read.cash Log in
@Roni more from that month

Magandang umaga, dear noisers/ka-Pilipinas!!! Kadarating ko lang galing sa 30 minute cycling exercise! At itong nasa first picture ay ang lagay ng panahon dito sa amin. Mukhang magiging ok naman ang panahon ngayon dahil ang haring araw ay maliwanag ang pagsikat nito. Sana huwag namang umulan kasi naglaba si misis ng mga kumot at bedsheets. Gusto pa naman niya kapag naglaba, ibibilad niya sa araw, para mabango at malinis. Sabi kasi ng isang ka- noise natin sa comment niya sa post ko kahapon, kapag ganoong clear ang sky kinabukasan daw uulan. Kaya ngayong pauwi ako pinicture ko, pero gaya ng makikita ninyo clear pa rin naman ang sky. O paano, magka-kape na muna ako, light lang ang breakfast ko ngayon. Pan at coffee with bear brand powder. Mag-almusal na rin kayo mga ka-noise bago magsipasok sa mga work o school o bago gawin ang inyong house hold chores, para may sapat na lakas kayo sa maghapon. Magandang araw ng Sabado sa inyong lahat!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.