read.cash Log in
@Roni more from that month

Hello Pilipinas! Kumusta na mga kaibigang ka-noise! Binilhan ko naman kanina si misis ng ice cream at cheese bread, para maiba naman. Eksakto ito sa mainit na panahon. At ang appreciative kong wifey, natuwa na naman siya sa dala kong ito, kasi bukod sa fruit lover siya, ice cream lover din naman siya. Sa tuwing kakain nga kami sa labas lalo na noong bago pa lang kami kahit anong kainin namin tiyak ibibilin niya sa akin "order ka rin ng ice cream, serve later na lang". Kaya ganoon lagi ang ginagawa ko noon para happy siya. Ngayon kahit Selecta ice cream lang tuwang-tuwa na naman. Kaya habang kinakain namin kanina ito, nag-reminisce na naman kami hehe.. Kapag ganoon napapansin ko parang kapareho pa rin ng dati ang pagsasama namin at sa totoo lang ang pagsasama namin ay hindi lang as husband and wife kundi parang best of friends kami sa isa't-isa. Kaya nga kapag nagkita kami kahit napakatagal na naming mag-asawa, same pa rin ang samahan namin gaya noong una. Hehehe, nag- ice cream lang kung saan na napunta ang kuwento ko. Kayo naman ang mag-kuwento mga ka-noise tungkol sa buhay may asawa man iyan, bf-gf relationship, o purely friendship, family relationship etc. Handa akong makinig sa inyo. Iyong last picture pala iyan ang bagong cell site sa may bandang amin kaya malakas na ang cignal namin dito. Have a great evening, mga ka-noise!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.