Tapos na din mag tangahalian di ko na napicturan kasi gutom na din ang mga junakis ko. Late na kasi silang nagsigising at ako naman inariba ko na sa paglilinis ng bahay. Maalikabok kasi ang panahon ngayon. Namili din ako ng amin mauulam habang tulog pa ang bunso ko. Ayaw ko kasi isama sa pamimili dahil dami nakikita. Kailangan mag tipid kasi pamahal ng pamahal ang bilihin. Tapos na din ako maghugas ng plato at rest naman ngayon. Gusto kong kumain ng matamis kaso tamad…
@Reysky in April 2022
Ang sad naman yun cp ko parang masisira na. Nag iiba ang kulay huhuhu! Ayoko pa naman palitan toh. Sayang naman! Lagi kasing nababagsak ng bunso ko ayan nag iiba na tuloy kulay niya. Wala pa naman akong pamalit dito huhuhu! Saklap ng life! Lahat na ata ng kamalasan na sa akin na huhuhu!
Yan ang lunch namin ngayon. Wala pa kasing sweldo si mister dahil na hold. Hindi pa daw kasi nalabas ang kanyan medikal kaya hindi muna siya pinasweldo. Tapos yun cp ko naghihingalo pa. Haha. Kamalas malasan talaga oh! Peri nagagamit pa naman kaya pagtiyagaan ka muna. Nga lang di ko makikita ang magagandang picture kasi malabo na. Ok lang mahalaga natatawagan at nababasa ko pa ang mga chat at txt sakin. Yun ang mahalaga.
Nakatulog ako kahit na mainit ang panahon. Yun pawis ko sa leeg ang gumising sa akin. Summer na summer na talaga. Hindi ko na alam paanong pwesto pa ang gagawin ko. Peri ok lang atlist nakatulog ako. Pero yun katabi ko ito nanonood pa din ng youtube, buti nalang hindibako inostobo. Yun cp ko nag iiba na ngkulay. Ano kaya deperenxa nento. Kanina lang matino pa to. Nanood lang ako saglit unti unti nang lumalabo at nagkakaroon ng guhit. Hay naku naman wala pa akong pamalit wag…
Kanin lang muna ang maipapabaon ko sa asawa ko, dahil hindi ako makapagluto ng ulam dahil na hold nga ang sweldo niya. Mamayang gabi sardinas muna kami. Buti nalang may stock kaming delata sa bahay incase nga na ganito na walang pambili may pagkukunan. Wala din munang meryenda dahil wala talagang pambili. Tiis muna. Sa monday na aayusin ng asawa ko para makuha niya ang sweldo niya. Sad pa din ako!
Ito nalang ang natira na ube pandesal na nabili namin galing sa pagbibike namin. Inabot kasi ng gutom sa kalye habang nag bibike. Ang masaklap nasira pa ang pidal ng bike ng asawa ko. Kaya naghanap kami ng tali at para mahila ko siya, ay ako nalang pala ang hinila nya hehe. Nakarating kami sa aguinaldo shrine. Yung picture nasa cp niya di ko pa nakukuha. Eto nag iisio ng maiuulam ngayon. Baka mag torta nalang ng sardinas para maiba naman. Haha
Walang katao tao sa labas. Kaya sarap tumambay, tahimik at mahangin pa. Pag ganitong oras lang nakakaramdam ng lamig na klima kapag tangahali sobrang init. Mas gusto mo nalang magkulong sa bahay at lalabas ka nalang ng ganitong oras para magchill at mag muni muni. Kung may pera lang sana ako, kahit kape man lang naubos na kasi stock saklap. Bukas aayusin ng asawa ko king bakit pending ang kanyan sweldo. Iba talaga mga agency di man lang magpasabi. Di nila alam nagpapakapuyat…
Bumalik ulit kami dito para maglibot libog. Dami din palang nag Zusumba dito sa Aguinaldo Shrine! Ang tagal kong nakatira sa cavite pero ngayon lang nakita ito ng malapitan. Dati kasi noong nagkarakol sa simbahan lang kami pumunta at sinilip ko lang ito ngayon nakita ko na ng malapitan at nalibot ko na. Hahah
Yung bunso ko wala ng inatupag kundi mag dl sa cp ko ng kung ano anong games. Kaya ganito nangyare sa cp ko lumabo. Hindi dahil sa kaka dl kundi dahil kakabagsag niya sa cp ko. Ayun feeling ko talaga malapit ng bumigay, parang ako! Haha char lang! Laban lang alam kong hindi ako pababayaan ni God. Alam kong pinatatatag ako. Kasi alam ni God na weak ako. Hays!
