Maaga nag start ng Online class ang bunso ko ngayon kasi mahina daw net ni teacher nya. So eto na nga habang nagkklase sila narinig ko bigla sabi ni teacher niya "sa January daw may Face to face classes na sila" nako di naman ako nainform na magkakaface to face na pala sila next month. Parang hindi pa ako ready dito. Hindi pa tayo sigurado sa panahon e kung okay naba na makisalamuha sa maraming tao ang mga bata. Lalo na sila pa ung wala pang vaccine.. nakakatakot, nakakakaba! Pero wala tayong magagawa kung yan na talaga ang mandatory. Triple ingat nalang at dapat iorient na maayos ang mga bata na mag iingat sila sa mga kilos nila..😪
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet