To The Person Who Broke My Heart

0 6

Naranasan mo na bang mahalin at magmahal ng buong buo? Kung oo, syempre narasan mo na din masaktan ng todo todo. At ang pinakamasaklap kapag umabot na kayo sa huling hantungan ng inyong samahan ang kinatatakutan ng lahat ng nagmamahal ang salitang "hiwalayan". Worst scenario, yung naghiwalay kayo dahil iniwan ka nya, dahil napagod na sya at sumuko na. Ang liham na ito ay para sa mga taong kumapit at umasa sa panghabambuhay na relasyon at sa mga taong napagod ng magmahal at sumuko na ng pansamantagal.

This is for the person who treated me a trash and throw me like a mess.

Unang una, HINDI MO AKO MAHAL. Pangalawa, wag mong paniwalaan ang sarili mo na binigay mo na lahat at may karapatan kang MAPAGOD. Dahil WALA, wala kang karapatan. Kasi lahat ng sinasabi mong binigay mo lahat. Lahat yun puro salita. Lahat yung puro pangako, lahat yon puro patutsada mo na masabi mo lang na Mahal mo ko. Limang taon, 5 taon na puro pagsubok na kinaya naten lahat ng magkasama. Limang taon na puno ng ups and downs na samahan na pinilit nateng buuin ng magkasama kasi naniniwala tayo na kapag Mahal mo ilalaban mo. Kapag Mahal mo di mo isusuko, di ka iisip ng kahit anong rason para mapagod, para sumuko. Pero wala e, napagod ka. Sumuko ka at iniwan mo ko. Ni wala pa nga tayo sa first step e, alam mo ba na yung limang taon simula pa lang yun. Kasi yung unang hakbang ay yung makagraduate tayo ng magkasama.

Pangalawa, yung sabay naten maachieve yung fist job naten, yung magwork tayo together kasi tagal din nateng LDR e di naman tayo magkabarangay din din naman tayo magkaklase simula nung una. We just met by faith and I thought that that was destiny and yes it was, ito yung destined to meet each other but not destined to grow together.

Pangatlo, yung pag may stable na work na tayo uumpisahan na naten yung ang dami daming pinangarap na negosyo. Haha ang dami pang pinangarap iiwan din pala.

Pang-apat, yung parehong makatulong sa pamilya at the same time makaipon na din for ourselves, for our future. Kasi diba ganon naman talaga pag Mahal mo madami kang pangarap na bubuin kasama siya. Madami kang artwork na lilikhain na siya yung feature. Pero oo artwork, kasi drawing lang pala yun, imahinasyon na di na pala matutupad. Kasi yung taong nandun sa drawing na yun sinukuan ka at iniwan. Ang mas masakit iniwan ka kasi NAPAGOD NA DAW SIYA.

And Finally, ito na yun e, ito na yung pinakamasyang step sana na PINANGAKO nateng dalawa. Kapag stable na yung business, kapag madami na tayong ipon. Unahin naten yung bahay kasi kasi finally we can be together, we can live together, we can finally work and achieve together. Unahin naten yung bahay bago ang kasal kasi alam naman naten na wala ng atrasan to e. Na todo na to. This is it i finally found MY THE ONE. Pero nasan nasan na yung the one. Nasan na yung finally.

Hindi na tayo umabot sa FINALLY kasi yung relasyon naten naging FINAL. You broke up with me in through phone. You don't even make a call. You said it was over because you're too tired. You said you want to move on from everything, from us.

Ngayon nasan yung araw araw at gabi gabing I LOVE YOU MAHAL NA MAHAL KITA. Capslock pa yan kasi sabi mo ganyan mo talaga ako kamahal. At ang tanga tanga ko kasi masyado akong naniwala sa mga salita sa kilos mong masyadong mapagbalatkayo na kala mo totoo ang dali palang kumupas. Yung mga salita mong HINDI KO KAYANG MAWALA KA pero ikaw pala yung unang nawala. HINDI KO KAYANG MAGMAHAL PA NG IBA pero ikaw pala yung unang magssabi na kapag nakahanap na ko ng iba o may nakilala na kong iba wala na kong pakialam kahit masaktan ka.

