Good morning, mga ka-noise! Ngayon ko lang napansin 1 week na pala akong di nakakapag-post dito sa noise cash. He-he! Share ko lang ngayon itong weather na nilitrato ko dito lang sa tapat namin. Makulimlim ang kalangitan, first picture. Sa katunayan habang tina-type ko ito umuulan na. Sabi ni misis huwag na akong pupunta sa Jobsite dahil inuubo pa ako at baka maulanan daw ako uli, he-he? Kanina pagkatapos kong mag-breakfast, uminom na ako nitong gamot sa ubo na binili ni misis kahapon, nasa second photo. Kaya yamang dito lang muna sa bahay baka bukas na ako pumunta sa site, anyway tiyak na di makakapagtabaho ngayon ang mga welder ko dahil umuulan. So, while I'm here post ko muna ito, then makikipag-interact muna ako sa ating mga ka-noise na na-miss ko rin dito. Kasi medyo mas nakakasilip ako lately sa kabilang bahay ni noise. Haha! Maulang lunes ng Umaga sa inyong lahat! Stay safe! #Nori23
4 comments
Dito rin kanoise maulan na morning nakasched na ang paglalaba ko kahit naulan tuloy parin. Pahinga na muna kayo, uminom nalang din maraming tubig. Pagaling kayo kanoise! Blessed morning!
Salamat ka-noise! Mamaya kita dadalawin ipon muna ako. Naubusan hehe! Happy lunch time na, ka-noise!
get well soon po
Sobrang busy ba kaibigan.. Gandang umga