung may napapasaya kang tao sa simpleng bagay lang. Nakakataba ng puso na naappreciate ung mga simpleng bagay na nagagawa mo para sknila. Eto ung sinasabi ko na treat me right and i'll treat you better 🙂 Good morning noisemates..

@RoseAnn16

Egg Pie x Coffee Alanganing meryendahan, alanganing gabihan😄 Basta masarap magkape ngayon kasi ayan na naman ang ulan. Tara kain tayo noisemates. Eto din masarap kapag stay at home mom ka, kapag ganitong masama ang panahon may panahon ka na makipaglambingan sa mga bata🙂 Gandang gabi noisemates🙂

@RoseAnn16

Tinapa x kamatis Dahil late ang meryenda, late din ang hapunan!😄 Tumigil na mana ang ulan dito smen, pero malamig pa rin kaya perfect itong tinapa sa malamig na gabi😁 Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Ilang araw ng ulan, minsan buhos pa talaga, hindi tuloy makatamabay at makapagduyan sabay muni muni. Sobra na sa dilig ang mga halaman baka malunod na😂 Maulan na umaga noisemates..🙂

@RoseAnn16

Happy ang mga anak ko kasi andito na ulit lolo at lola nila. May katrade na ulit ako sa ulam haha Yung Sinigang at pritong isda lang sana ulam namen, ayan dinalhan ko ng ulam ang byenan ko, pagbalik ko naman e pinadala nya akong amplaya. Matagal ko ng gustong magluto sana ng ampalaya kaso hindi kumakain ang mga bata😁 Kaya mabuti na lang andyan na ang byenan ko makakakain na ulit ng mga gulay, mahilig sya magluto din ng gulay e🙂 Grabe pa rin ulan dito sa amin, as in buhos na…

@RoseAnn16

Mas nauunang matapos ang online class ng bunso ko, kaya kapag tapos na sya minsan nagpapaalam sya sa kuya nya kung pwede syang umupo sa tabi ni kuya nya "Hindi naman daw sya mag iingay para hindi ma distract si kuya nya" Nakakatuwa lang kasi bihira sila hindi magkasundo, maunawain kasi ang baby girl ko kaya natutuwa ako, ganon din naman si kuya nya skanya. Kaya siguro bihira sila mag away.😁 Palagi kong sinasabi saknila na wag sila mag aaway at palagi lang silang…

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Not feeling ako ngayong gabi, bigla na lang sumumpong ang sakit ng sikmura ko, siguro dahil sa lamig or baka nasobrahan na ako sa kape🤦🏻‍♀️ Eto ang hirap kapag malamig e, mahina talaga ako sa lamig, konting lamig ng panahon sinisikmura agad ako😪 Goodnight na noisemates, pahinga na tayo. Bukas naman tayo magsama sama🙂

@RoseAnn16

2years ago na pala since the last time na nakapag Christmas party ang baby boy ko. Sobrang tagal na, malaki na rin sya ngayon haha Yung mga ganitong ganap ang nakakamiss e, kasi isa eto sa mga dahilan para marefresh ang mga bata dahil sa ilang buwan nila na pag aaral. Nakakamiss ang fact to face class pero kung next month daw e may face to face na e hindi pa talaga ako agree, kasi we're not sure if the virus won't spread anymore! Hopefully next school year e okay na talaga…

@RoseAnn16

Kain tayo kafoodtrip😋 Halos kakabangon pa lang kaya kakain pa lang. Hot choco muna tayo today bawas bawas muna sa kape kasi sinisimukra pa rin ako😔 Mabuti na lang rin at dayoff ng asawa ko ngayon may katulong ako sa gawaing bahay at pag asikaso ng mga bata🙂 Thankyou Lord medyo uminit init naman ngayon🙏

@RoseAnn16

Simpleng miswa nagiging sosyal pag si mister nagluluto😁 Perks of having a partner na sobrang hilig magluto, kahit cheap ang budget naglalasa/nagmumukhang mahal basta sya ang nagluto. Hobby talaga bi hubby ang magluto lalo na kapag maraming budget at may oras sya🙂 Gandang tanghali noisemates🙂

@RoseAnn16

2hours lang kami di nagkita miss daw nya ako 😁 Iniwan namen madali sa byenan ko may pinuntahan lang kami, ginabi na kami magluluto palang sana kaso pagdating namen nakaprepare na ang hapag kainan at sabi ng byenan ko ay dito na daw kami kumain.. Eto nakakatuwa sa byenan ko e, iniwan ko na mga anak ko libre dinner pa kami😅 Gandang gabi noisemates.🙂

