Chicken curry ang naisip kong lutuin. Manok nalang kasi ang meron sa ref kaya yan ang naisip kong lutuin. Iba talaga kapag nagluto ka ng masaya at magana napapasarap ang luto ngunit ngayon na may dinadalang suliranin, kundi walang lasa, maalat naman ang luto ko. Hays! Lord pls me! Maging malakas ang loob na harapin lahat. Bakit kasi nasa akin na lahat ang pinakamahinang kalooban. Di ko kayang magsalita kapag nanjan na. Napipi ako! Kahapon lang nakaisip ako ng masama sa…
@Reysky in February 2022
Nautusan ako ng hipag ko na mag online selling. Yun mga item na un galing pang kuwait. Magaganda At branded. Mamaya aasikasuhin ko yun dahil need namin paghiwalayin ang pambata sa pang matanda. Para madaling iflex sa mga manonood. Nakapag lunch na ba kau. Kami katatapos lang kailangan ko maghabol ng oras at kailangan ko na pumunta sa bahay nila.
Ito yung mga damit na binenbenta ko. Mga preloves na pambata. Hindi ka mag sisisi kapag bumili ka dahil muka pang bago at ang gaganda pa lalo na mga dress na pambata. Sa dress nag rarange ng 150 to 250 ang price. Ang mga tshirt naman mga 50 to 80 pesos. Ang jumpsuit na maong, 120 lang. Napakamura at di ka magsisisi dahil halos branded pa ang mga damit. Marami na akong nabenta kahapon, kaya lang, sumama ang pakiramdam ko ngayon. Sana ma kapag ofen mamaya.
Mini pancake Ganyan size gusti ng anak ko, yung isang subuan lang. Naumay na ata sa malaki kaya gusto maliit naman. Hapon na naman, marami akong gustong gawin pero heto na naman ako nalulungkot, maraming gumugulo sa utak ko. Sakit na naman ng dibdib ko. Di dahil sa kaba, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Laban lang hanggat kaya pa. Hanggan kailan kaya mabubuhay?
2 2 22 Feb 2 2022 Ano nga ba meron sa month date at year na ito. Bihira lang lumabas ang ganitong numero. Taon ulit bago maulit. Sabi nila bago matapos ang araw na ito ay mag wish ka. Kaya naman nag wish ako nasa maging ok na ang lahat. Ayaw ko na din mag isip ng mag isip dahil nakakasama sa kalusugan ito. Naalala ko kasi ang nangyare sa pinsan ko. Sa sobrang sama ng loob na nararanasan ko ngayon. Minsan feeling may depression na ako. Kasi nakakaisip na ako ng di maganda.…
Umaga palang hindi na maganda ang mood ko. Dahil sa mga walang kwentang tanong na kapag sinagot mo ng totoo ay sinungaling pa din at di paniniwalaan. Sa akin naman ok lang! Basta maluwag na sa pakiramdam ko ang mga dati ko pang kinimkim almost 12 yrs din yun. At ngayon nasabi ko na at maluwag na sa kalooban. Kung maniniwala man siya. Bahala na siya. Ako kasi lahat ng masakit tinanggap ko. Magalit man ako. Di na maibabalik ang kahapon. Dahil ang nangyare ay nangyare na.
Tanghalian na pero mas gusto ko nalang matulog ng matulog hanggan sa di na magising. Pero dahil ginising ako ng anak ko at sabi 1pm na di pa kami nakain sabi ko mauna na siya at wala ako sa mood kumain. Kaya ininit niya ang niluto kong ulam at mag isang kumain.
Sarap lang pagmasdan ang mga bata na naglalaro sa labas. Masayang naghahabulan at nagtatawanan. Sekyo base ang nilalaro nila. Ang ingay ingay nga ngayon dito. Nakakalimot pansamantala dahil nawiwili akong panooring silang naglalaro. Ngyon lang ulit na nagkaroon ng mga bata dito palibhasa may bday dito sa tabing bahay kaya ang mga bata ay nakasundo na maglaro. Nakakawili lang. Sana araw araw o kahit sa hapon maraming bata para malibang ako.
Good night mga frends and noisemate. Magaan pero may sakit pa din. Kasi ang mga salitang nabitawan hindi na mababawi. Pero ok lang, kasi galit lang kaya nasabi ang mga ganun salita. Unti unti din matatapos ang unos na dumaan sa amin. At ito ang magpapatatag sa amin pag sasama. Sana mas lalo pa kaming gabayan ng panginoon at lalong pag tibayin ang amin relation. Minsan talaga susubukin ka ng panahon king hanggan saan ang katatag ang kalooban mo para mapaglabanan ang…
Ang sarap busitin ng asawa ko. Akala niya lalayasan ko siya nun nakita niyang hinhagis ko lahat ng damit ko sa lapag ay may supot pa. Sabi ano gagawin mo jan sabi ko ililigpit ko, sabi niya lalayasan mo na ako. Napangiti ako, sabi ko hindi! Masama mag ayos ng damitan sabay yakap sa akin hahaha. Sabi ko hindi ko kayo iiwan kayo ang buhay ko pag nawala kayo wala na din ako. Haha Drama lang! Hhaha
ANg lakas maka hang over ng red horse, ang sakit sa ulo! Hanggan ngayon yung utak ko lutang pa. Late na din ako nakapagluto ng ulam namin, pinilit ko talagang mag luto kasi mahirao naman kung puro delata ang ipapakain ko sa anak ko. Kagabi lang cornbeef at itlog ulam nila. Ako di na kumain kasi waley gana. May pinagdadaanan kasi ako kaya wala akong gana sa lahat. Pinipilit ko nalang din kumilos para sa mga anak ko. Kasi kawawa naman. Pero nakakapagod pala ang ganito. Waitin…
Dinner time. Ayun di na nakayanan ang gutom at ito kumain na ako. Ilan araw na din kasing halos di kumakain ng maayos lalo na kapag wala ang asawa ko. Yung panganay ko naman ang hindi kumain, busog daw siya dahil madami daw siyang nakain na pizza. Nagdala kasi ang pinsan niya ng pizza at inalok siyamg kumain. Ang dami niyang nakain kaya heto wala na siyang gana. Ako naman babawi at iba na ang gutom ko. Hehe
Nag simba kami ng asawa ko at dun namin inamin ang lahat ng pagkakasala na nagawa namin sa isat isa. Gusto kasi namin na si God ang maging sentro ng amin pagmamahalan. Noon pa man na wala pa kaming anak, hiniling ko na sa panginoon na siya na ang gusto kong maksama habang buhay. Sadyang marami lang tukso sa palagid namin at that time parehas pa kami ng asawa ko na malayo sa isat isa. Pero lahat yun at past na at dapat ng kalimutan. Ito na din sigro ang isa sa magpapatatag…
Sa paglubog ng araw, unti unti na din akong hindi makahinga. Nasasakal sa mga salita na hindi makatotonan. Sa mga salitang kahit pilit mong ipaliwanag, pilit pa din ididiin sa kanyan mga naging karanasan. Hindi ko alam kung sarili ko lang ba iniisip ko o sarili ego niya ang aking natapakan. Hirap ipaliwanag. Kasi wala siya sa naging katayuan ko.
Gusto kong kumain ng chocolate. Kasi sabi nila mainam kumain ng chocolate para maging maganda ang mood mo. Lalo na kung nagiging over thingking na. Isa pang pagkain na pwedeng gumaan ang kalooban mo kundi ang saging, kaya kapag naglulumbay kayo try nyong kumain ng chocolate at saging. Mas mainam ang dark kasi nakakatulong din ito aa atin puso.
Good morning! Wala na naman ako sa mood kumilos. Hanggan kailan kaya ako na ganito. Nakakapagod kasi mag isip. Kahit ayaw ko ng isipin mapapaisip ka pa din. Hirap! Minsan napapahiling na lang ako kay God na kunin na niya ako. Kasi minsan di ko nakakayanan. Baka bigla nalang akong sumuko. Hay buhay, parang life!
Favorite Pares na yun kinakain mo pero bakit ganun hindi ko pa din maubos ubos. Hanggan ngayon wala pa din ganang kumain, walang gana sa lahat ng bahay. Lahat na naapektuhan sa nangayayre sakin. Yung ulo ko lagi ng sumasakit dahil sa kakaisip. Dahil kahit anong gawin mo wala pa din at kulang pa din. hays hirap talaga.
Habang nasa labas ako ng bahay! Napansin ko ang ulap na may halong baga, senyales na papalubog na ulit ang araw. Maggagabi na naman at ito nalulumbay na naman ako. Buong araw na akong hindi makakain ng maayos. Pero ngayon pinipilit ko pa din na malagyan ng kaunti ang tiyan ko. Sana makayanan ko pa. Sana bigyan pa ako ni God ng lakas at tatag ang aking puso para hindi bumigay. God kaw na po bahala sa akin Amen!
Pandesal palaman ay liverspread (Reno) Nag try lang akong magpalaman ng reno kasi sa totoo lang di ko talaga trip yan. Dahil nakakahinayang na itapon dahil di naubos ng asawa ko, nagtry ako at masarap din naman pala. Favorite kasi ng ng asawa ko yang Reno na palaman. Pero ako talaga hindi. Pero sa ngayon baka magustuhan ko na din jeje tara mag almusal tayo.
Nasalubong ko yung nagtitinda ng taho, lumabas kasi ako ng bahay para bumili ng sabon panlaba dahil maglalaba ako ng mga puti ngayon. Pero sleepy pa din ako kaya sana daanan ako ng sipag. Kaya din ako bumili ng taho baka sakaling magising ang aking katawan para sipagin. Hehe Laba laba muna ako kahit puti lang!
Feb 9 palang pero yung anak mo na atat kang bigyan ng flowers kasi vakentines na daw. Sabi ko maaga pa para bigyan ako. Sabi niya baka daw maubos yun binebentang flowers ng matanda kaya bumili na siya. Na sweetan lang ako aa bebe girl ko. Di enexpect na maalala niya akong bigyan. Mana talaga siya sa papa niya sweet. Hahaha.
Ang bunso ko tamang pabubbles sa tapat ng fan. Pinigilan ko dahil baka mabasa ang tv namin. Lakas trip kung kailan gabi tska mag papalobo. Antok pa naman ako dahil ang batok ko sumasakit. Feeling ko highblood na ako kakaisip sa problema haha. Pero sana makayanan. Wag muna bumigay ang utak ko. Kaya mas gusto ko talaga matulog relax at maganda pa napapanaginipan ko haha
Ngayon lang nakaisip mag almusal, ngayon lang din nakaramdam ng gutom. Para makapag isip ng maayos at makaluto ng ulam. Pero ang pinakamadali kong naisip ay adobi. Kaya adobong manok ang amin uulamin. Haha
Tamang sounds trip ako ngayon. At habang nakikinig ng mga kanta, nakatulog ako. Puro lovesong kasi ang pinakinggan ko ayun para akong hinele at madaling nakatulog. Nagahol tuloy ako aa pagluluto ng babaunin ng asawa ko. Tapos dami ko pa palang ligpitin haha.. ayan tulog pa more hahaha
Buko juice May dumaan na nagtitinda ng buko at bumili ako ng isa para makatikim ng fresh buko juice. Nakakamiss din humigop nito. Naalala ko yun bunso ko kinahiligan ko na uminom ng buko juice, sarap na sarap ako. Walang araw ng hindi ako umiinom nito. Habang nag iintay na kumulo ang akin niluluto, naisipan kong mag post. Pang tanggal sa mga naiisip ko. Hehe.. Inom tayo guys ng buko juice. Cheers!
Meryenda ko kanina ay turon at bananaque, di ko naisip picturan kasi kinain agad ng anak ko. At dahil di niya naubos, ako na ang umubos. Tig isa kasi binili ko isang turon at bananaque. Lahat un kinagatan niya na dapat di ko pa kakainin kaso ayun natripn nyang kainin no choice kinain ko na din. Busog na naman ang kanoise nyo. Solve na solve sa meryenda haha.
Akala ko dadaan dito sa lugar namin si BBM kaso lumiko at sa ibang lagusan dumaan. Ikakamay ko sana ang asawa ko kasi maka BBM siya eh. Ako kasi iba ang presidente ko. Magkaiba kasi kami ng paniniwala. Pero ok naman si BBM pero iba lang talaga ang bet ko. Share ko lang sa inyo, pinanood ko kasi ang live nila kaya nalaan ko na padaan dito kaso dahil madaming lagusan ayun di napadaan dito dahil na din sa ginagawang daan. Ayun nag traffic hahaha..
