read.cash Log in

@Reysky

Joined 20 June 2021 · 1398 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Reysky

Luto na ang adobong paa na may pork. At heto na ako mapapasabak na sa kainan. Tapos na din kumain ang bunso ko kaya ako naman. Wala akong kasabay kasi ang mister ko tulog pa ayaw kong gisingin kasi magdamag na trabaho. Mamaya nalang siguro siya kumain kapag gising na siya. Kaya ako muna ang aatake dito sa niluto kong adobo. Iba talaga kapag may paa. Nakakaganang kumain haha

@Reysky

Anong oras kaya maluluto ang adobong baboy na may paa. Mejo late ko na kasi napakuluan. Mabusisi din kasi ang pag tanggal ng kuko at balat ng paa. Pero panigurado ako kapag naluto ito. Mapapadami kain ko hahah. 3 lang kaming kakain sa bahay dahil 2 anak ko nasa bahay ng tita nila at duon mag siswimming. Bonding sila ng mga pinsan nila. Sana all nalang. Magtitinda nalang ako baka sakaling kumita pa ako haha

@Reysky

Good morning! Maaga ako nagising pero ngayon lang nakahawak ng cp. Mga mag siswimming kasi mga anak ko. Yung malalaki lang. Invite kasi sila ng tita nila na dun sila mag overnight kaya naman heto todo impake sila. Bukas pa ang uwi nila kaya solo namin ang bahay. Yung bunso ko lang ang naiwan kasi di pa siya pwede dahil maliit pa. Ang pwede lang yun may mga isip na. Kape muna ako, pang pababa ng ng inis sa mister ko hahah... Kung bakit ako naiinis, akin nalang yun 😂

@Reysky

Madilim na ang paligid, unti unti na din nag uuwian ang mga tao. Samantalang ako heto nakatambay at nagmamatyag sa kapaligiran. Karamihan ang mga sasakyan na makikita mo dito ay ebike. Mahal kasi ang transpo papuntang highway kaya karamihan hatid sundo kung saan ang mga nagtatrabaho ay nababa sa highway. Kahit ako ganun din ang ginagawa ko hatid sundo so mister para makatipid ng pamasahe. Minsan ang ginagamit ko ebike minsan motor para lmakaiwas sa trapik. Pag motor kasi…

@Reysky

Ang lago na ng binigay sa akin na halaman. Kakadilig ko siguro ng malamig na tubig tapos maulan pa. Tamang kape din sa labas habang nag aantay ng costumer. Pang pagising din sa inaantok kung diwa. Sarap kasi ng hangin eh malamig lamig. Nakakaantok! Maya maya lang ihahatid ko na ang mister ko. Pang gabi kasi siya ngayon. Mga anak ko lang ang kayakap ko sa gabi. Kapag di ko siya katabi sa gabi di ako makatulog ng ayos. Pagising gising ako. Kaya pagdatin sa umaga antok na antok…

@Reysky

Buti nalang nakahingi ako sa tapat bahay namin ng malunggay, sila nalang kasi ang may tanim ng malunggay dito. Dinamihan ko na ang kuha para may reserba ako. Dami kahit san meron akonh naoagkukuhaan ngayon pahirapan pa. Nagkataon kasi na bukas ang gate nila kaya nakahingi ako. Sa palengke binebenta na din ang malunggay syempre dun tayo sa libre malago naman ang puno ng malunggay ni tatay kaya buti talaga nakahingi ako. Luto muna ako.

@Reysky

Good morning! Busog na naman ang umaga ko. Kumain kasi kami ng Pares sa labas dun sa lagi namin kinakainan ng mister ko. Malaki kasi ang naging kimisyon niya sa pag aagent sa sabong kaya ayun. Buti may naglaro sa kanya. Minsan kasi wala eh! Mga katrabaho din lang naman niya ang naglalaro kahit pa 100 . Basta naglaro ang pera nila tiyak na may kita na siya. Ayun lang! Isip na naman ng uulamin ngayon araw ano nga kaya noh!

