read.cash Log in
@Roni more from that month

Brother In-law Magandang hapon mga ka-noise! Bago namin kainin ni misis itong snack namin ngayon itong nasa first picture, magku-kuwento ako ng kaunti. Ang last picture dito na Mcdo hamburger at french fries ay pasalubong ko kay misis kahapon past 5pm pa. Di ba after kong mag- post yesterday morning sinabi ko na aalis kami ng bayaw ko? Iyan ang pasalubong ko kay misis pero hindi ko nai-post kahapon dahil tinawag ako uli ng bayaw ko at nag-patulong sa ginagawa niya. Hindi naman tungkol sa picture na iyan ang kuwento ko kundi tungkol sa bayaw ko. Siya iyong mabait kong bayaw na nagbigay ng pork lechon no'n. Matagal kasi kaming nag-sama sa mga projects niya sa ibang province at sa manila kaya naging close kami sa isa't-isa. At very close sila ni misis noon pa mang dalaga't binata sila. Kapag may problema daw si bayaw agad niyang ikino-confide kay misis. Sinabi niya sa akin na mabait daw ang misis ko, agree naman ako, siyempre! Noong mag-asawa daw si misis sa akin, umiyak silang magkakapatid at ang mga biyenan ko, hindi naman sa dahil ako ang naging asawa niya hehe, kundi dahil aalis na siya sa bahay nila at sasama na sa akin. Close family ties kasi sila kaya ganoon. Kaya noon kapag, nag-aabroad ako iniiwan ko si misis sa mga biyenan ko at tuwang-tuwa silang lahat, pati mga pamangkin ni misis. Masyado silang close at mahal na mahal nila ang isa't-isa. Napakaganda ng relasyon nila bilang isang pamilya. Mapalad ako na mapabilang sa kanila, dahil damang - dama ko na kapamilya din ako kung ituring nila at gayundin naman ang turing ko sa kanila. Sana lahat ng nag-aasawa ganoon ang masumpungan para masaya ang pagsasama nilang mag-asawa. O siya, mag-snack muna kami dito ni misis, ice cream at pizza, para pagkatapos mag-noise uli ako. Be back later, mga ka-noise!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.