Ulam for today is toge na nilagyan ko ng repolyo. Wala lang maiba lang! Sana masarap siya! Ang mura ngayon ng gulay. Sarao araw arawin ang iulam ang gulay. Problema lang hindi lahat ng gulay kinakain ng anak ko. Pili lang din. Pero itong toge kumakain sila basta may kasamang fried chicken haha..
Ngayon lang nagsaing dahil kagigising ko lang din. 4 am kasi ako nagising kasi susunduin ko asawa ko, tapos pumunta kami sa bahay ng tiyahin niya para iabot ang pera na bayad sa upa ng lupa nila. Tapos dumaan kami sa paresan kumain ng dinadakan. Masarap po siya. Kaya pag uwi namin dahil maaga pa. Nakatulog kami at ako ngayon lang nagisin. Namomoblema sa uulamin kung ano uulamin namin ngayon haha
Dahil wala pa din akong niluto ngayon, naisipan ko nalang bumili ng lechon manok. Minsan lang naman kami mag ulam ng ganito kaya pagbigyan na. Nauumay na din kasi ako sa mga luto ko, di ko naman din trip ang lutong bahay kaya yan nalang lechon manok. Tiyak na marami na naman makakain ang mga junakis ko. Masarap ang ulam eh hahaha
Pagkatapos mag sumba may nagpakain dahil sinilibrate namin mga mamshie ang valentines day. Inuwi ko nalang yung food ko kasi iniisip ko din mga anak ko kasi walang kasama sa bahay. Happy ako ngayon kasi dami akong nakialla ngayon. Kahit papaano masasabing kong masarap pa din mabuhay sa kabila ng problemang amin nakakaharap. Patnubayan pa sana kami ni Lord sa araw araw. Amen.
Lunch for today pero di na ako kakain kasi hanggan ngayon busog pa din ako. Ang dami ko kasing nakain kanina. Nabawi lahat ng pagod ko sa oag susumba at grabe ang nakain ko. Wala din kasing almusal, sumba agad ang ginawa ko. Nakakatuwa talaga ang mga kasumba mamshie, talagang nag dala ng foods para icelebrate namin ang valentines kahit sa maikling oras lang. Basta maramdaman lang namin na enjoy ang tuloy ang buhay.
Salamat sa asawa ko na nag effort maghanap ng roses para may maibigay sakin. Di ko naman expected kasi sa totoo lang ngayon niya lang ako binigyan ng rose. Hindi pa nga daw yan dapat. Ang mahal daw ng boquet naisip niya kung ibibili niya ganun ibbili nalanh daw niya ng bigas hahaha. Tama nga naman mas gugustuhin ko naman un kesa sa isang boquet na bulaklak. Sabi ko nga basta nasa tabi ko lang siya masaya na ako.
Dahil tapos na ang araw ng mga puso, araw naman ang bunso ko ngayon. Dahil birthday naman niya ang amin icecelebrate. Pero hindi ako maghahanda. Mas bet nalang namin kumain sa labas at igala sila. Mas masaya sila sa ganun kesa maghanda dito sa bahay. Iwas pagod na din dahil di ako mahilig magluto kapag may nag bbday samin. Saan kaya magandang lugar para ipasyal ang bunso namin na di niya malilimutan. Hehe
Sabi mo ikaw ang magtatanggol sa akin. Nasaan na? Para ikaw ang gagawa ng bagay na ikakasira ko. Nasaan na un sinasabi mo, wala na. End na ba?
Sopas at fried chicken para sa pnaanghalian. Mejo sinipag ng konti magluto kaya nag sopas ako. Kahapon kasi sa labas kami kumain dahil bday ng bunso ko. Kala ko nga kahapon masya na. Kaso wala eh may dadatin at dadatin na pagsubok na naman sa amin. Pero stulong ni god alam ko di kami pababayaan. Di bali na gamit ang masira wag lang ang binuo namin pamilya.
