Sumali ako sa grupo ng bible study sa messenger kagabi. Kasi nun isang gabi iyak ako ng iyak at sinasabi ko na lord kunin nyo n ako, tay kunin nyo na ako kasi ang sakit sakit na. Na parang walang nakakaintindi sa akin. Na dumating sa point na kumuha ako ng tali at maghanap ng pagsasabitan. Buti nalang dumating nag bunso ko at sinbi sa akin mama stop crying na, sabay kiss sa akin. Mas lalo napaiyak. Kinuha ko ang akin cp at mya nakita akong message. Na nagsasabing gusto mo bang makinig sa salita ng Diyos. At my fb page akong na click at add ko na din. At yun, naisalba ang buhay ko dahil may Diyos na nkaabntay sa akin. Alam kong makasalanan ako. At aminado ako. Na handang magbago para sa banal na kasulatan. Alam kong iguguide ako ni lord sa lahat ng pagsubok at alam ko naniniwala ang Diyos sa akin. Thank you Lord sa banal na iyong salita. Amen
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet