read.cash Log in
@Roni more from that month

Good evening mga ka-noise! Kaninang pauwi na ako, mga 5: 41, naganyak akong kuhanan ng picture itong malawak na bukirin na dinadaanan ko dito. Napakagandang pagmasdan kasi at masarap ang simoy ng hangin dito dahil maaliwalas. Ang sarap siguro kung may Nipa hut ka dito kapag ganitong summer, tapos napapalibutan ng mga puno. (Nangangarap lang ng gising hehe) Makulimlim na ang kalangitan dito at nagbabadya na ang ulan, kaya nagpatuloy na ako sa pagba-bike. Nang malapit na ako sa amin nadaanan ko iyong suki ko ng mangga, tinawag ako paubos na daw 90 na lang ibinigay. Medyo ma-green green pa ang balat ng 3 pero hinog na rin at ang isa, parang over ripe naman. Kinuha ko na rin at tamang- tama wala na kaming prutas, kaya natuwa naman si misis, basta may panghimagas solve na ang meal namin. Iniinit pa ni misis iyong tirang ulam kanina at pritong isda para makapaghapunan na kami. Kayo mga ka-noise, kumakain na ba kayo o nagluluto pa rin? Sabay-sabay na tayo para masaya ang kainan natin. After nito, sabay-sabay din tayong mag-noise haha! Enjoy your dinner mga ka-noise!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.