Sumali ako sa grupo ng bible study sa messenger kagabi. Kasi nun isang gabi iyak ako ng iyak at sinasabi ko na lord kunin nyo n ako, tay kunin nyo na ako kasi ang sakit sakit na. Na parang walang nakakaintindi sa akin. Na dumating sa point na kumuha ako ng tali at maghanap ng pagsasabitan. Buti nalang dumating nag bunso ko at sinbi sa akin mama stop crying na, sabay kiss sa akin. Mas lalo napaiyak. Kinuha ko ang akin cp at mya nakita akong message. Na nagsasabing gusto mo…
Meryenda tayo! May tinda ang kapit bahay namin ng halo halo hindi na kailangan humanap sa iba nasa tabi lang ng bahay namin. Sarap ng halo halo lalo na ngayon mainit init ang panahon. Tamang tambay na din sa labas habang nakain ng halo halo.
Frozen meat Nkkalimutan kong ilagay agad sa kitchen ang frozen meat para mapakuluan ko. Hanggan ngayon inaantay ko pa din mawala sa pag ka frozen. Magluluto kasi ako ng sinigang na pork, trip ko kasi ang may sabaw ngayon kasi maulan ng bahagya ngayon. Pero di pa ako nakakabili ng sangkap para sa sinigang dahil nakakatamad lumbas dahil naulan. Bago ako lumabas ppaakuluan ko muna. Malapit lang naman ang bilihna dito kaya ok lang kahit maya maya na.
Charan ayan na ang sinigang ko. 2 oras ko din napakuluan yan. Para makain ng bata kasi gusto nila mlaambot ang laman. Bihira lang din kami mga ulam ng meat lalo na kapag sawa na sila sa ulam na chicken at fish. Kahit ako nauumay din. Haha.. Tara kain tayo mga kanoise.!!!
Late lunch Late din kasi nagluto kaya late ng lunch. Adobong Pork nga pala. Matagal kasing palambutin kaya nalate na din ng kain. Tsaka masarap ang adobo pork kapag tuyonat nagmamantika. Nga lang ingat din lalo n asa mga nagkakaedad. Hehe Tara kain tayo.!!!
Turon at bananaque ang meryenda ko ngayon. Binili ko sa kumare ko. Wala kasi akong maisip na meryenda buti nalang nakita ko ang post niya. Omorder na ako para maibsan nag kumakalam na sikmura ko. Haha Tapos na din akong mag tiklop at iaakyat ko nalang sa taas para isalansan. Tara meryenda tayo guys..
Dinner time na mga kanoise! Adobo ulit ang ulam namin pero nilagyan ko ng siling green na tinadtad ko para manoot ang anghang. Di ko na napicturan kasi ubos na. Nagustuhan kasi ng asawa at anak ko. Mukang napataob nila na nag kaldero. Ako kasi konti lang kinain ko kasi gabi na at diet nga ako. Nilagyan ko lang ng laman ang aking sikmura. Ngayon ko lang din naisip na magpost dito dahil tamang upo na ako. Maya maya magwawalis ako kasi di pa tapos magkalat nag bunso ko. Bago…
Good night mga kaingay! Tulog na ang bunso ko. Pgkakataon ko na din magpahinga. Baka kasi mamaya kung kailan patulog na ako tsaka naman siya magigising. At syempre gigisingin din niya ako. Masakit pa naman sa ulo ang nabibitin ang tulog. Magpapaalam na muna ako at talaga naman antok na din ako. Good night nag sweetdream sa lahat. Bago nga pala tayo matulog wag makakalimot magdasal at magpasalamat s ating panginoon.
Ngayon lang nag ka wifi, nag maintenance kasi ang network ng ginagamit namin wifi. Wala pa din maisip na uulamin dahil may tirang adobo pa kahapon. Siguro ubusin muna nmin ang adobo para bukas iba naman ang ulamin. Pero palaisipan na naman ang uulamin bukas haha.. hays hirap talaga mag isip lagi ng kung ano ihahain sa hapag. Araw araw problema ng mga nanay hahaha. Sa ngayon may nakasalang na akong labahin wait nalang mag banlaw. Hehe
Bonding silang mag ate. Binilihan ko kasi sila ng oreo na biskit at pinag experimentuhan nila gumawa ng di ko alam kung ano. Basta nakita ko lang pinag hiwalay nila ang palaman at ang biskit. Nakakatuwa makita na minsan mgakasundo sila at di nag aaway.
Nagluto ako popcorn para sa kids ko, wala kasi akong magawa kaya yun natitira pang popcorn niluto ko na. Yun isa gusto ng plain at un bunso ko gusto ng may cheese powder. Ayan may meryenda na sila. Di na sila mag attemp magpabili sa labas kasi mainit sa labas. Nakakatamad lumabas. Kayo ang ang naisip nyong meryenda.?
Nagmotor kami ng asawa ko para maghanap ng maiuulam. At ang daing ang pumukaw ng pansin sa akin. Dahil matagal tagal na din hindi kami nag uulam nito. Ang mahal na pala ng daing ngayon. Dating 3 100 ngyon 50 pesos na ang isang plastic. Sana lang makakain ng maayos kasi kahapon pa masama ang tiyan ko. Kayo mga kanoise. Ano ang ulam nyo ngayon gabi?
Late breakfast. Cheese bar from baguio and kape. Pasalubong ng pamangkin ng asawa ko ang ube jam cheese bar at strawberry. Pero itong cheese bar ang nagustuhan ko ang sarap, sakto lang sa lasa. Masarap ipartner din sa kape. Hindi nakakaumay. Dahil wala din sweldo ang asawa ko cornbeef nalang uulamin namin. Buti may stock ako ng delata sa bahay. Haha
Good evening noisefam! Tapos na mag dinner. Bumili nalang kami ng lutong ulam. Fried chicken puro wings and leg part ang pinili ko. Yan kasi ang part na favorite ng mga anak ko. Ngayon nag guide ako sa anak ko sa mga assignments niya. Meron kasi siyang hindi miantindihan kaya naman humingi siya ng help sa akin. Sakit pa naman batok ko ngayon. Wala din kao sa condition pero pipilitin ko pa din na maiguide ang anak ko. Sa mga di pa nakain, kumain na kayo. Wag kayong papalipas…
Nag gayat na ako ng panggisa ko. Magluluto kasi ako ng ginisang isda. Haha! Totoo di ko alam ang tawag. Napritong isda at igigisa at lalagyan ng sabaw yung napritong isda. Nilalagyan din ng itlog kapag kumulo na. Nkaalimuta ko tawag jan sa lutong ganun. Haha Habang nagluluto, kumakain naman ng hlao halo. Mamaya kasi di na ako makakalabas. Gusto ko ksing mag live selling mmaya. Kukunin ko muna ang item sa bahay ng hipga ko hehe.
Luto na po ang Sarciadong isda. Kainan na! Ayan po ang ang naisip kong iluto na ulam para may sabaw ang mga bata. Tsaka bihira lang ako magluto ng ganito. Nakakamiss din kasing mag ulam ng siarciado. Sana magustuhan ng mga anak ko ang luto. Unti unti ko na din natatanggap ang mga nangyayare sa buhay ko. Alam ko dadating ang panahon na maghihilom din ang lahat.
Midnight snack Nanalo kasi ang asawa ko sa ending. kaya nanlibre sya ng minute burger. Hindu niya inaasahan na manalo siya kung baga yun no. Na pinataya sa kanya ay last na at nag sabi ng katrabaho niya na tayaan na yun nahuhuling no. Umoo nalang siya. At kanina nag chat ang katrabaho niya na nanalo. Kaya ayan. Meron kaming midnight snack. Hehehe
Pagkatapos magsuma. Sakto dumaan si suki na nagtitinda ng taho. Di kasi ako ng almusal bago mag sumba para makakilos at magalaw ng maayos. Masarap kasi sa pakiramdam kapag sumasayaw kasama ang mga bagong makikilala. Ilan araw din kasi akong di nakapagsumba dahil ilan araw din sumama ang akin tiyan. Kaya heto ako at nagbalik loob. Haha
Tanghalian na po. Nakasubo na din ako ng kanin. Tska ko naisipan ishare ang akin ulam. Pritong isda at sabaw ng sinigang na manok. Yun pritong isda tira yan kahapon kaya ngayon ko uubusin. Ayaw ko kasi na may masyang kaya kung ano man ang tira kagabi yun ang kakainin ko ngaun. Tsaka masarap po yun isda napadami lang ang akin luto kahapon. Hehe Tara po! Kain po tayo!