@Reysky

Gabi na naman. Inaantay ko yun isang costumer ko at mag sasara na ako. Inaantok na kasi ako. 5 am palang gising na ako at hindi ako nakatulog kaninang tanghali. Kasi alanganin din ang oras dahil may sundo ako. Hapunan na din, kung ano yun ulam namin kanina yun pa din ang ulam namin. Wala din gaanong kumain kanina kaya marami rami pa tong ulam namin. Di ata nila trip ang hipon at salmon hahaha.

@Reysky

Pinaiwan ng kapitbahay namin ang kanilang susi dahil uuwi daw ang kanyan gf at wala siyang mapag iwanan. Dahil hindi naman ako naalis ng bahau sa akin hinabilin ang kanilang susi. Biniro ko pa na papasukin ko ang bahay nila tutal di naman ako kakagatin ng aso na isang golden retriver. Kilala naman din kasi ako ng aso niya. Pero syempre joke ko lang yun sa kanya haha! Di ko naman gawain pumasok ng bahay ng may bahay. Tsaka ano naman gagawin ko dun haha

@Reysky

Kape at monay na may palaman na sisig. Sarap! Parang kanina lang ubod init. Ngayon umuulan naman na may kulog at kidlat. Patay na naman ang costumer ko nento. Di na naman makalalabas wait nalang sa mga student na pauwi palang. Jan ako babawi. Hehe

@Reysky

Ngayon lang nakapaglunch. Sinamantala ko kasi na walang tao sa sala para nakapaglinis. Natapos ko din kasi ng maaga aga ang labahan ko, mga kobre kama at kumot lang naman yun kaya mabilis kong natapos. Bukas yung mga short naman. Makakain na din. Malungkot kasi walang kasamang kumain. Sinigang na Salmon na may hipon nga pala ang ulam namin. Hanggan mamayang gabi na yan kaya pwede na. Nakatipid na din. Baka nga sobra pa yan umabot pa ng kinabukasan. Tara lets eat mga kanoise!

@Reysky

Bago umalis naisipan ko muna magkape ngayon habang inaantay kong matapos umikot ang nilalabhan ko. Para isasampay ko nalang sa labas at lalarga na ako papunta sa palengke. Ang tahimik sa bahay. Nakakamiss din naman ang maingay pero pagdating nila ayan na haha! Pero mamaya pang hapon ang uwi nila. Parang whole day na din ang pasok nila. Nagiisip din ng maiuulam ngayon tanghalian isda muna ulit at nun nakaraan puro mamantika ang kinain namin. So paano tapos na yun sinalang ko…

@Reysky

Good morning! Tinanghali ako ng gising kaya aligaga akong nagprepare ng babaunin ng anak ko. Napuyat kasi ako dahil ang bunso ko biglang nilagnat kagabi. Kaya halos di ako nakatulog. Susundo pa sa mister ko kaya di ko alam paano at sinu uunahin ko. Mabuti nalang kahit papaano maasahan ko ang pangalawa kong anak dahil hinabilin ko ang sinaing ko at yung piniprito kong maling sa kanya ko na din hinabilin. Tinawagan ko nalang at sinilip kong luto na ang sinaing. At success…

@Reysky

Good morning! Breakfast tayo! Kape lang muna tayo! Wala kasi akong maisip na kainin. Pero mga studyante ko ok na nakapasok na sila. Except sa bunso ko na sa sept pa ang pasok. Daycare palang naman kasi siya. At pinamemeetingan kung face to face na ba o module pa din. Pero sana face to face kasi excited na ang bunso ko pumasok. Kasi sabi niya sya nalang daw ang nandito sa bahay tapos na school na din ang kalaro niya. Ayun! Hahaha! Malaan sa pasukan niya haha

