It's Raining, It's Falling Magandang hapon mga Ka-noise/ka-Pilipinas! Maaga akong nakauwi ngayon at katatapos ko lang mag-meryenda ng suman with hot coffee. Makulimlim ang kalangitan kaninang umalis kami ng Porac past 3pm, gaya ng makikita sa first picture below. Malapit ng bumagsak ang ulan. At ngayon ay kasalukuyang malakas ang patak nito. Buti nandito na ako sa bahay. Pero sa 2nd photo, napakaganda ng sikat ng araw kaninang 6:55 am, nasa Jobsite na ako niyan. At iyong 3rd, 4th & 5th pictures ay ang mga binili ko para sa breakfast namin bago ako umalis ng bahay, past 5am pa lang nang bumili ako. Kumusta naman ang maghapon ninyo, mga ka-noise? Happy weekend, everyone!
8 comments
Ang lalaki ng saging mukhang ang sarap at tamis nito
Oo nga, ka-noise! Malaki at matamis. Masarap ang pagkahinog. Dahil 3 lang kaming kumakain niyan, meron pang 4 na natira para sa araw na ito.
Pa bago bago talaga ang panahon ka noise noh kaya ang daming nagkaksakit ei lalo na mga bata hayss peru natakam ako sa palabok mo ka noise wala masyado nagttinda niyan dito hehe
Oo nga, ka-noise! Kaya ingat na lang tayo.
Namiss ko talaga ang suman tapos partner ng kape wala na kasing nagtitinda dito. Blessed Sunday kanoise!
Happy weekend, ka-noise!
wow sarap nman suman at palabok heheh
Mgandang hapon kaibigan. Ang sarap ng saging na hinog