Ang heteronormativity ay isang paniniwala na ang natural na sex ng isang tao ang primary determinant ng sexual orientation. Halimbawa, kung ika’y ipinanganak na lalaki, kahit anong mangyari’y ikaw ay isang lalaki, at sa babae ka lamang dapat magkagusto.
Ang sintomas ng heteronormative upbringing sa mga Pilipino ay madaling makita sa larangan ng kultura. Halimbawa na lamang ay ang mga kantang tulad ng “This Guys In Love With You, Pare” ng Parokya ni Edgar kung saan pinapakita na ang isang bakla ay tuluyang nahulog sa kanyang kaklaseng straight, at ginagawa niya ang lahat ng paraan para lang makasama ang kaklase niyang ito, kahit imposible na maging sila dahil nga heterosexual nga ito’t at di ito mahuhulog sa kapareho nitong kasarian.
DAng isa sa mga mabigat na suliranin ng LGBT community sa bansa ay hindi pa gaanong naituturo sa mga klasrum ang konsepto ng SOGIE o sexual orientation, gender indentity and expression. Ang SOGIE paradigm ay tumutulong sa paghihiwalay ng kasarian, kung kanino naa-attract, at kung ano ang iyong galaw at porma.
Nakasasama ang kondisyon ng heteronormativity sa kawsa ng gender equality at LGBT rights dahil nire-recognize lamang nito ang mga straight na babae at lalaki, at wala nang iba. Inilalabas nito sa naratibo ng ‘pagiging normal’ maging ang mga taong intersexual, dahil iba ang genetics nila sa aktuwal nilang kaisipan, damdamin at pamumuhay.
Kailangan tahasang tuligsain ang ganitong paniniwala dahil iba’t iba tayo ng SOGIE. May babae na kayang ma-attract sa kaparehong kasarian, may lalaki na babae talaga ang kanyang tingin at pakiramdam sa sarili noon pa man, at may mga tao rin na iba ang tintawag na gender identity sa sexual orientation.
Kailangan nating kilalanin at tanggapin ang ganitong mga bagong konsepto, kahit may mga tao sa Pilipinas na taliwas sa paniniwala dahil na rin sa kultura na rin ng bansa. Pero, kailangan nating ipaintindi nang mabuti sa mga tao ang SOGIE para mas lumawak pa ang kanilang pananaw sa konsepto ng gender, identity at sex.