Anak, ilan ba dapat?
Masaya nga naman ang marami kayong mgakakapatid, magulo, maingay, makukulit. Ang mga anak ay biyaya ng mya kapal, biyaya sa pamilya, bumubuo sa pagkatao ng mag asawa, ang mga ika nga ay bituin sa loob ng bahay na nagbibigay kinang sa buhay ng isang pamilya.
Subalit sa panahon ba ngayon ay masasabi ba natin na ok pa ang marami kayong anak? noong panahon Ni Pang Duderte gusto nyang ipatupad ang 3 child policy, dahil syempre sa hirap nga naman ng buhay. pero marami din ang tumutol.
Sa ganang akin ay sang ayon ako sa gustong ipatupad na pilisyang yun, bakit? una sa lahat, dahil pandemya, marami ang nawalan ng trabaho, marami ang maghirap, marami ang nagutom, kakayanin pabang pakainin ang tatlo at pataas na naka? sa sahod na minimun wage? ano sa palagay ninyo?
at hindi lang iyan dahil bukod sa pag kain, paano ang kanilang pag aaral? ang mga pangangailangan? hindi natatapos sa pagkain ang pangangailangan ng isang anak napakarami pa nito.
sa kahabaan ng byahe ko mula probisya papuntang maynila, ay may mga squaters area akong nadadaanan, maming mga bata, mga palaboy, mga mga nanlilimos, nagtitinda napapagala gala sa gabi, ito ba ang buhay na dapat para sa kanila? sa panahon ngayon parang ang may karapatan nalang na magkaanak ng marami ay ang may kaya.
Totoo naman atin munag pag isipan kung kaya ba natin na bumuhay or mabigyan ng sapat na pangangailangan ang ating mga magiging anak, kung mag desisyon tayo na magkaroon ng tatlo o higit pa.
isang drama ang aking napanood.. ang sabi ng anak sa kanyang mga magulang " hindi ko obligasyon na ibalik sa inyo ang lahat ng nagastos nyo sa akin muka akoy bata pa, obligasyon nyo yun dahil pinili nyong mgakaroon ng maraming anak, hindi ko obligasyon na pag dating ng panahon ay maging pambayad utang sa lahat ng nagastos nyo sa akin upang akoy mabuhay.. sanay hindi nyo nalang ako binuhay kung pag dating ng panahon ay babayaran ko pala sa inyo ang laha"!
Napakasakit para sa isang anak, na isipin ng magulang na sila ang mag aahon sa kanila sa kahirapan pag dating ng panahon.
Ayun ay sarili nilang kagustuhan sa kanilang pag sisiskap na iahon ang kanilang magulang, ngunit hindi obligasyon.
isa ako sa mraraming ina na pinili muna ang mag karoon ng iisang anak, naalala ko sabi nila, wag kang mag anak ng marami kung ialalaboy mo lang, pero hindi naman yun ang dahilan ko, dahil ang aking dahilan ay gustong maibigay sa anak ko ang mga bagay na hindi naibigay sa akin ng aking magulang sa kadahilanan na marami kami, ang aking ina ay isang byuda, at anim kaming mgakakapatid na binuhay nya, binigyan ng sapat na pagkain at mga pangangailangan, pinag aral at ang ilan ay pinagtapos, saludo ako sa aking ina, dahil ni minsan ay hindi nya kami inubliga na iablik sa kanya kung ano man ang naibigay nya sa amin, dahil sabi nya obligasyon ko kayong buhayin, bigyan ng maayos na buhay sa abot ng aking makakaya, kahit sya ay mag isa lang.
Noong panahong iyon, kulang kami sa oras na makasama si nanay lagi syang wala at subsob sa trabaho, kaya naman halos di na sya nakikita sa school, lumaki rin kami na halos hindi na nya kami napaliguan manlang, kami kaming magkakapatid ang naiiwan sa bahay at kami kami ang laging mgkakasama at magkakaaway.
Nung naging nanay na ako ay akin na itong naunawaan, napakahirap ng pinagdadaanan ng aking ina na buhayin ang anim na supling..
nagtitinda, naglalakad ng malayo, naghahanap palagi ng pagkakakitaan para sa amin, at ni minsan hindi sya nagreklamo.
naunawaan ko kung gaano kahirap, kaya noong ngakaanak na ako ay pinili kong iisa muna at bigyan ng sapat na panahon ang aking anak na maalagaan ko ng tama, mapakali ng maayos mabigyan ng sapat na oras at pag mamahala, kung kami man ay biyayaan pa ng isa pang anak, alam kong naibigay ko na ang pag aalalga sa unica ko at di na nya mararanasan ang pagiisang naranasan ko noon.
sa panahon ngayon marami ang nag aasawa ng maaga, nabubuntis ng maaga, napapariwara, ayun ay dahil kulang sila sa oras ng kanilang mga magulang upang bantayan pangaralan at bigyan ng sapat na pag aaruga..
ngunit hindi naman din natin masisi ang mga magulang lalut nasa sitwasyon tayo na ang hirap ng buhay at kailangang maghanap buhay.
"kaya mga anak pagdating ng panahon na magkakapamilya tayo, isipin natin ang ating mga pinagdaanan kung hahayaan din ba natin na pag daanan ito ng ating mga anak din?"
Kaya mag desisyon tayo kung ilan ba dapat?
*photo source google*