Isang Linggong Pag-ibig

0 7

Itago niyo po ako sa pangalang Eris ako po ay 20 yrs old na ngayon.Mahilig po akong manuod ng mga kdrama marami din akong mga crush na mga kpop ganyan ako kabaliw sa mga korean.Back on 2019 may kaklase akong napakapasaway siguro sya na talaga ang sobrang pasaway sa room namin.

palagi syang napapagalitan.Sa room namin siguro masasabi ko na ako lang yong feeling mabait dun pero mabait naman talaga ako pag tulog😂. Pag walang klase nanunuod lang ako ng mga kdrama at minsan nagbabasa din ng mga web comics. Kasi yun lang talaga mga hilig ko at dun lang ako nakakaramdam ng saya at syempre kilig din😂.

And about love naman di ako ni minsan nagkaka interesado kahit nga mga pinsan ko o mga kaibigan ko pag nag kukwento parang naboboring ako minsan pag broken sila tinatawanan ko pa. Sinasabihan nalang nila akong sige tawa ka pa pag ikaw mainlab at mabroken wag iiyak ah.Yan yung palagi nilang sinasabi sa akin.

Lumipas ang ilang buwan at may nagchat sakin na ayon manligaw daw pero yung kinaiinis eh yun pang sobrang pasaway na kaklase itatago nalang natin sya sa pangalang mike.At siguro isang buwan din syang nag chat sakin kasi sa chat lang kami nakakapag usap di ko alam torpe sya eh di nya masabi sabi sa akin sa personal so ayon dedma lang ako palagi kasi di talaga ako interesado sa mga love na yan panay kdrama lang ako😂.

At di ko inaasahan na pati sa mga kaklase ko alam na nila yung lahat na nagchat kami ganun at nanligaw sya sakin.Araw araw may maririnig akong ayieee ng ayieee yung mga kupal kung kaklase. At imbes na komportable ako sa tuwing papasok sa school eh naging awkward na lalo na't pagdating sa kanya saka di ko alam na nag bablush na din ako😂.

At lumipas ng ilang linggo nalang na malapit na graduation namin eh ayon na bumigay na ako at naging kami na so ayun lumande na ako ng Todo😂saka nawalan na ako ng ganang manuod ng kadrama at sa kanya nalang ako kinikilig ng bongga ang lande ko talaga 😂. HAHAHA pero nag break din kami agad isang linggo lang kami na naging kami😂.

At dun ko narealized na sana nanuod nalang ako ng kdrama tuloy pa yung kilig saka sana di na ako lumande sayang lang yung buong linggong di ako nakapanuod ng kdarama😂. So sa ngayon po naging masayahin naman ako sa mga pag papantasya ko sa mga crush ko na kahit kailan di magkakatotoo☹️.

At siguro di naman masama kung mangarap saka ginagawa ko nalang silang inspirasyon para mas gaganahan ako sa mga lahat ng bagay na gusto kung gawin. At sayo Mike kung saan ka man ngayon thank you talaga sa isang linggong yun 😂 HAHAHAA so sa mga kdrama fans dyan hi sa inyo😊

Alam ko parang walang kwenta tong mga kwentong pag ibig ko na to. Saka pasensya na sa mga mali maling Tagalog nahirapan talaga ako kay dakong bisaya man gud ni pagpasensyahan nyo na and thank you sa pagbabasa😊

1
$ 0.00

Comments

Diri sa Filipino Original content pwede ang bisaya, bicol or english. Pero mas okay din tagalog para maraming makabasa and makaintindi. Ok lng kahit nasayang ung 1 week mo. Atleast naging inspirasyon mo yun sa article na ito. 😍

$ 0.00
4 years ago