Takot Akong Sumulat

0 18
Avatar for Rhia
Written by
3 years ago

Simulan ko na lang sa Hello...

Kamusta? Matagal ko na ring nagawa ang account ko dito sa read.cash. Masayang-masaya ako noong ginagawa ko ang account lalo na kapag iniisip ko na isa nakong writer ng article. Masyado akong na excite. Proud sa sarili, pero ang totoo, hindi pa ganap ang pagiging writer ko dito. Wala pa akong sinusulat. Madami akong ideya, hindi ko alam kung bakit ayokong hawakan ang ballpen at notebook upang magsimula ng draft article.

Tinatamad..

Madalas akong tumambay sa noise.cash. Naka establish nako ng aking sarili sa naturang site. Doon ko din nalaman ang tungkol sa read.cash. Na curious ako at nainggit sa mga nagpopost na nag papublish daw sila dito. Kaya naisipan kong gumawa ng account. Para kasing ang cool kapag nagsusulat ka sa read.cash. Nagawa ko na ang account. Ngunit babad naman ako sa noise.cash. Naisip kong nakakatanggap naman ako ng tip sa noise sa maikling pagsusulat ng content na ipopost sa maikling oras na igugol ko, kikita na ako. Lagi kongbsinasabi sa aking sarili, "mamaya, magsusulat na ako, mamaya, magsusulat na ako." Pero wala, hindi ko ginagawa. Dami kong katwiran sa isip, hanggang sa tinamad nako.

Nasaan ang takot kung ganon?

Ang takot ay hindi galing sa kung may papansin ba sa sinulat ko o kung huhusgahan ba ako ng mga mambabasa ang grammar at nilalaman ng article ko. Ang takot ay nagmumula sa kaibuturan ng aking loob. Isa akong frusteated writer. Ang gusto ko labg ay magsulat upang kumita kahit nasa loob lang ng bahay. Ginagawa ko ito with passion. Dati akong manunulat sa Kolehiyo. Masaya at makulay ang aking karanasan sa pagsusulat. Ngunit hanggang sa may isang bagay akong pinagtatakhan...

Hiwaga ng pagsusulat.

Ang mga sinusulat ko ay parangbisang tapyas na kabanata sa aking buhay. Napapansin ko na sa tuwing may sinulat ako, parang may enerhiya itong himihila upang magmanifest sa sarili kong buhay. Kung malungkot ang nilalaman ng article ko, ang sarili kobg buhay ay nadadamay. Totoo kaya na naaattract ng universe kung ano ang mga iniisip ng tao at nagmamanifest ito sa totoong buhay? Sumasaki din ang ulo ko pinipiga. Yung kakayanan ko dato, hindi na nagamit. Naluma, nangalawang at pawala na. Pero yung passion, nandito parin. Gusto ko pa rin magsulat. Takit lang ako. Takot lang ako na mabasa nyo ang nasa utak ko. Hanggang sa nakita ko ito...

Ang lumang article na sinulat ko noon. Nanumbalik yung burning desire na nararamdaman ko noon kapag nagsusulat ako. Hinayaan kong lumioas ang panahon. Sayang. Salamat at may read.cash. Marahil ito na ulit ang hudyat. Hanggang dito na muna. Asahan nyong may mga susunod pa.

Maraming salamat sa mga bumasa. 😊

0
$ 0.00
Avatar for Rhia
Written by
3 years ago

Comments