Happy lunch, noisers!!! Share ko lang sa inyo itong inihaw ko na 5 tilapia dito. Sinabi ko kay misis na ako ng bahala sa binili niyang sariwang isda na lumulundag-lundag pa kanina, para magawa niya ang iba niyang pinagkakaabalahan, tutal free ako ngayon walang gawa, sa bahay lang. In-open ko ang isa para ipakita sa inyo. Ang bango pagbukas ko kasi binalot ko muna ng dahon ng saging bago ko binalot pa ng aluminum foil para di masunog ang balat ng isda. Matagal ko ring inihaw ang mga ito kaya luto talaga ang laman. Ang inilagay ko sa loob hiniwang kamatis, chopped onions, ground black pepper at kaunting asin. Halina kayo mga, ka-noise start na tayo sa ating unli rice na lunch! #nori23
9 comments
wow sarap nman. hays kakagutom hahahah
Salamat, friend! Nag-enjoy nga kami ni misis at ng daughter ko kasi habang mainit pa iyan, kumain na kami. Have a great day ahead, kanoise?
boy ka pla ehhehe kala ko girl ka kc sa user name hehehe.
Hahaha! Marami na kayong nagkakamali dahil sa username ko hehe! Ok lang, ang mahalaga tunay na man ako, hehehe! Good day, my friend!
kaloka kc pag user name. minsan mukhang babae ung name, minsan nman panlalaki ung tunog pero girl pala ung may ari hehe
Sarap naman ng ulam nyo pre.
Salamat, bro! Naisipan ko lang mag-ihaw dahil nakita ko na gumagalaw pa ang mga ito kanina. Masarap Kasi iihaw kapag fresh pa.
Totoo. Manamis-namis.
Tama ka, bro!