@RoseAnn16

Waking up is one of the best feeling, whether you sleep well or not. Because when you woke up its actually the first blessing in a day that we received 💕 That's why its our time to say thankyou to God for giving us another chance to be a better person🙂 Good morning noisemates. Ingat po sa mga maaapektihan ng bagyo.🙏

@RoseAnn16

Almusal at hanggang lunch na to 😅 Kumain na mana kanina mga anak ko kaso gatas at biscuit lang kasi hindi pa ako nakapagprepare ng almusal. Kaya ayan habang nag oonline class ang kuya ko kain sya, naka dalawang sandwich agad kasi masarap daw🤗 Kain tayo noisemates.🙂

@RoseAnn16

Napanuod ko interview sa tatay ng dalawang batang ito, nung una chill lang yung tatay e, ung pinipilit na magpakatatag at wag umiyak, pero sa kalagitnaan ng interview hindi na nya mapigilan at biglang napahagulhol. Ganitong insidente ang wala ng mas sasakit pa bilang magulang e. Nakakatakot magtiwala, nakakatakot magpatuloy sa bahay/buhay mo ng hindi lubusang kilala. Hindi pa man napatunayan na yung ampon nga ang gumawa ng krimen sa magkapatid. Pero grabe ang creepy. Like…

@RoseAnn16

Meeting para sa face to face class.. Good evening mga mamsh, so far majority ng parents ng classmates ng anak ko e hindi pa agree sa face to face class by January at isa na ako don. Hopefully i consider ng DepEd na ituloy na lang ng mga estudyante na nag disagree ang mga parents na ituloy ang online class until matapos ang school year. Kasi may mga nagyes din sa classmates ng anak ko, once na may lima daw kasi na um'oo e automatic tuloy ang face to face and the rest e…

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Time to sleep na, maaga na naman babangon bukas para mag asikaso ng pamilya. Keep safe po ang mga dadaanan ng bagyo. Be alert all the time🙏 Goodnight po. Heart from me and my daughter 🙂

@RoseAnn16

Motherhood?? Yes para sken ito ang pinakamahirap na trabaho, akala ko nung first time kong maging nanay e un na ang pinakamahirap na part, hindi pala. Mas mahirap pala nung lumalaki na sila at dalawa pa sila na didisiplinahin mo.. Pero para sken walang nanay na mali ang pagdidisiplina sa mga anak nila, (depende din siguro sa naranasan ng mga nanay na kagaya ko nung kabataan nila ang paraan nila ng pagdidisiplina sa anak nila).. At ikaw, ako at sya wala tayong karapatan…

@RoseAnn16

Madaliang luto. Tinanghali ako galing sa school, nagmeeting kasi kami sa Grade 1 ko, regarding pa rin sa face to face.. Nung naglalakad ako papunta na sa terminal may nadaanan ako karinderya, parang naakit ako sa chopsuey, tinanong ko kung magkano. 35 pesos daw e ang konti lang naman ng serving, dumaan na tuloy ako sa palengke at bumili nitong gulay, 25 pesos lang ang dami na, half lang to, kasi ung half binigay ko na sa byenan ko, binigyan din nya ng ulam ang mga bata hehe…

@RoseAnn16

Ibang klase talaga kapag andito ang byenan ko. Isang tray ng pizza para sa amin.🤗😋 Nabusog na naman kami ng libre 😂 Swerte ko talaga sa byenan ko. Napaka generous💕 Meryenda tayo noisemates..

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Kanina tumambay ako sa tindahan namen. Nakakatuwa lang may ilan sa mga customers ko na estudyante ang naligaw kanina sa tindahan at tuwang tuwa na makita ako, kasi lagi daw akong wala tuwing kakain sila haha Mukhang namimiss din nila akong kachikahan🤗 Sabi din nila ang department nila which is Engineering at accountancy e sure na daw sa department nila na may face to face na sila sa January, kaya malamang daw araw-araw na naman sila tatambay sa store…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kumusta ang weather sainyo? Dito smen signal #1 kami pero wala pang ulan o hangin normal pa ang panahon. Keep safe noisemates, magprepare na tayo ng isang bag para anot ano man madaling makalikas.🙏 Maging alert at maging handa lang tayo palagi. Ingat po sa mga talagang dadaanan ng bagyo😔

