Mga gulay at halaman na pwedeng maging unang lunas

7 77
Avatar for Rhoan
Written by
3 years ago

KINTSAY

Ang kintsay ay mas kilala sa ating bansa bilang bagay na pampalasa sa shanghai at pansit kaysa panlunas.Ito ay isa sa mga pinakamayaman sa organic soduim,calcium,iron,phosphorous,magnesium,insulin, vitamin A,B,C.

Malaki ang naitutulong ng kintsay hindi lamang sa pagpapagaling kundi sa paghahadlang na rin ng artritis, dahil sa taglay nitong soduim. Napatunayan din na ang sariwang katas ng kintsay o salad nito ay lubhang nakakatulong kung may pamamanas(dropsy) at panlulupaypay (nervous debility).

Ang katas ng hilaw o di lutong kintsay ay nakakapagpapalamig (refrigerant) ng katawan.Samakatuwid ang pag inom ng maraming katas nang kintsay ay makakatulong sa panahon ng tag-init.

Ang kintsay ay kinakain ding madalas bilang salad kung may rayuma,neuralgia at anorexia (walang ganang kumain). Ang katas nito ay iniinom kung mataba,nangangasim (hyper acidity) at kung may iba pang karamdaman sanhi ng kakulangan ng soduim sa katawan.Isang baso ng katas ng kintsay ang ipainom kung hindi makatulog(insomnia) at upang kalamayin ang pagkalasing (drunkenness).

Ang mga buto ng halaman nang kintsay ay pinakukuluan (decoction) at ipinaiinom kung mga bronkitis,hika(asthma),sinok (hiccup),pati na mga karamdaman sa atay at pali(spleen). Para sa lahat ng pagkakataon, gamitin palagi ang normal na dosis.Inumin din ang pinakuluang mga buto upang malunasan ang lagnat na may kasamang ubo, nagbabarang ilong at pagsusuka.

Buto ng Kintsay

Ang katas ng kintsay ay matapang na gamot. Mainam na haluan ito ng kaunting tubig, o inuming kasabay ng ilan pang katas ng gulay, katulad ng carrot at cucumber.Kung nais uminom ng purong katas ng kintsay, uminom lamang ng hindi lalagpas sa isang kutsara nito sa isang araw.

Marami pa po tayong gulay at mga halamn na pwedeng pang unang lunas may susunod pa po ako na isusulat sana po may natutunan po kayo sa aking nasulat marami pong salamat

16
$ 0.10
$ 0.10 from @immaryandmerry
Avatar for Rhoan
Written by
3 years ago

Comments

I didn't know na gamot pala ang celery! This is very informative. Pero feeling ko diko kaya inumin kasi amoy palang ng celery nababahuan ko na haha

$ 0.00
3 years ago

Sana next naman gulay na pang papayat 😂😂

$ 0.00
3 years ago

napakagaling ng mensahe ng iyong kwento!

$ 0.00
3 years ago

Another information na makakatulong sa amin..Maraming salamat

$ 0.00
3 years ago

Maganda to meron din kaming matutunan sa mga ganyan bagay lalo na't itoy nakakatulong satin❤️

$ 0.00
3 years ago

salamat po

$ 0.00
3 years ago

magandang content sanay lumago pa at madami kapang maisulat

$ 0.00
3 years ago