Paano Gumawa ng Sabaw Na Purong Gulay

9 14

Marami sa atin ang mahilig sa gulay dahil ito ay masustansya at masarap lalo na kapag mainit pa. Hindi lang siksik sa vitamina nagbibigay din ito ng dagdag lakas sa katawan at sumusuporta upang palakasan ang ating immune system.

Paano nga ba gumawa ng puromg gulay na malinamnam at pede na pang ulam sa tanghalian o hapunan? May mga tips ako sa inyo kung paano gumawa at kung anong klasing gulay ang masarap gawing sabaw. Narito ang mga gulay na dapat mong ihanda sa pagluluto.

Mga Gulay Na Masasarap Ang Sabaw

  • Malunggay

  • Alugbati

  • Kalabasa

  • Patani

  • Upo

  • Papaya

  • Gabi

  • Sili

  • Patatas

Mga Sangkap Sa Mabango at masarap ang Sabaw

  • Lemon Grass

  • Seboyas

  • Kamatis

  • Luya

  • Luya

  • Asin

  • Ajinamoto or magic sarap

Mga Pamamaraan sa Pagluluto

  1. Magpakulo ng tubig gamit ang heater - magpakulo ng kung meron kayong heater para madali ang pagluluto ninyo. Pagkatapos magpakulo ilagay sa kaldero na paglulutoan ninyo at simulan na ang pagluluto.

  2. Ilagay ang mga sangkap - unang ilagay ang luya (ginger) kung wala kayong lemon grass kasunod ang sibuyas, kamatis.

  3. Ilagay Ang Mga Matatagal maluto - Pagkatos ng isamg minuto mailagay ang mga sibuyas kamatis at luya, ilagay mo ang mga gulay na mejo matagal maluto tulad ng kalabasa, gabi, patatas at iba pa.

  4. Ilagay ang mga gulay na dahon-dahon-pagkatapos mailagay ang mga gulay na matagal maluto, after 5 minutes o hanggang maluto na ito tsaka nmn ilagay ang mga dahon na gulay tulad ng malunggay, alugbati at iba pa. Isama mo na rin ang sili at iba pa.

  5. Maglagay ng pangpalasa - pagkatapos mo mailagay ang mga gulay, maglagay kana ng kunting asin at Ajinamoto o magic sarap para ito lalong magiging masarap.. Pede din nmn unahin ang mga ito, nakadipendi nalang po sa iyo kung kailan ka maglagay ng pangpalasa.

  6. E-serve at lasapin ang sarap ng gulay with kanin - kapag naluto na at ready to serve na pede kana kuamin kasama ang pamilya mo. Tiyak na papawisan ka sa sarap.

Para sa mga hindi mahihilig sa gulay at prutas o di kaya'y namimili lamang ng kakainin, narito ang advise ko sa inyo, isipin ninyo ang ang vitamina huwag yung lasa na hindi umaayon sa panglasa ninyo. Kapag iniisip ninyo lagi lang vitamina na makukuha tiyak kakain kayo hanggang masanay ang inyong sarili na kumain sa mga ito.

Isang simpling recipe lamang ang gulay ngunit ito ay napakahalaga sa ating katawan. Laging kumain ng gulay at prutas para ang katawan ay laging malakas. Sabayan mo ng exercise tiyak na ang katawan mo ay sisigla at malayo sa sakit.

2
$ 0.00

Comments

Namiss ko na kumain nang gulay

$ 0.00
4 years ago

Prutas nalang muna kung walang gulay..

$ 0.00
4 years ago

Sarap po nyan masustansya tamang Tama SA panahon Ng pandemic.

$ 0.00
4 years ago

Pangpalakas ng katawan! 💪

$ 0.00
4 years ago

Diningding sarap din nun may saluyot..

$ 0.00
4 years ago