@RoseAnn16

Ano pa man pinagdadaanan natin ngayon e wag natin kalimutan kumain hihuli sorry na po, food is life talaga kami..😁 Medyo kumakapal na ang dilim ng langit dito smen, mukhang babagsak na. Pero normal naman ang hangin. Keepsafe everyone 🙏

@RoseAnn16

Nakakalungkot na ung puro ganito makikita mo😪 Bakit kasi madalas daanan tayo ng bagyo tuwing magpapasko pa ano? Nakakaawa ung mga pamilya na nawalan ng bahay dahil sa bagyo😭 Keep safe pa rin po sa mga apektadong lugar. Sana makabangon agad sila para masaya pa rin kahit papano ang pasko nila😔🙏 *Credits to the rightful owner of Photos*

@RoseAnn16

Tara noisemates Let's eat Halo-halo kahit maulan😅 Eto muna eto lang kaya ng budget e. Gusto ko lang ngumuya ng ngumuya haha kapag maulan talaga ang sarap lang magfoodtrip e.. Kumusta na kaya mga kanoisemates natin na naapektohan ng bagyo? Hope they're fine🙏 Maulan na hapon noisemates. Biglang bumuhos ang ulan dito sa amin. 😪

@RoseAnn16

Late meryenda. Ang ulan kasi nakakatamad lumabas para bumili, kaya kung ano nlang available sa bahay yun na meryenda hehe Sakto naman umuulan masarap humigop ng sabaw, inom nalang maraming tubig after.. hindi ako palaging nagluluto ng instant noodles kasi hindi healthy. E eto galing sa relief goods ng isang politiko sa amin odivaa. Haha Kain tayo noisemates..🙂🍜

@RoseAnn16

xx Litson Manok xx Ulam kapag inaabot ng katamaran magluto😁 Mura na kasi minsan ung ganito kesa magluluto ka, sa mahal ng mga bilihin tatamarin ka talagang magluto minsan.. Imagine dito smen 180 na ang kilo ng manok, manok na nga lang madalas mabili kasi sobrang mahal ng baboy at isda pati manok tumataas pa ang presyo🤦🏻‍♀️ Kaya minsan mas ok na bumili na lang ng mga ganitong ulam. Gandang gabi noisemates. Kain tayo🙂

@RoseAnn16

Goodnight noisemates💤 Kape muna bago matulog. Namiss ko agad ang kape, parang 2days din ako once a day lang ang kape haha Coffee is life talaga ang lola nyo😂 Pangpatulog ko rin talaga ang kape haha mas madali akong antokin kapag nakapagkape. So pano, bukas naman guys. Keep safe ang lahat at #Bangon po ang mga nasalanta ng bagyo. Makakabangon din po kayo agad nyan sa tulong ni God🙏

@RoseAnn16

Good morning noisemates.. Sumikat na naman ang araw dito smen, pero malamang mamayang hapon babagsak na naman ang ulan nyan.. Ang moody ng panahon ano? Hindi mo na rin maiintondihan kung iinit o uulan. Pero dahil weekend ngayon rain or shine e maglalaba ako😂

@RoseAnn16

Bago maglaba kain muna tayo para drederetso, nakapagluto na rin naman ako ng lunch sinabay ko na para makapagbaon ang asawa ko🙂 Bangon mga taga Cebu💪💪 Makakabangon din lahat ng nasalanta ng bagyo in Jesus name🙏🙏

@RoseAnn16

Magandang tanghali noisemates. Natapos din sa paglalaba, medyo madami kasi ilang araw din hindi nakapaglaba. Kain tayo ulit noisemates. Nagutom ako paglalaba 😁 Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Ang sarap talagang tingnan ng baby girl ko kapag tulog. Ang bait-bait ihh😁 Kami lang nandito ngayon, isinama ni lolo nila ung panganay ko kasi pmunta don sa kapatid ng lolo nila.. Kanina pa to tulog, maya maya gising na to at sigurado hahanapan ako nito ng meryenda haha eto ung baby ko na parang mayat maya gutom kahit nung baby pa sya e.😁 Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

Hello noisemates🙂 Maaga akong nakatulog kagabi, wala pang 9pm yon nakahiga na kami e kaya ayan gising na naman ako ng alanganing oras. Nakakagutom lang kapag nagigising ng alanganing oras😁 Keep safe sa mga magsisimbang gabi. Ingat po kayo papuntang simbahan.🙏 Sama natin sa prayers natin ang mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo na sana makabangon agad sila🙏

