read.cash Log in
@Roni more from that month

Late Post Kahapon ipo-post ko sana itong kinuhanan kong picture nang mag-biking exercise ako, pero nawalan ako ng time na gawan ito ng content dahil napa- kuwento ako sa kaibigan ko dito. Bago ako bumangon kahapon umuulan na dito, pero huminto rin agad kaya nakapag-bike din ako. Nang pauwi na ako makulimlim na at parang bubuhos uli ang ulan gaya ng makikita dito sa picture, madilim ang kalangitan. Fishpond itong kinuhanan kong ito. Hindi akin iyan nadaanan ko lang. Ha-ha! Hindi ako nakapag- bike ngayon dahil mayroon na naman akong maagang pinagkakaabalahan, pero try ko mamayang hapon kapag maaga akong natapos dito. Stay safe mga ka-noise!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.