Ang pinapanood mo ang isa sa mga sumisira sa kaluluwa mo

0 15
Avatar for Rico.12
3 years ago

LAGI KA BANG SUNOD SA USO, at ayaw mong napag iiwanan? Kapag may trending, nakakatuwa, nakaka aliw, nakaka kilig, nakakatakot KAILANGAN ba talagang malaman mo agad? Magmumuka ka bang katawa tawa kapag hindi mo pinanuod ang pinapanuod ng karamihan? Kahit di mo alam kinakain kana ng systema.

kaibigan pakinggan mo ito....

"ANG PINAPANUOD MO ANG ISA SA MGA SUMISIRA SA KALULUWA MO"

Marami sa papulasyon natin ngayon lalo na mga kabataan, kahit matatanda, ay mahabang oras ang ginugugol sa cellphone nila sa youtube at sa facebook, at minsan sa online games. Dalawa or tatlong oras ang binababad sa pag gamit ng cellphone, na parang bahagi na nang buhay ang kanyang gadget. Marahil sa iba, dito ang kanilang kabuhayan nakasalalay at ang iba naman ay ang kanilang pag aaral. Ngunit pansinan natin ito, "KARAMIHAN NG IMPLUWENSYA NATIN SA BUHAY AY DAHIL SA PANANANUOD NATIN"

Karamihan sa mga sinasabi natin ay dahil sa napapanuod natin. Marami sa mga biro at bahagi ng paguusap natin sa pang araw araw ay dahil mga nakikita natin sa social media. Hindi din natin napapansin na dahil sa mga nalaman natin sa ating mga nabasa at napanuod ay nagiging bahagi na pala na decision making natin.

So, it is safe to say na nagiging part ng subconscious mind ng tao ang mga bagay na MADALAS NIYANG PINA PANUOD.

At tandaan...

"ang CHANNEL papunta sa iyong ISIP ay ang iyong mga MATA" Kaya kung saan mo madalas IBINABABAD ang iyong atensyon ay nagiging bahagi ng iyong pagkatao.

E ano nga ba ang madalas mong pinapanuod?

πŸ€” 30 minutes to 1 hour ka bang nanunuod ng mga Korean Novela?

πŸ€” Halos dalawang oras ka bang nanunuod ng Anime Series na linggo linggo mong inaantabayanan?

πŸ€” Umaabot ba sa isang oras sa panunuod mo ng mga trending videos (Tulfo in Action, KMJS, vlogs, video ni Yorme etc)?

πŸ€” O baka naman nanunuod ka ng bastos na palabas kapag walang nakakita sa iyo?

Tapos, ano naman nangyayari sa iyo? Naispire ka? Kinilig ka? Naging fulfilled ka kasi nagawa mo yung hinahanap hanap ng appetite ng mata mo?

Ano bang nabago sa iyo noong binabad mo ang sarili mo sa entertainment? Suriin natin ang ating sarili. Isipin nga natin ito...

‼️ Hindi mo napapansin, naipapasa na sa iyo yung paniniwala ng pinapanuod mo. Yung kinaiinisan niya, kinaiinisan mo na din, at mas dumami tuloy yung kinagagalitan mo sa mundo. Ang tanong naging productive ka ba dahil sa pinanuod mo?

‼️Hindi mo namamalayan na ganoon pa din naman yung ugali mo. mainitin pa din ulo mo at reklamador ka pa din. Ni walang value naman kasi yung pinapanuod mo, puro mga dance steps lang. Tapos naglalaway ka pa habang pinapanuod mo sila.

‼️Nauubos lamang oras mo sa mga bagay na hindi naman nakakapag develop ng character mo. Yung kahalayan mo noong highschool ka, hanggang ngayong matanda ka na ginagawa mo pa din. Kasi binababad mo sarili mo sa mga bagay na hinahanap ng mata mo.

Sabi ng isang business coach, "Kapag ang isang tao ay nagbababad sa entertainment, they we're being entertained. And if they are being entertained, their minds are not bending, dahil kapag na e entertain ka nga naman, kung ano yung thoughts or idea ng pinapanuod mo e yung lang ang sinasalo mo. Hindi na tuloy gumagana ang creativity mo at nakakaisip ka ng idea"

Well said. Bakit? You are not forced to think properly nor to meditate important priorities in life kasi you we're being entertained nga.

Lalong lalo na sa mga Christians, kaya patay ang spiritual life kasi may mga bagay na inilalagay sa mga mata nila na hindi naman ganoon kahalaga. Pinapakain yung isip nila ng nga junk sa kaluluwa (babad s Online games, KPOP at trending videos) imbis na manalangin at magbasa ng Biblia. You are not aware na natatangay ka na at hinahanap mo na ang bagay na inihahain mong madalas sa mata mo.

Narito ang prinsipyo ng Biblia patungkol sa mga pinapapasok natin sa mata natin

πŸ“– 1 Thessalonians 5:22 LAYUAN ninyo ang bawa't ANYO ng masama.

πŸ‘‰ Hindi ibigsabihin na maganda, nakaka kilig e palagay mo tama na sa iyong paningin. Remember, satan can sugar-coat his poisonous recipes

πŸ“– Romans 1:32 Who knowing the judgment of God, that they which commit such things are worthy of death, not only do the same, but have PLEASURE IN THEM THAT DO THEM.

πŸ‘‰ Yung gumagawa daw ng mali ay karapatdapat tumanggap ng parusa, at kabilang din dito yung mga nag e enjoy sa panunuod ng mali nilang ginagawa

πŸ“– Isaiah 33:15-16

Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, AT IPINIPIKIT ANG KANIYANG MGA MATA SA PAGTINGIN SA KASAMAAN;

SIYA'Y TATAHAN SA MATAAS, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.

πŸ‘‰ Ang makakatahan lamang pangako ng Panginoon ay yung umiiwas sa mga bagay na makamundo

πŸ“– Psalms 97:10

[10]Ye that love the LORD, hate evil: he preserveth the souls of his saints; he delivereth them out of the hand of the wicked.

πŸ‘‰ Kung mahal mo ang Panginoon at mahal mo naman ang makasanlibutang bagay, hindi kaya sinasaktan mo siya?

PAGTATAPOS

Facebook friends, HUWAG MONG PAKAININ NG LASON ANG KALULUWA MO sa pamamagitan ng mga palabas na pinapanuod mo. Choose Jesus. choose to be holy. Obey Acts 2:38 and live His Word.

#SoulWinningMatters

0
$ 0.00
Avatar for Rico.12
3 years ago

Comments