Good morning Nakapagbayad na din ng bills sa internet. Waiting naman sa darating na bill sa meralco. Hinay hinay lang sa pagdatin baka sa susunod di na ako makpagbayad at tuluyan maputulan. Pati gasolina pataas ng pataas. Nakakatamad na tuloy gumamit ng motor, aabot na kasi 70 ang isang litro. Kailan kaya makakaipon kasi kada mag iipon ako ganito naman ang nangyayare. Kahit tipirin ko wala pa din. Nakakauma! Hahaha
Masaya na naman ang mga bata. Dumating na kasi ang order nila sa shoppee na slime at cley at may kasamang gummy. Order yan para sa kanila ng papa niya. Para masaya daw sila. Ako naman binilhan ng underwear pero di pa nadatin haha. Waitin pa ako dumatin. Lunch time na pero wala pa akong luto. Bukas delata nalang ulit para hindi hussle. Haha
Hindi ko alam kung ano nakain ng asawa ko at nag aya sa labas kumain. Wala daw kasi akong niluto ngayon kaya kumain kami sa isang kainan sa labas na bagong tayo ngayon sa lugar namin. Panalo ang lasa pati na din nag presentation ng kanilang pagkain. Ang sarap! Sulit ang binayad. Babalik balikan ang kainan na yun. Dahil masarap at mura pa. Matutulog na naman ng busog hehehe. Pero sympre magpapababa ako ng kinain. Mahirap ng hindi magising kinabukasan haha.
Gatang kalabasa Request ni hubby ang gatang kalabasa. Ilang araw din akong wala sa mood magluto dahil sa sunod sunod na problema ang amin natanggap. Sa Awa ni Lord at unti unti nakakarecover. Kaya ngayon heto balik muna sa gulay dahil sa mahal ng bilihin, ang gulay naman ang mababa ang presyo. Ngaluto din ako ng fried chicken para sa mga kids ko. Di kasi sila mkakain ng gulay ng walang kahit anong prito. Tara mga kaibigan kain tayo.
Nagandahan ako dito sa lugar na ito. Para akong sinsaluduhan ng mga puno kasi halera sila. Nag bike kasi kami ng asawa ko at isa ito sa mga nadaanan namin. At dahil mahaba haba na din ang amin napuntahan, sympre ito ang amin nasalubong ang dinakdakan sa kalye. Masarap siya at talaga naman babalikbalikan. Hehe.. Pahinga muna konti at sabak ulit sa pagbibike.
Flex ko lang mga kasamahan ko sa zumba, sobrang nakakatuwa sila. Bigay todo sa pagsasayaw at talagang desidido silang mabawasan ang kanilang timbang. Yung instructor namin gusto kaming picturan ng nakatalon kami. Naka ilan take din kami haha.. Love ko na talaga ang magsumba. Di lng pangpapawis. Nagkakaroon pa ako ng kaibigan.
Nagkukulitan ang dalawang magkalaro. Tuwing hapon nandito ang kalaro ng bunso ko. Katabing bahay lang namin siya nakatira. Mas okey sa akin na dito sila maglaro kasi sa labas maraming sasakyan na nadaan dahil kapag hapon uwian na ng mga nag ttrabho. Nakakatuwa lang silang panoorin kasi minsan mgakaaway sila minsan magkasundo naman. Ganyan lang naman ang mga bata. Ayaw bati ! Hahaha
Kanina, pagtapos mag zumba nag meeting kami kung kailan gaganapin ang aqua zumba namin at kung sino sasama. Pero sayang hindi ako makakasama kasi sa mga araw na yun gaganapin naman ang aking kaarawan. Magswimming din kaming pamilya. Promise kasi namin yun sa mga bata. Grabe enjoy namin sa pagsusumba. Tagaktak ang pawis. Nagbabawas din ako ng kain para masuot ko ang swimming attire ko haha..meryenda na kayo guys!
Dinner time na mga kaibigan. Adobong manok na may kasamang adidas at itlog. Madami na naman kaming makakain kasi ganado akong magluto. Tska master ko na ata magluto ng adobo haha. Madalas kasi yan ang ulam namin. Hindi kasi nakakasama. Kain tayo mga kaibigan.!!