Buhay OFW Sa Panahon Ng Pandemic Coronavirus

0 9

Magandang araw sa inyong lahat! Ako nga pala si Ronz isang OFW sa Kuwait na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease kung saan nagkakaroon ng locked-down ang bansang Kuwait at nagkaroon ng krisis sa bawat kompanya. Isa ang aming kompanya sa naapektahan sa krisis at napilitang magbawas ng mga trabahante.

Nagsimula akong mag-abroad nuong 23 years old pa lamang ako at ngayon ay halos pitong taon na akong nagtatrabaho sa Kuwait at nakapagpatapos ng tatlong kapatid sa kursong Bachelor of Science In Business Management, Hotel and Restaurant Management at isang Bachelor of Science in Information Technology. Lubos na nakakatuwa, nakaka-proud sa sarili at napakasarap sa pakiramdam na nakakatulong tayo sa ating mga kapatid at maging sa ating mga magulang kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit nagiging matatag ako bilang OFW na malayo sa pamilya at nag-iisa bilang OFW sa bansang Kuwait.

Nuong nagsimula at kumalat ang Coronavirus Disease sa buong daigdig isa ang bansang Kuwait na nagkaroon ng maraming infected individuals kung saan nagdisisyon ang bansa na magkaroon ng total locked-down para ma-control ang pagkalat ng nasabing sakit.

Nagsimula ang total locked-down nuong March 13, 2020 at doon na nagsimula ang matinding pagsubok sa buhay, delobyo bilang isang OFW kung saan nawalan kami ng trabaho hanggang ang aming kontrata ay tini-terminate na ng kompanya.

Napakahirap, masakit sa pakiramdam iyong mawalan ng trabaho lalo na at hindi makapaghahanap ng panibagong trabaho dahil walang transportasyon na masasakyan at ganon din naman walang tumatanggap ng bagong manggagawa ang mga kompanya dahil apektado din sila sa nasabing krisis.

Mahigit tatlong buwan na akong nakatambay ngayon kung saan hindi maiiwasan na ma-stress at ma-depress sa kakatambay. Ito na ang pinakamahirap na party at karanasan sa aming mga OFW na tila parang survival nalang ang datingan. Kailangan magtipid at kumain nalang ng halos isang beses sa isang araw at minsan tubig nalang sapat na.

Sa lahat ng pagsubok na naranasan sa buhay ko ito na yata ang pinaka-grabi sa panahon ng pandemya. Ganon paman hindi ko pinagsisishan na hindi ako nakapag-ipon nuong panahon ng wala pang COVID-19 sa kadahilanang mas higit na mas mahalaga sa akin ang pamilya na mai-ahon sa buhay at mga kapatid na makapagtapos sa kolehiyo. Isa paring biyaya na galing sa Panginoon ang maka-survive sa mga araw na ito at umaasa na sana'y matapos na ang krisis na ito at babalik na sa normal na buhay at pamumuhay.

Hindi susuko at lumalaban! Sana ay ganon din kayo sa panahon ng pandemyang ito. We heal as one so we must survive! Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa ating mga gawain sa araw-araw at patatagin ang ating pag-iisip at damdamin..

2
$ 0.00

Comments

Kaya yan

$ 0.00
4 years ago

covid lang yan tayo may diyos tayo na nakaantabay sa atin lagi, ingat po kayo diyan stay safe po and godbless laban lang. wala hindi kaya basta andyan si lord gagabayan niya tayo parati

$ 0.00
4 years ago