read.cash Log in
R@Riziel19 more from that month

Daan tungo sa matiwasay na lipunan

Isang mabisang sangkap ng matiwasay na lipunan ang pagkaroon ng kapayapaan at kaayusan. Nagkakaisang kilos, boses o galaw na makakamit lamang kung mabibigyang pansin ang saloobin at nararamdaman ng bawat kabataan. Naniniwala akong ang mga kabataang gaya ko ay may malikhaing ideya na maaring magbigay solusyon sa mga problema sa lipunan-lalo na kung ito ay tumutukoy sa mga pangangailangan, kaya dapat lamang na bawat mamamayan ay matutong gampanan ang kani-kanilang katungkulan at bigyang-halaga ang bawat kilos at galaw ng mga kabataan, dahil sa ganitong paraan makakamit natin ang kapayapaan at maunlad na bayang inaasam.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.