Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
11 palapag
Tinanong kung okay lang ako
Sabay abot ng baso, may naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako, biglang ayoko na?
At ngayon, 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
Lumiwanag ang buwan
San Juan, 'di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang sa 'king lalamunan
Ewan mo at ewan natin, sino'ng may pakana?
At bakit ba tumilapon ang gintong alak diyan sa paligid mo?
At ngayon, 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo? Oh
Umiyak ang umaga
Ano'ng sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa gintong salamin?
'Di ko na mabasa 'pagkat mayro'ng nagbura
Ewan mo at ewan natin, sino'ng nagpakana?
At bakit ba tumilapon ang spoliarium diyan sa paligid mo? Hoh-hoh
At ngayon, 'di pa rin alam kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
Pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?
Ang pag-ikot ng mundo, ang pag-ikot ng mundo