@RoseAnn16

Ang aga naman ng blessing😍 Pabangon palang ako kasi mamaya pa naman pasok ng mister ko. Sakto naman pagbaba ko kumakatok na pala ang byenan ko tapos binigay itong ukoy😍 Swerte ko talaga sa byenan ko, palaging meron kaming share kapag nagluluto sya ng ulam🙂 Thankyou Lord binigyan nyo ako ng mabait at maaalalahanin na byenan.😍🙏

@RoseAnn16

xPritong Talong x ukoy x Binabad na bangus (by yours truly)x Magandang tanghali noisemates.🙂 Kain po tayo. Prito prito muna tayo ngayon, tipid tipid ba.hehe Si bunso ko ang naglead ng prayer ngayon. So happy na marunong magpasalamat sa mga blessings na natatanggap namen ang mga anak ko maliit man o malaki🙂 Kain tayo noisemates🙂🤤

@RoseAnn16

Eto ung Thursday nung kumuha ako ng mga notebooks ng anak ko sa isang teacher nya, nakakatuwa ung teacher nila may pagift sa mga estudyante nya. Happy ang baby boy ko, happy sya kahit ano pang laman ng gift ng teacher nya hehe Anyway, Kung kelan naman alanganing oras na saka ako inaantok😪 tagal ko rin kasing gising kagabi gawa ng nagising akong alanganing oras na..

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh.🙂 Yung anak ko hindi buo ang araw kapag hindi makapunta sa lolo at lola nya. Pupunta lang may dala pang laruan, akala mo e maglalaro sila ng lolo nya😁 Etong baby kong ito ang sobrang sanay sa lolo at lola nila, 2years old lang to dati naisama na ng lolo't lola nya sa legaspi, sa naga, sa batangas at tagaytay haha o dba? Tinalo pa ako, ako di pa nakarating tagaytay e. Kaya talagang malapit sya sa lolo't lola nya😍

@RoseAnn16

Goodnight mga mamsh. Yung kapag nakahiga na kayo at pinastop mo gumamit ng gadget ang mga bagets e asahan mo mag uunahan yang mga yan magkwento. Hindi nauubusan ng kwento, hindi mo na alam kung sino ang papakinggan mo, minsan sabay pa nagsasalita haha After naman ng chika kanya-kanyang kanta o gulong-gulong kasi hinahanap ang antok,😂 Ang kukulit e haha Goodnight noisemates💤

@RoseAnn16

x Pandesal x Egg x Corned Beef x Good morning noisemates, almusal tayo.🙂 Pagbangon ng asawa ko at sabi ko mag-almusal na sya. Nakasmile habang nakatingin sa pagkain sabi ko bakit? Sabi nya, "Ang galing, sasabihin ko sana sayo kagabi na gusto kong corned beef ngayon, kaso paghiga ko tulog ka na" Ang galing dba? Parehas kasi talaga kami ng trip nyan sa pagkain, kaya kami magkasundo hehe

@RoseAnn16

Good evening noisemates🙂 Nabusy ako today, tapos bumisita naman ako sa tindahan namen, nakakahappy lang kasi ilan sa mga customer/friends ko ang nakita ko at nagulat nnaman sila at andon daw ako. Nakakatuwa kasi namiss daw nila ako🤗 Marami rin akong mga nakausap ng customers. Masarap din talaga makipag usap sa customer e. Feeling ko talaga skill ko ang makipg usap sa customer, lalo na kapag nagsusuggest ako ng product namen e napapa - Oo naman.😁 Thankyou sa mga fastfood na…

@RoseAnn16

Was trying to sleep for a long time now😪 Pero kapag wala pa talaga ang mister mo kahit anong pilit mong matulog e ang hirap makatulog. Nagsiuwian kasi ng probinsya mga kaibigan ng asawa ko kaya ayon nagkita2 sila. Meron talagang mga tropa ang mga asawa natin na kontento ang isip mo kapag un ang kasama ng asawa mo, meron din namang hindi😂 Pero kapag itong mga college friends ng asawa ko kasama nya e kampante ako, friends ko din sila actually, kaso all boys sila kaya…