@Reysky

Kahit malamig ang panahon may nabili pa dib ng akin milkshake. Namiss ata nila kasi kahapon hindi ako nagtinda dahil may bagyo nga. Nakakatuwa lang kahit sarado ako may naghahanap ng milkshake ko. Sabi ko bukas nalang at maulan, hindi maganda ang panahon. Kaya ngayon sila nagbilihan. Buti nalang ang panahon ngayon hindi maulan pero makulimlim. Magkakape muna ako guys yan ang aking meryenda. Mamaya kasi magdadatingan ang suki ko. Hehe

@Reysky

Gulay naman tayo. Kahapon puro mga instant lutuin ngayon, mag effort naman ako. Pero simpleng gisa lang ang ginawa ko para may gulay naman. Yan lang niluto ko pero naghalaga na siyanh 160, mahal pa din ang gulay haha. Pero ok na din kasi hanggan mamayang gabi namin yan at baon na din ni mister mamaya. Nagluto din ako fried chicken kasi di naman sila kakain ng gulay lang kailangan may prito. Isda sana kaso naubusan naman ako. Sayang naman. Hahaha

@Reysky

Sarap matulog nito. Malamig at solo ang higaan kasi wala si mister. Makakaikot ikot ako sa higaan ko. Magdamag na ata ito uulan dahil sa bagyo. Nakakainis man pero namnamin nalang ang malamig na panahon. Baka sa susunod na araw mainit na naman. Jeje. Inaabangan ko din panoodin ang 2 good to be you pero maliligo muna ako para presko. Hehhe

@Reysky

Our brunch! Tinatamad kasi akong lumabas ng bahay kaya kung ano meron dito sa ref yan nalang muna ang akin niluto. Maulan kasi ngayon at nakakatamad lumabas kasi mababasa lang ang paa ko. Ang arte lang noh! Haha! Anyway kain tayo guys. Kakagutom kapag ganito ang panahon.

@Reysky

Nakapasok na mga chikiting ko. At heto ako ngayon nag iisa sa bahay. Tahimik at nagkaroon ng peaceful. Walang mama ng mama sakin ngayon. Parang feel ko malaya kong magagawa ang gusto ko. Nakakapag isio ng maayos kasi sa ganitong oras wala akong iintindihin. Anyway, bday nga din pala ng panganay ko. Pero dahil magastos ang mga nakaraan araw baka di muna kami maghanda. Actually, di talaga kami ng hahanda kasi di naman niya trip. Mas gusto niya lang yun magawa ang gusto niya at…

@Reysky

Flex ko lang yun mga napamili namin na gamit pang school, di pa kasama ang bags jan kasi ang gagamitin nila yun luma na. Pwede na yun kasi ang mahal ng bilihin. 4 na bata na kasi ang pinag aaral namin kaya ayan ganyan karami ang amin binili. Kulang pa nga yan dahil yun iba wala kaming makita. Sa pangalawa ko wala pa akong mahanap na palda na uniform niya. Grabe kasi siksikan sa palengke, di na ako makahinga sobranh init din. Kaya inuna nalang namin ang notebook at ballpen…

@Reysky

1st day of school, siksikin na sa pagpasok. Lahat ng bata excited dahil sa mga bagong makakasalamuha nila at dahil na din sa bagong gamit nila. Kahapon lang namili kami ng gamit sa school, grabe dami ng tao. Di na alintana ang covid. Pero may covid pa nga ba? Siguro meron, pero ang iba di na naniniwala. Malaki din kasi ang naging epekto sa atin ang covid kaya naman ang iba ay excited sa lahat ng bagay. Tanghalian na mga kaibigan. Adobong pa na may laman ang akin naluto sa…

@Reysky

Gabi na naman. Pero dahil mahina ang business ngayon, tiklop tiklop muna damit. Para mabawasan ang gawain. Halos araw araw akonh may tiklupin kasi ang lalakas nila magpalit ng damit. Minsan nauumay na akong maglaba at magtiklop. Kahit sa damitan nila jusko! Nakakaumay na mag linis ng bahay. Nakakarindi na ang ingay ng mga bata. Minsan gusto ko nalang magkulong sa kwarto para makaiwas sa tao. gusto kong mag isa!

