Lunch namin ngayon ay fried galunggong at monggo. Ngayon lang ulit nakapagluto ng munggo. Halos buwan na din siguro hindi ako nakapag luto munggo. Naumay na sila sa niluluto kong toge, pakbet at gisang repolyo haha. Minsan kasi gusto kong ibudget ang sweldo ng asawa ko para umabot ng susunod pang sweldo niya. Sa mahak ng bilihin kahit gulay mataas na. Kung wala lang akong bata, baka laga laga at sawsaw sa nalang sa toyo mansi ang akin kakainin. Minsan nga makita ko lang silang busog, kahit di na ako kumain busog na din ako. Haha O siya kain na tayo!
No comments yet