BALIK Balik niyo ako sa taong 90s na september pa lang maiingay na mga kabataan dahil sa darating na kapaskohan. Balik niyo ako sa taong sa halagang 20 pesos kada kilo ng bigas magandang uri na. Kwatro pa lang presyo ng milo, tag 10 pa lang yung tang juice, 5 pesos pa lang yung rc na maliit 14 yung malaki tapos piso dalawa pa presyo ng candy. Balik niyo ako sa panahon na frendster pa lang ang accout na merun ka, kung may facebook ka naman wala ka lang gagawin kundi maglaro ng mga games. Tapos soundtrip ng linkin park, evanescence, hoobastank at limp bizkit. Alam ko iba sa inyo hindi kilala mga yan huhuhaha. Lastly Balik niyo ako sa panahon na masaya at walang problema kang gigising, yung maglalaro ka kaagad sa labas ng hanggang maghapon na yun.Uuwi ka sa bahay na amoy araw ka na hehe. Matutulog ng maaga at gigising ng maaga, kahit walang cellphone kaya mo mabuhay sa mundo haha. Hays kakamiss lang bumalik sa pagkabata...^_^ [Rockgod12]
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
13 comments
mas maganda pa yung 90s less stress kesa ngayon. pero mas pinadali yung mag gawain ngayon search mo lang search engine may sagot na mga tanong mo.Pinadali na yung mga communication globally. good afternoon
kakamiss lang kasi nga kakastress na mga pang yayari ngayon, kaya nakasulat tuloy ako ng ganyan haha.
tama ka naman, medyo maraming ganap sa buhay na bilis lang nag iba yung mundo natin.
Mas masaya noon. Mas masaya noon na ang iniisip ko lang Kung pano ko mapapanalo ang team ko sa 10/20. Manonood ng Princess Sarah at ang TV. Ang baby ko pa nyan.
aba nanonood ka rin pala nun, at nag lalaro ka rin nun haha. mukhang magka year tayo ah haha.
1990 ako, ikaw?
85 ako, laki ng agwat natin huhuhaha
Di naman malaki hahaha, k lang yan
sabagay hehe. wala naman edad sa magkaibigan haha.
Tama ka diyan
Kung pede ngalang ibalik
Hehe kung owede nga lang ibalik kaingay. Good evening po!
Kung maibabalik nga lang :(