Good evening mga ka-noise! Share ko lang itong Pork lechon na ibinigay ng bayaw ko. Palabas ako ng bahay nang eksaktong nasa tapat na siya ng gate namin at ibinigay ito. Lahat ng kapatid niya binigyan din niya. Bilang pasasalamat dahil na-promote siya sa work niya. Lahat ng kapatid ni misis mababait. Kapareho nilang mabait ang misis ko hehe. Kaya happy ako na nagkaroon ako ng mga in-laws na mababait at kasundo ko lahat. Napakasarap ng feeling kapag parang tunay mong kapatid o magulang ang pamilya ng iyong asawa. Sana kayo rin ay merong mababait na in-laws! Enjoy your dinner noisers!
9 comments
Share your blessings talaga dapat
Napakapalad nyo kanoise nagkaroon ng asawa at inlaws na mababait. Sa part ko hindi ko maramdaman sa mga inlaws ko ang ganyan na part of the family ka. Ang tatahimik kasi nila hindi ka kikibuan, hindi mo alam kung nahiya o ayaw lang talaga nila sayo hahaha.
Natawa naman ako don sa huli mong sinabi, "hindi mo alam kung nahiya o ayaw lang talaga nila sayo hahaha." Siguro tahimik lang talaga Salamat, ka-noise!
sarap. gusto ko ung balat haha
Pareho tayo ka-noise. Iyon din ang gusto ko. Crunchy nga siya.
Napakasarap po at mabait ang bayaw po
Totoo iyan, ka-noise! Sobrang bait Niya!
Naku mukhang masarap yan ah, sana all may palechon kanoise.
Good morning 🌄 Pasens'ya na now ko lang nabasa. Magba- bike muna ako at baka tulog ka pa. 5:32 am pa lang.See you later!