read.cash Log in
@RickzAgripa

@RickzAgripa in August 2021

@RickzAgripa

Magandang gabi po sainyo mga kaibigan at kashare.. Kain na tayo .. ito ang ulam namin hindi ko alam kong anung pangalan ng luto na ganito , hayaan na natin bast maluto at may ulam .. hahaha Basta Pritong isda at saka niluto sa gata .. may lagay na kamatis at sili ..

@RickzAgripa

Bagumbong(Alpinia Elegans) Sa bundok madaming pweding kainin tulad nito, ang tawag sa amin nyan ay "Tagbak". . Akala ko kasi hinog na kaya kinuha ko , hilaw pa pala.. hihi Ang hinog nyan nagkukulay itim po ang laman .. parang bayabas lang din itsura kasi mabuto Sainyo kinakain rin po ba yan? .. Pero wag nyo na lang tingnan ng mabuti Kasi makikita nyo yung kamay ko madumi .. 😂

@RickzAgripa

Ito ang ulam na hindi pwedi sa mga mahihinang nilalang .. Lumpya na siling buo ang laman .. may halo din na kaunting karne .. Ang tawag namin dyan ay " Dynamite" kasi parang sumasabog sa bibig ang anghang .. Nakakasakit din sa tiyan kapag nasobrahan .. Magandang gabi sainyong lahat Kain na po tayo ..

@RickzAgripa

Ikaw ba ay nag-iLBM ? Pwes wag kanang mamuroblema pa kasi may mas madali ng lunas at dimu na kailangang bumili pa.. Lumunok ka lang ng buto ng santol tiyak di kana magda-diarrhea pa .. Kaso mayron na namang problema mahihirapan kanang magbawas .. hahaha Subukan nyo ng malaman nyo , pero walang sisihan .. 🤣😂 Magandang hapon po Sainyo ..

@RickzAgripa

Adobong Adidas .. Ayan po nakaluto na ako , pwedi ng kumain kahit medjo maaga pa.. Hindi nito kumakain si fiancee ko, buti nga yun para makapagdiet na sya.. haha Ang arte kasi nandidiri daw sya ..nilinisan ko naman ng mabuti .. Pero alam ko hindi naman makakatiis , kakain din sya kasi ako ang nagluto .. 😂

@RickzAgripa

Magandang hapon po .. Kumusta kayo ? Tara meryenda tayo .. may sinaing na mais pagdating ko sa bahay , pwedi rin siguro ito samahan ng kape .. Kakauwi ko lang sa amin , galing kasi ako sa bahay ng fiancee ko .. binisita ko kasi namimis nya daw ako.. hahaha

@RickzAgripa

Hello po sainyo .. Tara kain tayo . . Kakauwi ko lang galing trabaho at hindi kasi ako nakapag-almusal kanina.. Ito ang ulam namin gulay na saging na saba , yung alimango buhay pa ata gusto lumabas sa lalagyan , hehe .. Alam ko na bago ito sainyo na ganitong luto .. pero nagpost na ako nito dati , iba nga lang yung halo nun.

@RickzAgripa

Malapit na naman magabi kaya kailangan ng maghanda ng lulutuin.. Pero heto ang pinakaayaw kong gawin yung maghimay ng malunggay .. Kaya naman kapag ako ang gumawa kasama ang ibang maliliit na tangkay .. hahaha Hindi kasi ito makakamatay at kapag naluto na hindi na yun mahahalata .. Pero yung iba nakikita ko inaalisan talaga ng mabuti..

@RickzAgripa

Magandang Umaga sainyo mga kaibigan Tara Almusal po na po tayo .. At dahil ngayon ay araw ng Byernes Ang ulam ko ay FrieDay-Lis .. 😅 Pritong toyo na dilis, lalagyan ko ng kalamasi, sili at kamatis .. Hindi ako sanay kumain ng maaga, kaya lang may pasok ako sa trabaho.Nakakagutom kasi kapag hindi nag-almusal ...

@RickzAgripa

Daming ulam namin ngayon .. May gulay kaming lubi-libi (wild cabbage) nakukuha ito sa bundok ,tumutubo kahit saan , kaya hindi na kailangang bilhin at makakatipid na. At syembre mayron din kami na sinigang na karneng baboy , sabado kasi ngayon bagong sahod .. hehe Kaya tara na kain na po tayo mga kaibigan, habang mainit pa ang pagkain ..😁

@RickzAgripa

Ito ang ulam na malakas makapagpahighblood , kapag palagi nalang .. 😂 Pero kung paminsan minsan lang masarap din ipang-ulam .. Galing kasi ako sa trabaho, pagdating ko sa bahay wala pang niluto. Yung mga kasama ko dito lahat kasi sila busy ngayon .. kaya nagprito nalang akong tuyo kasi ito yung madaling lutoin .. at saka gutom na ako haha Magandang tanghali sainyo .. Kain na din po kayo ..

