Tara Lunch...
@RockGod12 in September 2022
RELAX TiME Ayun sa wakas natapos na din sa lahat ng gawain, grabe nakakapagod tong araw nato. Haha nadamay pa kasi ako sa kasipagan nun isa dito (partner) syempre mas lamang ako ng gawain haha. Tapos bukas ng umaga pamamalengke naman aasikasohin,kaya uminom din ako para makatulog ng maaga. inaantok kasi ako kapag tamang inom lang. Wag yung pakalashing masakit sa ulo yun hehe. Tara tagay guys haha. ^_^
Dessert Ube Jam Kakatapos ko lang maghugas, ngayon pahinga na dito sa taas at medyo hindi maganda pakiramdam ko parang mainit na nasa loob. Pero yun nga hindi pwede magkasakit kaya go lang sa life haha. Tara dessert guys, ube jam yung nilalagay sa taas ng halo halo hehe. #Ubejam [ LP12 ]
SALABAT Yun nga dahil hindi okey ang lalamunan ko, may nagsabi sakin na magsalabat daw ako para guminhawa naman pakiramdam ko. Sana nga umayos grabe din kasi yung ubo ko hanggang ngayon hays huhuhaha. medyo napalamig ko na siya, maligamgam na lang yung init niya kaso antapang nun luya haha hindi ko keri haha. Kelangan pilitin mas masarap to inumin ng maligamgam ei hehe. [LP12]
Pampatulog medyo napagod kasi ako sa araw nato haha. pero bukas naman hayahay na ulit, SANA haha. Kaya naisipan ko uminom muna kahit pagod kasi parang buhay pa rin diwa ko ei,baka dito antokin naman ako, SANA bwahaha. Tara inom guys bwahaha. baka may mga tira kayo diyan wag mahiya haha medyo kulang pulutan ko bwahaha. Goodnight sa mga patulog na. ^_^ #Alak [Rockgod12]
Now Watching PBA Hindi naman na tayo fan ng liga pero excited lang ako makita yung guess team nila kung gaanu kagagaling na napag iiwanan na tayo pag dating sa basketball. At yun nga tambak agad pinoy team natin haha. Go ako sa guess team, maiba naman hehe. Tara nood muna guys hehe #NoodMuna #BayArea [Rockgod12]
TABA NG BABOY Sorry na agad... :) May gumagawa ba sa inyo ng ganyan guys? sakin kasi wala ako magawa huhuhaha. kundi gaganyanin ko talaga haha, andami kasi ng taba nun baboy na pang rekado ko sana, kaya sabi ko na lang ihiwalay niya dahil ganyan na lang naisip ko. may pang gisang mantika na ako haha. Yun nga tao lang tayo natutukso din huhuhaha, unti lang naman kinuha ko haha kita niyo naman sa second pic titikim lang ako huhuhaha. Masarap talaga lalagyan ng suka na may asin…
Now Watching Converge... Habang nanonood ei kailangan may nangunguya tayo hehe. Hays medyo kabado lang sa game, medyo dikit kasi dapat tambakan to ei. hindi ko inaasahan na dikit lang sila hays huhuhaha. May nakakarelate paba sakin dito? may nanonood ba ng basketball haha. Ako kasi nanonood na lang kapag may laban converge ko hehe. tara nood at meryenda na rin guys. Gandang hapon sa lahat. [Rockgod12]
Thanks Noisecash/Noiseapp at sa nag Donate Share ko lang to kasi natuwa talaga ako hehe. Nag cash out kasi ako ng 10$ sa noisecash edi dapat mga nasa atleast max na yung 580 pesos kung 58 na yung dollar. Nagulat ako 600+ ang laman ng bch ko, kung may laman man yun mga nasa daisy something lang hehe. kasi may nagdodonate din naman sa noisecash ng sariling wallet nila, last silip ko hindi pa naman umabot ng 20pesos yun. Ibig ba sabihin may nag donate sakin dito? Siguro sa…
Meryenda Popcorn / Palabok Habang nanonood ng tv kelangan may nangunguya samahan din palabok na kasama sa pinadala kahapon na nga ulam. Dalawang balot kasi yan yung isa nimeryenda na namin kahapon. Masarap siya home made, magaling talaga magluto kapatid ni partner. Tara kain tayo guys na may kasamang papak ng popcorn hehe. Medyo kinakabahan lang ako sa kabila huhuhaha, hindi siya na galaw sana mabagal lang huhuhaha. Maulan na hapon guys,ingat ang lahat ng apektado ng bagyo.
Meryenda Noodles at Rootbeer Parang nag crave ako bigla sa noodles, sakto naman medyo maulan nitong hapon kaya nagluto nako na sinamahan ko ng panulak na softdrinks. Parang ansarap lang humigop ngayon ng noodles hehe. Habang binababad ko pa yung lulutoin ko para sa dinner, kakain mo na ako hehe. Tara meryenda guys. ^_^ #Meryenda [Rockgod12]
Pampatulog Gandang gabi guys, Tamang pam paantok lang tayo, medyo buhay pa kasi diwa ko. sana kapag nakainom ng unti ei antokin na ako haha. Atska mednight snack na din to kung tawagin. Tara sa hindi pa antok diyan, tara na at magpaantok na hehe. Pambabae naman to kaya kaya natin to hehe hindi tayo tatamaan hehe. Oh siya sa antok na goodnight sa inyo hehe. ^_^ [Rockgod12]
Preparing for Dinner Kakatapos ko lang lagyan ng mga pampalasa ang hita ng manok. Mas okey sana kung sa oven ko to lutoin ei kaso nasira oven namin kaya sa air fryer na lang, nag try naman na ako magluto diyan ng ganyan din, okey naman kinalabasan. Kaya never ko na sibukan ulit yung oven. Umusok kasi yun nun last nagamit ko sa takot ko pinatay ko bigla hehe. Simula nun hindi ko na sinubukan ulit gamitin. Sayang yun, dun pa naman kami naglilitson tuwing pasko hays huhuhaha.…
BALIK Balik niyo ako sa taong 90s na september pa lang maiingay na mga kabataan dahil sa darating na kapaskohan. Balik niyo ako sa taong sa halagang 20 pesos kada kilo ng bigas magandang uri na. Kwatro pa lang presyo ng milo, tag 10 pa lang yung tang juice, 5 pesos pa lang yung rc na maliit 14 yung malaki tapos piso dalawa pa presyo ng candy. Balik niyo ako sa panahon na frendster pa lang ang accout na merun ka, kung may facebook ka naman wala ka lang gagawin kundi maglaro…
SAKIT BA'TO???? Naexperience niyo naba to guys? Naimmune na yata sa usok ng sigarilyo pang amoy ko. Panu kasi kapag nasa baba ako ng bahay namin lagi ako nakakaamoy ng usok ng sigarilyo, pag tumitingin naman ako sa labas wala naman tao dun. Pero yung naaamoy ko anlakas parang may nag yoyosi talaga hays. Parang may narinig ako dati sakit daw to, pero hindi ko yun pinansin kasi hindi ko pa naman naeexperience, medyo matagal na kasi yun nun narinig ko yun kaya hindi ko matiyak…