Chicken Adobo Bumawas muna ako sa naipon kong barya sa akin alkansya para makabili ng manok kahit kalahating kilo muna. Kasi mamaya pa aayusin ng mister ko ang naudlot niyang sweldo. Sana bukas makuha na niya hirap kasi magisip ng iuulam kung wala kang hawak na pera. Minsan kunh ano ano na naiisip ko pero alam kong di kami pababayaan. Laban lang. Hanggat may naitabi may madudukot ng pakonti konti. Hehe
Ano nanguayare sa cp ko! Lalo na siyang lumalabo at nag bblink na. Nakakainis na man oh! Kaw na nga lang ang nagpapaligaya sakin masisira ka pa. Wala na ngang mapaglibangan eh tapos mawawala ka pa huhu. Wag muna ngayon plss.. para kang naghihingalo eh .. ano ba gagawin ko sayong cp ka huhu!
Nakalibre ng hapunan, haha! Naglagay kasi sila ng malaking swimming pool dito malapit sa amin. Pati mga anak ko nakiswimming at nakalibre ng hapunan. Nag ihaw kasi ng manok dito. Wala pong may bday trip lang nila. Haha! Happy happy ang mga bata. Mamaya na mga matatanda naman. Pero di ako mag swimming natatamad ako mag swimming kapag gabi.
Maulan na umaga sa inyo mga kanoise. Himala ata, summer umuulan na. Pero maige din yan para di matuyo ang mga halaman. At ang mga taniman ay hindi mahirapan diligan. Malaking blessing yan sa mga magsasaka dahil ilan araw na din tuyo ang lupa. Kahit mga halaman ko kahit 2 times ko ng diligan natutuyuan pa din sila. At syempre masarap matulog kaapg ganito ang weather kasi malamig. Hehe. Tara at magkape sa panahon na maulan.
Nahihilo akong titigan ang cp ko. Nagbblink kasi. Natanong ako magkano ang lcd ngunit ang price naman ay nakakagimbal. 1900 kasama na ang labor. Sa palagay nyo mura kaya ang 1900. Bigat sa bulsa ng 1900 kaya baka pag tsagaan ko muna hanggat may nakikita pa ako. Ano kaya ang mailutong ulam ngayon. Hindi ko na alam kung ano pwedeng lutuin. nauumay na din kasi ako sa niluluto ko. Haha. Ano kaya ang angkop na ulam ngayon.?
Sinigang na Pork. Bumili ako ng kalahating kilo nauumay na kasi ako sa manok at isda kaya nag try naman kumain ng pork. Tutal nakailbre naman ng hapunan kagabi kaya bumili ako ng pork. Minsan lang naman. Tska naayos na ng mister ko ang sahod niya kaya nakabili ako ng pang ulam namin. Sabaw lang naman ang titirahin ng bunso ko kaai di mahilig sa pork kahit ang pangalawa ko. Ewan ko gusto ko yun taba ng baboy. Haha nag crave na naman ako sa pagkain. Sigro malapit na akong…
Yan un ganap nun kahapon. Sila ang naunang naligo hanggat mababaw pa ang tubig, at excited na din kasi silang maligo. Yun bunso ko nagbihis agad ng pang swimsuit at dahil atat ng mag swimming. Masarap talaga maging bata, minsan ang sarap balikan ang kabataan kung saan masaya kayong naglalaro ng mga kaibigan mo. Dati kasi pag gusto kong magswimming tatalon lang sa dagat ok na. Ngayon kailangan mong bumili ng swimming pool o kaya need pumunta ng resort para makapag swimming…
Sakit ng puso ko! Hanggan kailan ko ba mararamdaman ito
Ginutom na ako! Kaya naman naglagay ako ng kanin sa tasa at nilagay ko lahat ng gulay sa kanin na may tasa, nilagyan ko din ng chili garlic para may anghang. Iba kasi pakiramdam ko kapag may chili garlic mas nasasarapan ako. Pang tanggal nadin ng lumbay kaya kumain na din ako. Basta dinamihan ko chili garlic pa masaya. Mas ramdam ko yun anghang kesa sa sakit na nararamdaman ko haha. Tara kain tayo guys! Baka makadalawang tasa ako haha.
