Igalang ang mga nakatatanda

1 74
Avatar for Rhoan
Written by
3 years ago

Sa panahon ngayon ang mga bata puro cellphone,laptop,computer ang hawak karamihan nakakalimutan na ang mga tamang pag galang sa nakakatanda natin di naman sa tutol ako sa pag gamit nang gudgets ang sakin lang gusto ko din matutunan nila kung pano ang proper na pagbibigay galang sa nakakatanda natin tulad nang pag sabi nang PO at OPO

Ang mga Pilipino ay gumagamit ng wikang “Po” at “Opo” na sumisimbolo ng ating pag galang sa mga nakakatanda sa atin. Ang salitang “Kuya” at “Ate” rin ay pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatandang kapatid, at ang pagamit ng “Manong” at “Manang” ay pagpapakita ng paggalang sa matandang di kaano-ano.

Konti nalang din ang nakikita kong nag mamano sa mga nakakatanda natin di kagaya dati pag nakita mo lolo at lola mo magmamano ka.Pero ngayon ibis na mag mano hawak nalang cellphone naglalaro,nanonood.

Ang pagmamano ay isang paraan ng paggalang sa nakatatanda. Isa itong tradisyong ginagawa ng mga Pilipino. Ginagawa ito sa pamamaraan ng pagkuha ng kamay ng kung sino mang nakatatanda na siyang ididikit sa noo tuwing may pagsasamasama ng tao na mayroong mga nakatatanda. Nagmula ito sa ating mga ninuno na siyang tinuturo’t sinasanay sa mga bata o mula sa ating pagkabata.

Ang pagsunod o iuutos nang nakakatanda sayo dati pag kami tinawag lalapit agad kami para sudin ang ipapagawa.Ano po ipaguutos nyo,opo gagawin ko po.Ayan ang mga katagang sinasbi namin sa tuwing kami ay inuutusan.Pero ngayon ang mga kabataan pahirapan na utusan.

Uutusan sasabihin(saglit lang naglalaro pa ko)(saglit lang nanonood pa ko) hayzzz kabataan nga naman ngayon sana maituro din sa mga kabataan ngaun kung pano gumalang nang nakakatanda.Sana di malimutan ng mga Batang Pinoy ang ating kultura sa pag galang ng nakakatanda sana sa susunod na henerasyon maipasa pa ang mga ating tradisyon sa pag galang sa ating nakakatanda.

Sana po magustuhan nyo ang simple ko pong article.Salamat Godbless Pinoys

12
$ 0.30
$ 0.30 from @Lawe
Avatar for Rhoan
Written by
3 years ago

Comments

Yeah marami na ndi ginagawa ang pang mamano pero punta ka noise dami doon nag hingi ng blessed

$ 0.00
3 years ago