@RickzAgripa

Gabi na naman kailangan ng magluto , pwede na siguro ito igisa at lagyan ng itlog.. Binabad muna kasi yan sa tubig na may asin para mawala yung pait .. Alam nyo ba dati hindi ako kumakain ng ampalaya ang pait kasi ng lasa .. pero dahil mahirap ang buhay at no choice na, kumain nalang ako .. hahaha Narealize ko na okay na okay pala ang ampalaya, mapait lang sya pero masustansya.. Madami kang health benefits na makukuha at pangkontra anemia pa ..

@RickzAgripa

Magandang gabi sainyo .. Kumain na po ba kayo? Tara kain na ito ang ulam namin ngayon , menudo na karneng manok . Tsamba tsamba lang na luto .. 😂 May halo yan na unod ng linsa o gabi .. pasensya na kayo di ko talaga alam kung pano yan itatagalog .. haha Pero tuwang tuwa na naman yung aming alaga na aso kasi ang paborito nya ay chicken.. Minsang nga pritong itlog lang yung ulam namin pero sya binibilihan pa ng chicken .. 😄

@RickzAgripa

Ito yung nakakainis kapag pumupunta ako sa bundok , nakakatamad magtanggal nito kumakapit kasi sa short kapag naglalakad sa damuhan . Kung hindi naman maalis makati sa balat .. Ang tawag nyan dito sa bikol "Amorsiko".. pero hindi ako kumbisido sa tawag sa damo na ito .. kung ako ang tatanungin dapat iba ang tawag dito.. kasi mababa lang sya , hindi naman umaabot hanggang siko.. hanggang tuhod lang .. kaya ang dapat na tawag dito "AMORTUHOD".. 😂😝hahaha

@RickzAgripa

Baluko( Pen Shell ) Ngayon lang naman ulit kami nakapagluto ng ganito , nakakatakot din kasi kumain nito kapag may red tide.. Isang uri din ito ng seafoods dito sa Sorsosogon.. Yung iba ayaw nito kumakain kasi nahihilo daw sila .. Pero isa din ito sa paborito ito kung ulam , at ganitong luto ang ginagawa namin .. At pwedi naman na prito ang luto nyan, lagyan ng harina o kaya naman crispy fry .. Kaya tara na po kain na tayo .. Magandang gabi sainyo .. 😊

@RickzAgripa

Magandang hapon po sainyo .. Anu meryendahan natin dyan ? Mayron kasi kami na hinog na saging, Ito ay galing sa tanim namin .. Ang tawag dito saba, pero dito sa bikol tinatawag ito" Kalibu " Naisip ko lang ipost kasi nag iisip pa ako kung anu ang pwedi gawin dito .. Kung gagawin ba na Turon, Sinapot , Banana que o isaing nalang ..hahaha Madami din kasi pwedi gawin dito, pwedi rin naman kasi ipanghalo sa nilaga, o kaya naman sa tahada..

@RickzAgripa

Mayron akong kwento,may napag usapan kasi kami ng fiancee ko . Sabi nya kapag may pera daw kami, maganda mag-invest o bumili ng lupa. Kasi habang tumatagal nagmamahal ang presyo .. Kaya naman ang gagawin ko, mag iipon ako ng lupa.. Kaya nga lang nakalagay sa paso. Pero mukhang madami-dami rin ang kakailanganin kung paso ..🤭😂 Anu sa tingin nyo guys? Ito na ba ang magpapayaman sa amin? .. Magandang Umaga .. 🌞

@RickzAgripa

Magandang hapon mga kaibigan.. Ang aming meryenda ngayon ay simple lang, Balingoy(Cassava). Ito ang pagkain ng mahihirap lang, pero masarap kapag may kasama din na sawsawan. Ang tawag sa amin nyan"Luto-Luto" .. Kaya tara na po meryenda na tayo, Pero alam ko mayron din naman na hindi kumakain nito.. hehe Minsan ang ginagawa namin na pagluto ng cassava , ang pagsaing Gata ang inilalagay .. Tinatawag naman yun "Pinakro" .. At kung alam nyo din yung tinatawag na "Linupak"..…

@RickzAgripa

Magandang tanghali sainyo Tara na po kain na tayo ..😋 Ito ang ulam namin ngayon, gulay na papaya with alimango.. pero sa akin gulay lang kasi mahina ako sa alimango.. kapag kumakain kasi ako nyan sumasakit ang ulo ko .. pero hindi naman ako highblood di ko alam kung bakit .. hehe

@RickzAgripa

Tanghali na naman kailangan na maghanda ng kakainin at pang ulam mamaya. Pero tipid tipid muna sa ngayon, gulay lang na talbos ng kamote ang gagawin ko na pang ulam. . Pwedi ito igisa lang o pwedi ring lagyan ng gata .. Pero hindi ito basta basta kasi maganda sya para sa may anemia .. cguro dahil kapag naluto na sya nagaging kulay dugo, Yun siguro ang nakakadagdag ..hehe