Ang kwentong ito ay isang totoong kwento na nangyari sa pagitan ng isang Gurong Pahinungod Volunteer na naassign sa Mindanao at sa isang myembro ng kanyang assigned community.
Si Guro ay graduate ng BA Broadcast Communication - BA Community Development sa UP Visayas. Sa kagustuhang maisabuhay ang mga salitang "Mula sa Masa, Tungo sa Masa", siya ay boluntaryong sumali sa Gurong Pahinungod Program na siyang flagship program ng Ugnayan ng Pahinungod. Ito ang tanging volunteering program ng unibersidad na nakapagpadala ng mga UP graduates sa Itbayat , Batanes hanggang Jolo, Sulu.
Si Guro ay naasign sa isang malayong lugar sa Mindanao kung saan kulang ang mga guro sa public high school. Tungkulin nya magturo sa loob ng isang taon sa mga estudyante na minsan ay may iilan na mas matanda pa kaysa sa kanya.
Bilang isang baguhan sa lugar na iyon, hindi siya pamilyar sa kagawian ng kumunidad mula sa relihilyon, kultura, at sa lengwahe ng mga tao. Kainailangan nya ang sapat na panahon at pagsisikap para matutunan ang pamumuhay at matanggap siya ng mga taong nasasalamuha nya doon.
Sa paglipas ng mga araw at buwan, nakilala nya si "Love". Ayon sa kanilang mga kapwa GP, si "Love" ay nakatatandang kapatid ng isa sa kanyang mga estudyante.
Si Guro at si "Love" ay nagkakilanlan, naging magkaibigan, hanggang sa nagkaligawan, nagkaigihan, at humantong sa nagka developan.
Subalit, si Guro ay may GP Ground Rule No. 4 na nagsasabing "Bawal makipag intimate relationship sa kapwa Gurong Pahinungod o sa mga tao sa iyong assigned community while you are having your stint. Otherwise, mapupull-out ka sa Gurong Pahinungod Program."
Ganoon pa man, hindi ito naging hadlang. Ika nga, the heart knows what it wants kaya itong si Gurong Pahinungod ay kinausap si "Love".
Nang dumating na ang araw na natapos na ni Guro ang kanyang volunteering commitment, binalikan niya si "Love " na matyagang naghintay sa kanyang pagbabalik. At doon sila nagsimula sa pagbuo ng kanilang "Till death do us part".
Sabi nga ng kanta ni Rihanna, "I found love in a hopeless place". Tulad ng kwento ni Gurong Pahinungod at ni "Love" na nagsimula sa simpleng adhikain na magserbisyo sa inang bayan, maraming GP Volunteers ang nakahanap hindi lang ng kanilang sarili kundi pati na ng kanilang pag-ibig habang isinasabuhay ang pagiging Pahinungod.
Wow. Inspiring story po. Una sa lahat gusto ko yung ginawa ng guro na ng vovolunteer po. Malaking tulong po ito sa bayan. Saludo po!