read.cash Log in
@Rona

kelan dapat bumitaw? (when to let go?)

Minsan may nagtanong sakin.. " Rona iwan ko na ba?" Doon naisip ko, kelan nga ba dapat mag let go sa isang relasyon? kapag ba wala ng feelings sa isat isa? kapag ba isa na lng ang nagmamahal? kapag ba madalas na ang lungkot kesa sa saya? paano na yung mga maiiwan? san na sila magsisimula? paano ba uumpisahan ang break up? sa mga ganito isa lang ang naisip ko.. Walang madaling break up. Mahirap makipag hiwalay sa taong nakasama at minsan mong minahal. Kung gaano kahirap ang bumitaw ganon din kahirap ang mag move on. Kelan dapat bumitaw? kapag mas madami ng luha kesa sa saya. kapag mas mahal mo na siya at nakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo. at higit sa lahat...... Kapag ang mga bagay na nagpapasaya sayo ay nahahadlangan dahil sa isang tao. ano masasabi nyo? -Loveguru☺️

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.