@Reysky

Kailan kaya makakabili ng gamit ng pangschool ng mga bata. Di pa sapat ang ipon ko. Bigla kasing humina ang tinda ko dahil sa panahon ngayon. Nag iisip pa ng ibubusiness ulit para may pagkuhaan pa. Tanghalian na din guys mau naluto na ako plus yun tirang ulam kagabi. Sayang kasi kung di makakain. Humina kasi kumain ang pangalawa kong anak. Dati madami siyang kumain ngayon konti nalang. Hays! Namamayat na nga eh!

@Reysky

Dito ako nag aabang para sunduin ang mister ko. Mahal kasi kapag nagtrike siya. Pag baba niya ng jeep makikita ko naman agad siya kaya. May kainan din ng pares dito, minsan dito na kami nagaalmusal. Minsan naman inuuwi namin sa bahay at dun kakain. Sa ngayon nasa bahay na kami. Hindi siya nag aya kumain mag almusal siguro sa trabaho niya nakapag almusal na siya haha... Mamaya bbili ako kape. Yun nalang ang almusal ko. Good morning!

@Reysky

Good night mga kaibigan! Tapos na ang isang araw heto at gabi na naman. Mautulog, magpapahinga. Pero makakapahinga nga kaya? Ang isipan na puno ng pangamba at pagdurusa na bakit kailangn subukin ka ng panahon. Minsan iniisip ko na masama bang maging masaya, bakit ganun kung kailan masaya ka na sa isang bagay tapos biglang bawiin at ito ngayon lugmok at di alam paano ulit masisimula. Minsan mas gusto ko ng matulog at wag ng gumising pero hindi pwede dahil may mga umaasa sayo…

@Reysky

Maulan na hapon sa inyo mga kaibigan. Di nalang umulan ng gabi bakit ngayon pa. Matatago na naman tuloy ang mga tao nento. Wala na naman benta haha.. wala ehh tag ulan na kaya walang magagawa. Anyway pasukan na pala sa monday may pagkakaabalahan na ako. Kasi may ihahatid na ako sa school. Mas magiging busy na ako. Kasi ang 4 yrs old kong bunso papasok na din sa school, pero sa daycare muna. Kakatuwa namiss ko ang ganito. Excited na ako pero wala pag gamit mga anak ko haha

@Reysky

Good morning mga frends! Kape at pandesal ang aking almusal. Sa mister ko naman pansit at pandesal. Di ko kasi trip ag pansit nag gusto ko kasi champorado kaso walang tinda ang binilhan. Kaya sabi ko kape nalang at pandesal ang akin almusal. Pupunta ako sa school ng anak ko kasi itatransfer ko siya dahil hindi na online class kundi face to face. Pwede naman online kaso ang anak ko ayaw na niya. Gusto na daw niya pumasok sa schoo. Kaya ngayon pupunta ako sa school para kunin…

@Reysky

Gabi na naman! Dati rati kapg ganitong oras daming nadaan. Ngayon parang bilang lang. Pati mga bata wala din. Walang maingay sa kalye. Kapag ganitong wala akong gaanong nakikitang tao. Nalulungkot ako. Ewan ko ba. Pati makausap wala din. So bored!

@Reysky

Good afternoon! Ang bilis ng oras hapon na agad. Halos maghapon nakahiga dahil lugmok sa kalungkutan. Hahaha! Langyang pagmamahal yan hindi ba pwedeng sumaya nalanh hindi yun hahantong na masasaktan ang isat isa. Daming pumapasok sa utak ko pero lalo lang gumugulo. Ewan ang gulo ng mundo ko.

@Reysky

Meryenda ko kanina, cheesestick! Pero hindi basta cheese yun nasa loob. Kasi hindi din basta basta ang presyo. Nagulat nga ako nun omerder ako 90 pesos ang anim na piraso. Pero sulit naman sa lasa kasi ang sarap. Hindi mo iindahin yun price kapag natikman mo naman ang cheese stick na ito.

Everything by @Reysky, by month