@RoseAnn16

Good morning mga mamsh. May pafree breakfast na naman ang byenan ko. Nagluto daw siya carbo kaso eto lang avail nya, wala daw syang pasta! Pero bilib talaga ko sa byenan ko masyadong maparaan pagdating sa pagluluto, ang sarap pa magluto🙂 Malulungkot na naman mga anak ko, aalis na naman sila lola nila don naman sa tito nila, don magpapasko. 2hrs ride lang naman. Ung anak kong panganay gustong sumama kaso di ako pumayag kasi sabi ko tatlo nlng kami ng kapatid nya at papa nya…

@RoseAnn16

Good evening mga mamsh.🙂 Nabusy ako today, nagbantay ako tindahan kasi ung isa kong staff e pumila para sa vaccine. Kaya sinamahan ko ung isa kong staff sakto naman off ng mister ko kaya sya ang bantay sa mga bata. Nakakatuwa lang na ganito ang asawa ko lalo kapag alam nyang pagod na ako, alam na alam nya kung pano ko mkakalma🙂

@RoseAnn16

Happy Kiddos🙂🎄🎄 Nakapasyal naman ang mga anak ko sa store namen and since malapit lang sa store namen ang park ayan ipinasyal na muna namen sila. Nako panay habulan ang dalawa kanina, natuwa sila sa mga pailaw😂 Panay thankyou na naman sila smen ng papa nila masaya daw sila kahit fishball lang snack namen, sobrang haba pa kasi ng pila sa milktea kaya hindi na kami nakabili kasi baka nalang biglang pumatak ang ulan. Kaya pagdating namen naghilamos lang ulit sila kasi di natin…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Kape at surtidos(Toasted Bread) Masaya na ako kahit ganito lang ang food, bagay na bagay naman kasi sa kape ang matigas na tinapay🙂 Wala pa kasi ako sa mood magluto, sakto rin naman mamaya pa ang pasok ng asawa ko kaya halos kakabangon ko lang🙂 Have a nice day noisemates🙂

@RoseAnn16

x Bicol Express x Pritong Isda x Perfect Combination naman talaga dear. Sobrang dami pang bicol express, ito ung niluto ni mister kagabi, dahil kaming dalawa lang naman kumain kasi maanghang ayaw ng mga bata. Kaya ayan may ulam pa kami ulit ngayong lunch😋 Nako walang diet diet na naman ngayon😁 Tara kain na tayo noisemates🙂

@RoseAnn16

Gandang hapon noisemates.🙂 Dahil mainit, sa sala kami natulog. Napaidlip ako 10mins lang ata, badtrip kasi may mga batang dumaan tapos magpapabounce ng bola, ayon nagising tuloy ako😪 Mabuti na lang masarap ang tulog nitong mga mahal ko, deadma sa ingay maski pa dinig na dinig pa din dito ung videoke sa unahan namen mga limang bahay pagitan ang bahay🙂 Daming ganap dito smen lagi e haha halos every other day may birthday kaya palaging may videoke🤦🏻‍♀️

@RoseAnn16

Flex ko lang pala to mga mamsh nung isang araw bago umalis ang lolo't lola mg mga anak ko e binigyan pa ng prutas ang mga anak ko. Nakakatuwa lang kahit na para sknilang mag asawa na kasi matatanda na rin need ng masustanyang pagkain, e talagang hindi nkakalimutan na ishare sa mga bata ang pagkain nila🙂 Gandang gabi noisemates🙂

@RoseAnn16

Alam mo yung feeling na kapag naiipon yung lungkot, pagod, inis, stress minsan galit. Tapos kapag napuno na, may isang dahilan lang para matrigger ka, wala magbbreakdown ka talaga! I hate this feeling,pero kaya siguro nttrigger para mabawasan din yung bigat na nararamdaman mo.Hays Goodnight noisemates😔

@RoseAnn16

x Binut-ong x ibus x Good morning noisemates. Almusal tayo. Very popular tong kakanin na to dito sa bicol. Lalo na sa mga nasa ibang bansa o ibang lugar, isa ito sa namimiss nila tuwing wala sila sa probinsya. Masarap naman kasi, bagay na bagay sa mainit na kape o kaya sa mainit na tsokolate(tableya). 🙂

@RoseAnn16

Chicken Killer Adobo or Adobo with Sprite. Request ng panganay ko, matagal na daw ako hindi nagluluto nito e. Nakakatuwa naman kapag may parequest request ang mga anak mo. Hehe Tara noisemates kain na tayo ng lunch 🙂

@RoseAnn16

x Bihon Guisado x Late meryenda at mukhang diretso hapunan na hehe Gandang gabi noisemates. Tara kain po tayo.. Medyo busy ako today. Kayo dyan noisemates kumusta?

