Eto ang hirap eh kapag nagluto kami ng sarili naming ulam.... umaabot ng dalawang araw dahil dalawa lang naman kami ni boss at hindi pa rin masyado nakain ang baby namin dahil mga sabaw lang naman ang gusto nya. Yung inihaw ko na tilapia at yung adobong labong na ulam namin ng tanghali kahapon ay umabot pa hanggang ngayong hapunan. Bukas ay bibili na lang ulit kami ng mga luto na at nakaka umay kapag 2 days na ganon lagi ang ulam. Pero ganon pa man ay laking pasa salamat ko pa rin at may biyaya kaming naihahain sa aming hapag kainan at hindi kami suma sala sa pagkain sa araw araw. Mgandang Gabi mga Kaingay!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Parang ako lang dati. Minsan eh hindi na talaga nakakain. Kaya kapag madami ang nailuto Ko, bibigyan si kapitbahay para maubos.
Relate po ako dito dati, Buti po ngayon inaabot nalang ng gabi minsan yung niluluto ko sa Tanghalian na ulam. O kaya minsan nauubos na siya.