Ang galing mo. Ang galing mong MAGPANGGAP. Oo hindi ako sweet na tao, hindi ako yung clingy na girlfriend, hindi ako yung panay sabi ng I Love You. Kasi hindi ako ganon kasi gusto ko. Mapapatunayan ko sayo gusto ko di lang ako puro salita. Gusto ko di lang ako puro pangako. Di ako paasa di ako pafall kasi ako yung babaeng may paninindigan. Kasi sa dinamidami ng rason para iwan kita. Pilit kong hinanap yung rason para patuloy at patuloy na MAHALIN KA.

Oo Jeric naging mahina ako, oo jeric nagkulang ako sa oras. Kasi sinabi ko naman sayo diba. Nanghhina na ko, nahihirapan na ko. Kasi pagod na pagod na ko sa buhay ko. Kasi broken kami, iniwan kami ni mama 3 yrs ago. Ako yung panganay at ako yung dapat matatag. Pero akala ko nakamove on na ko from all. Pero di pala kasi it was all hurting me, it was all breaking me up. Ang gulo dito sa bahay ang kukulit ng mga kapatid ko, palaging away ang ingay puro kulitan, e Accountancy student ako graduating.Ni hindi na ko makafocus konti na lang magko COMPREHENSIVE EXAM na kami. Pero ito. INIWAN MO. Ang dahilan mo NAPAGOD KA.

Sana kung Mahal mo ko talaga NAGDASAL KA MUNA. Na Lord please sana tanggalin mo yung pagod. Sana tanggalin mo naman yung sakit. Sana bigyan mo pa ko ng lakas kasi MAHAL KO talaga yung taong to e. Di ko sya kayang mawala. Lord, please po gabayan mo kami. Sana man lang inisip mo na bago mo ko iwan inisip mo yung dahilan kung bakit to ganito bakit to palaging nakkipagaway bakit sya mainitin ang ulo. Anong meron sana kung Mahal mo talaga ako. Nagisip ka man lang ng paraan kung paano. Paano ko kaya mapapasaya to. Paano ko kaya aayusin tong tao na to. Malapit na yung graduation nito pero di na sya makafocus. But, I'm wrong you don't. You left me.

Iniwan mo ko sa gitna ng laban. Iniwan mo ko sa ere. Iniwan mo ko sa kabila ng tapang ng loob at lakas na iniipon ko magawa ko lang na balang araw ipaglaban kita sa buong pamilya ko. Kasi di tayo legal. May family issues tayo at nasaktan nyo yung Papa ko. And yet, i chose you over my Papa. And yet, i lied to him just to prove you. I love you and now you left me and told me that I don't deserve the love that you gave me.

Mali ka. You don't deserve me. I don't deserve to be treated like this. Kasi ako inilaban kita. Di kita sinukuan kahit sa napakakumplikadong sitwasyon. In fact, i fight for you and stay even in the worst part of your life. Nung mga panahon walang naniniwala sayo na kaya mong magtapos kaya mong magtagumpay at pakiramdam mo magisa ka. I stayed at mas pinaramdam ko sayo na Mahal kita nung panahong hinang hina at walang wala ka na. And now I'm right kaya mo kaya mong maging matatag. Kaya mong magtagumpay. Kaya mong mangarap at magpursigi. Pero ngayong malakas at matapang ka na. Ngayon ako naman yung mahina. Nasan ka. Nasan ka para maging malakas para saken. Nasan ka. Wala kasi HINDI MO AKO MAHAL. IT WAS ALL A LIE.

I HOPE I'LL GET THROUGH THIS. I HOPE I'LL BE STRONGER. I WISH I COULD LET GO AND MOVE ON JUST AS YOU DID. I WISH THAT LOVE THAT LIES ON ME FADES IN ME. SANA MAKALIMUTAN KO NA LAHAT. DAHIL GANON KADALI LANG SAYO.

ps. Ex-girlfriend.

1
$ 0.00

Comments