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Halos kakatapos lang kumain hapunan, late na rin kasi nakapagmeryenda. Nagcrave din ako sa milktea, kanina nasa store naman ako kaya bumili nko bago umuwi. Ayon cravings satisfied.. Pasko na noisemates may regalo na ba kayo sa mga inaanak?🙂

@RoseAnn16

Magandang Umaga noisemates. Mga panahong sya pa lang baby ko. Simula baby pa itong panganay ko until now na 9years old na sya e sobrang sweet nya. Palagi nya akong inaalala kami ng papa nya, like kunware binilhan ko sila ng kapatid nya ng pasalubong hahatiin nya pa yung sakanya tapos ibibigay sa akin. Pero syempre hindi naman ako pumapayag. Eto ang isa sa Bestest Gift na natanggap ko ky God. Swerte ako dahil responsable ang mga anak ko, mahal na mahal din nya kapatid nya,…

@RoseAnn16

x Dirty Ice Cream x Bihira ko sila bilhan ng ganito kaya sobrang happy sila. Mayat maya sila nagpapasalamat na naman sken akala mo kung ano na ang binili namen e hehe Ganyan po ang mga anak ko kaya swerte ng mga ninong at ninang ng mga anak ko kasi kahit gaano pa kamura ibigay nilang gift e sobra nilang naappreciate.<3

@RoseAnn16

Kumusta kayo noiseamtes? Hindi ako makapa upload ng picture. Wala kasi ako sa bahay, data lang ang gamit, hindi kaya ng data makapag upload hehe Mukhang busy na ang lahat para sa Noche Buena ah. Kami andito ngayon sa bahay ng magulang ko andito rin ibang kapatid ko at mga pamangkin :) Eto lang masaya kapag may okasyon e, kahit papano parang nagkakaroon get together ang pamilya. :)

@RoseAnn16

Good evening noisemates.. Share ko lang to. Ngayon na lang kami nakapagdate ulit mag-iina. Magmemeryenda sana kami sa Jollibee kanina, kaso sobrang daming tao. Mabuti na lang understanding mga anak ko. Alam nila na hindi safe kung sisiksik pa kami don hehe Happy sila, daming hugs&kisses na naman akong natanggap sknila💕

@RoseAnn16

Good evening noisemates. Cousins with their grandpa. Ito yung papa ko na shy type palagi pagdating sa picture.. Yung mga binata kong pamangkin e palibhasa mga binata na e aayaw ng sumama sa picture.. Mga anak ko sabik palagi sa mga pinsan palibhasa hiwa hiwalay din sila ng mga pinsan nila. Yung iba nasa malalayo talaga, nasa Tarlac at Cavite kaya hopefully sa summer makauwi sila at makapagGet together kami ng kumpleto ang magkakapatid at mga magpipinsan💕

@RoseAnn16

Merry Christmas everyone! Greetings from my family to yours<3 Wishing everyone to be filled with so much blessings from our creator. Sabi ko sa panganay ko sumama sya ngayon sa mga kalaro nya na mamasko, (para maexperience nya) kasi dati hindi ko sya pinapayagan kasi maliit pa sya. Tapos ngayon ayaw na mana nya haha eto talaga ang anak ko walang kahilig hilig sa pera, kahit sinabi ko sknya na kapag may napaskuhan siya ung iba pera ang binibigay. Sabi nya lang ayoko po.. Kaya…

@RoseAnn16

Good evening noisemates. Nakakatouch kapag naaalala ka ng kaibigan mo kapag umuuwi ng probinsya, almost 2years din kaming hindi ngkita gawa ng pandemic. Sa cavite kasi sya nagwowork., wala pala kaming picture sa cellphone ko, sa kanya pala meron hehe Nakakatuwa ung kaibigan ko imagine simula grade 6 kami magkaibigan na kami up until now. May padonut pa sya sa mga anak ko pag uwi ko, hindi ko na kasi isinama ang mga anak ko nung nagkita kami kasi sa mall kami ngkita e sobrang…

