Sinigang na Bangus Katatapos lang naming mag-dinner. Bago kami kumain pinicture ko muna ang kaluluto ni misis na sinigang na Bangus. Ni-request ko sa kaniya ito kasi nag-crave ako nang minsang makita ko dito na sinigang na Bangus ang ulam ng isang ka-noise. Kaya pinagbigyan naman niya ako. Nang sandukin niya sabi ko pi-picturan ko muna hehe .. Kaya heto nga may ipo-post ako. Ilang araw din akong di nag-post. Kayo mga ka-noise, nag-dinner na ba kayo? Anong ulam niyo at baka next time iyon naman ang ipaluto ko kay misis 🤣 Enjoy your meal and eat well, everyone!
1 comment
wow. sarap namn