Good morning mga mamsh. May pafree breakfast na naman ang byenan ko. Nagluto daw siya carbo kaso eto lang avail nya, wala daw syang pasta! Pero bilib talaga ko sa byenan ko masyadong maparaan pagdating sa pagluluto, ang sarap pa magluto🙂 Malulungkot na naman mga anak ko, aalis na naman sila lola nila don naman sa tito nila, don magpapasko. 2hrs ride lang naman. Ung anak kong panganay gustong sumama kaso di ako pumayag kasi sabi ko tatlo nlng kami ng kapatid nya at papa nya maiiwan dito pasko pa naman.. Ayon pumayag naman🙂 Kain tayo noisemates. Tulog pa mga bagets ko..😁
2 comments
Super blessed po talaga kayo kay biyenan niyo..
Ganyan din talaga mga lola, palipat lipat sa mga anak kapag matanda na. Yan na lang ikakatuwa nila eh yung makadalaw sa mga anak.