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Dahil puyat at pagod kakalaro mga anak ko simula pa nung 24 ng gabi, eto hanggang ngayon tulog pa rin.. 9pm sila natulog kagabi hehe bawing bawi na naman sa tulog. Sobrang happy ng mga anak ko, lalo itong panganay ko kasi nakita nya teacher nya, 1st time lang sila nagkita ng personal, kahapon kasi nandon kami sa ate ko, e kapitbahay ng ate ko teacher ng anak ko, maghapon naman palang wala ung teacher ng anak ko. Sakto bago kami umuwi dumating na din…

@RoseAnn16

x Donut x Tikoy x Suman x Breakfast overload. Kapag handaan talaga may handaan, kinaumagahan hindi mo na alam kung anong uunahin mong kainin. Masarap ulamin ngayon tuyo tapos itlog ahha medyo umay sa food ngayon e.. Tara almusal tayo noisemates kababangon lang e..

@RoseAnn16

Gandang hapon noisemates. Kakatapos lang maglunch.. Epic fail yung isang tilapia, ung isa kasi prinito ko, yung isa iihawin ko sana, kaso walang foil and mali ko rin pala nung pinalinisan ko sa bilihan ng isda e parehas kong napakaliskisan. Undecided pa ko kanina kung mag iihaw ako o hindi e.. Kaya ang bagsak e prinito ko nalang din yung isa🤦🏻‍♀️

@RoseAnn16

Chocolates for Dessert🍫 Gandang gabi noisemates. Grabe biglang bumuhos na naman ang malakas na ulan dito sa amin. Baha na naman lang sa labas ng bahay namen. Pinalipas lang ang pasko e yan ulan na naman.. Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Grabe yung ulan dito smen kagabi, halos kakatigil lang ngayon. Magdamag na naman umulan. Kawawa naman ibang kapitbahay namen, pumasok na naman sknila ang tubig. Sa amin muntik na ilang pulgada na lang papasok na sana ang tubig. Mabuti na lang sa balcon lang binaha. Yung isang kapitbahay namen lumikas don sa kapatid kasi sa sahig lang pala sila natutulog e inabot na ang loob ng bahay nila. Ito ang mahirap kapag hindi maayos ang drainage system e.…

@RoseAnn16

x Sinampalokang Manok x Dahil sobrang ulan pa rin dito smen msarap humigop ng sabaw, since chicken naman gusto ng mga bata ayan sinampalokang manok niluto ko mas bet ko to kesa sa tinola even ng mga anak ko ito ang request kapag manok ang sasabawan. Hay sana naman tumigil na ang ulan, babaha na naman nyan dito smen. Maulan na hapon noisemates..

@RoseAnn16

Goodnight mga mamsh. Swerte ako sa baby girl ko na to. Wala kasi syang tablet/cp. Kaya minsan nanghihiram sya sa akin. Since kanina gamit ko ang fone inallow ko sya gumamit laptop pero sabi ko 30mins lang kasi matutulog na rin kami. Ambilis naman ng sagot nya na "okay po mama, thankyou po, iloveyou" napakasweet ng baby girl kong ito. Napakaunderstanding pa, hindi sya nagdadamdam na wala syang gadget kahit si kuya nya e meron. Good night noisemates. Tutulog na rin kami💤

@RoseAnn16

Share ko lang noisemates. Nagkakameron palang kasing kuryente dito sa amin. Anyway birthday ng mister ko ngayon but since tight ang budget ayaw na nyang magluto para daw sa new year's eve na lang daw kami maghanda. Sinalubong narin naman ng asawa ko at mga kaibigan namen nung college ang birthday ng asawa ko kagabi. Hindi nko sumama kasi basketball lang balak nila, natuloy nalang sa inom para salubong sa birthday ng mister ko. Tapos paguwi nya pa may pahabol na xmas gift pa…

@RoseAnn16

Eto ang mahirap kapag tag lamig at ang mga anak mo naman e hindi makatulog ng walang e-fan tapos parehas mo pa silang katabi, tapos hindi napayag na isa lang ang gamit namen na fan, ayon nakatutok sknila tig isang fan kaya eto sipon sipon na naman ako😪 Barado na naman tuloy ang ilong ko. Hays Goodnight sainyo noisemates.

