Mangga At Puso ng saging Kumusta na kayo mga ka-noise/ka-Pilipinas! Kahapon pa ako nakauwi dito galing sa Bataan. Hindi ako nakapag-post dahil kapag ganitong matagal akong nawalay sa family ko, umaatikabong kuwentuhan ang nangyayari. Gaya nang nasabi ko sa nakaraang kong post, pag-uwi ko dadalhan ko sila ng mangga galing sa mga punong mangga ng kuya ko. Tatlong klase ng mangga ang ipinadala pero hindi ko sure kung alin dito iyong apple mango, Indian mango at Carabao mango yata iyon. Pinadalhan din niya ako ng puso ng saging, iisa lang kasi ang pu-puwede kaya isa lang ang ipinadala. At tuwang-tuwa sila, dahil paborito nila ang mangga. Ngayon dahil alam ni misis na mahilig ako sa spaghetti kaya nagluto siya para meryenda namin ngayon. Nakaka-miss talaga ang ganito na nasa piling ka ng pamilya mo. Kahit anuman ang pag-saluhan ninyo, tiyak na masaya kayo! Hanggang dito lang ang kuwento ko at napahaba na hehe.. Mag-meryenda na muna tayo mga ka-noise para sabay-sabay na tayo. Pagkatapos ipo- post ko na rin ito. Have a happy, blessed Sunday, mga Ka-noise!
4 comments
Ito yatang apple mango sa ibabaw ang sarap naman kapag may nagbigay din niyan sa akin tiyak ang saya ko din lalo na bagong pitas.
Kung malapit ka lang sa amin kanoise, binigyan sana kita sa mga dala ko noon. Gandang tanghali ka-noise!
wow sarap ng mangga hehehe
Matamis naman pala at nagustuhan dito pati na ng mga nabigyan ko nito. Thanks ka-noise! Good morning 🌻