read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

Naalala ko ito last year, first time namen pumunta dito sa falls. Grabe yung byahe namen, sobrang malubak ang daan, paahon, pabulusok, tapos sa kalagitnaan pa ng byahe e hindi na kinaya ng mga motor namen, masyado ng mataas at masyado ng malubak delikado ng ipilit, pero hindi imbes ng bumalik na kami e nilakad namen ng almost 2hrs sa gitna ng init, habang naglalakad may pagkakaton talagang parang gusto mo nlang bumalik, imagine sobrang tirik ang araw, malubak ang daan maraming bato kaya dapat maingat ka sa paglalakad at paahon pa. Pero nung nakarating na kami sa Falls e sulit lahat ng pagod, napakaganda,napakalinis ng tubig. Parang sa buhay lang, kahit ano pang pagsubok ang dumating, wag susuko dahil talo ka kung susuko ka sa kalagitnaan ng pagsubok. Hindi mo malalaman na may maganda pa lang naghihintay sayo sa dulo ng laban♥️ First pic relaxing view habang naglalakad kami papuntang falls😍

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.