@RoseAnn16

Good morning noisemates. Sobrang tagal nakatengga ng motor namen na ito, ito ang unang motor ng mister ko. Ayon naisipan naman nya gamitin kaya pinaayos namen ang gulong pinapalitan na ng tubeless. Tapos habang inaayos ng mekaniko bigla syang napakwento, sabi nya ganito rin daw motor nya dati, tapos ung asawa daw nya mas magaling daw skanya sa motor. At mga bigbike daw ang ginagamit. Nung minsan daw ung asawa nya nagdrive nung motor nya na kagaya nitong motor namen tapos…

@RoseAnn16

x Pritong Tilapia x Pork steak x Gandang tanghali noisemates tara kain tayo. Porksteak sa mag aama ko, masaya nko sa pritong isda hehe nasuko ang ngipin ko sa meat e, sumasakit kasi kaya sa fish lang oks nko..hehe Ayon goods naman ang luto ko, masarap na naman daw sabi ng mga bagets hehe Kain na din kayo noisemates:)

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Ang sarap ng simoy ng hangin, ang sarap lang gumulong gulong sa bed hehe Pero mukhang mamaya nko matutulog, hintayin ko na aswa ko, 10pm out nya sa work e. Para dredretso din tulog ko mamaya, kapag nakatulig agad ako at dumating mister ko kapag nagising ako pahirapan na naman matulog e..😪

@RoseAnn16

Share ko lang noisemates, nakakatuwa lang kahit hindi ako nagpaorder ngayong holiday ng lumpiang shanghai e may umorder pa rin nung noche buena at repeat order ulit para bukas. Kahit sinabi ko na hindi ako nagpaorder ngayon, nagmakaawa na paorderin ko daw sya kasi hindi daw pwedeng wala ang lumpia ko kapag may handaan sknila. Nakakakilog kapag ganito🤗 Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

Malaking bagay din na bukod sa 13th month e may paganitong Incentive pa ang company ng mister ko kahit almost 4months palang syang hired sa company. Malaking dagdag sa budget din para sa Media Noche. Looking forward na maganda na ang papasok na taon ngayon. 🙏 Thankyou Lord for all the Blessings..

@RoseAnn16

x Chicharon baboy x Masarap kumain ng ganito or kaya kornik o mani after kumain hehe Masarap pa din ngumuya nguya. Kayo dyan noisemates kumusta? Busy na siguro ang iba noh? Kami since maliit lang ang family, kami lang mag anak(4) plus lolo't lola ng mga bata kaya sakto lang handa namen bukas, samgyup ang theme namen bukas. 😋 Goodnight noisemates. Maya-maya tulog na rin kami..

@RoseAnn16

A D V A N C E H A P P Y N E W Y E A R! Flex ko lang tong gift sken ng asawa ko mga mamsh. Nakakahappy tong regalo nya, sabi ko lang nung minsan na nagpaparinig ako "Gusto ko ng non-stick pan" nanghihiram lang kasi ako sa byenan ko ng non stick pan kapag kailangan ko na magluto sa non stick. Tapos charann! Ayan binili nya para sken hehe Taas kamay yung mas kinikilig na kapag gamit sa bahay especially kitchen wares ang binibigay sayo hehe Good morning mga noisemates..🙂

@RoseAnn16

"Di mahulugang Karayom" Grabe, sobrang daming tao kanina s palengke, as in kahit saang sulok ng palengke e puno ng tao, ang hirap maglakad. Mabuti na lang namili na kami kahapon ng iba, bale ung mga nakalimutan na lang namen bilhin kahapon ang binili ko kanina. Iba rin talaga tayong mga Pinoy noh? Basta ganitong mahahalagang okasyon e talagang pagtutuunan natin ng pansin🙂 Gandang hapon noisemates...

@RoseAnn16

Year End Party Tamang palaro sa mga bata sa dito sa aming barangay. Sobrang saya naman ng mga bata ngayon. Mabuti na lang din at pinagbigyan kami ngayon hindi umulan kaya enjoy ang mga bagets. Happening now mga noisemates..🙂

@RoseAnn16

Preppin' for New Years Eve. Kami lang ba ng asawa ko na kapag may handaan e hindi usual na handa ang handa namen hehe Kumusta ang lahat? Busy na siguro lahat noh? Hopefully maganda na ang pasok ng taon natin ngayon.🙏 At sama-sama pa rin tayo dito sa noise..🙂

@RoseAnn16

Goodbye year 2021! Welcome year 2022! Hope this coming year is full of Happines & Success in our lives. Thank you year 2021 for teaching us life lessons. It's still a tough year but thank God we made it.🙏 Looking forward to more success in this year 2022. Have a Prosperous New Year to All of us Noisemates. Cheers🥂🎉