Kahapon, maghapon hindi nagparamdam si haring araw kaya naman ang mga halaman ko buhay na buhay sa pag ulan kahapon. Iba pa din kasi ang binibigay na ginhawa ng ulan kesa dilig. Feeling ko busog na busog sila. Ngayon naman nagpakita ang si araw pero maulap pa din. Sana lang wag muna siyang umulan para makapagpatuyo ako ng labahin ko. Dapat kasi kahapon ako maglalaba dahil walang araw pinagpaliban ko na. Iba kasi yun naarawan ang sinampay kesa sa natuyo lang. Iba ang amoy…
Our brunch for today Siarsyadong isda. Kahapon kasi pork ang ulam namin kaya nagyon naman ay fish baka para maiba naman. Umuulan na naman ngayon, wala atang pag asang makatuyo ng sinamapay wala pa naman akong sampayan sa loob bahay. Pero ok lang hayaan ko muna silang nakahanger ilalabas ko nalang kapag ok na ulit ang panahon. Kain muna pang bawi ng lakas sa paglalaba kanina. Haha
Nandito na ang tropang kapitbahay namin haha! Ano kaya ang dala nilang makakain mamaya. Iniisip ko baka tahong kasi yung ang post ng pamangkin ng asawa ko. Tapos iihawin at lalagyan ng cheese sa ibabaw. Aw kasarap. Sana meron ngang ganun. Any way, nakaidlip ako mga 30 minutes din. Ok na yun atlist nakaidlip diba! Sarap kasing matulog dahil malamig lamig ang buga ng hangin. Magsasaing muna ako, at maya maya papasok na sa trabaho ang mister. Dumating na din nga pala yun…
Nag iihaw na sila ng tahong at talaga naman nilagyan ng garlic at cheese sa ibabaw. Nakakatakam naman tunay ang niluluto nila. Sarap nento may gin na iniinom haha! Pero next time na dahil nun isang araw nag inom na kami. Tamang tikim tikim lang ng tahong na may cheese haha.. tsalap ng may ganitong kapit bahay, iba ang trip! Food trip! Hahaha
Napashot nga pa nga sa mga tropa dito. Di naman masama basta moderate lang. Kasi kapag sinobrahan baka di na ako makapost dito haha.. Minsan lang naman at libre kaya lubos lubusin na. Masaya din naman kasi kahit papaano nakakaginhawa ng pakiramdam. Tsaka ang kainuman ko babae at pamangkin ng anak ko. Nandito din ang panganay ko pero siya hindi siya nainom bawal pa haha. Pag may work na siya tska siya pwedeng uminom. Chill muna bukas iyak na naman haha
Still not eating or drinking water. Dahil wala talaga akong gana! Walang gana sa lahat, walang ganang ngumiti, kumain, uminom ng tubig at iba pa. Ganito pala feeling ng nakasakit ng damdamin ng isang tao. Affected at nasasaktan din ako. Kahit na sobrang tagal na at ang iba ay nakalimutan ko na pero heto bumabalik lahat sa nakaraan. Hindi ko na alam kung ano paano nagsimula pero ang masasabi ko lang SOBRANG SAKIT! Yung sakit kahapon, ngayon nararamdaman ko na naman. Hanggang…
Kaninang umaga dahil hindi maganda ang pag uusap namin ng mister ko, nagbike ako at nagpunta kung san kamig huling nagbike ng mister ko. Sabi ko kasi hindi ko nalibot ang aguinaldo shrine dahil bigla nasira ang pedal niya. Kaya kanina naapgdesisyunan ko na umalis mag isa at doon pumunta. Malungkot pala ang mag isa. Haha! Dati itong ilog na ito maraming basura ngayon may basura man hindi na tulad ng dati na nakatumpok. Luminis ng bahagya ang ilog. Hays! Malungkot pa din pero…
Its meryenda time! Nakabili ako crinkles, bago ako bumili ng marami tinikman ko muna. Kasi yun iba scam eh! Haha.. nun natikman ko ang crinkles tamang tama sa lasa at lambot. Ang sarap! Balak ko pang bumili kapag hinatid ko ang mister ko. Dadaan ulit ako sa bakery mamaya!
Makakalibre na naman ng hapunan. Hahah! Nagluto naman ang tropang kapitbahay! Nanahimik ako sa loob eto niyaya na naman ako! Ngayon lang ulit ako kakain. Nakakahiya kasing tanggihan ang mga toh tinawag pa kasi ako sa bahay para kumain lang. Sige nalang ako, sayang libre din naman! Pero konti lang kakainin ko kasi baka mabgla ang akin sikmura. Sarap talaga na may kapit bahay na mahilig mag food trip haha!
No more libre na ngayon, tanghalian na kasi. Sa gabi lang ang madalas na libre hapunan haha! Kaya nagluto ako ng walang kamatayan adobo peri nilagyan ko siya ng pineapple tidbits para maiba naman ang lasa. Tapos yung tirang kanin kagabi siningag ko para maiba din ang tanghalian. Di talaga dapat adobo ang iluluto ko, dapat talaga monggo tinahali kasi ako ng gising. Napasabay ako ng tulog sa mister ko. Ayan tuloy wala tuloy akong nagawa ngayon umaga haha.. try ko magsalang ng…
Late na nakapagtanghalian, late na din kasi nagising mga junakis ko! Kapag walang pasok kinabukasan nagpupuyat sila at naglalaro ng roblox ng mga pinsan nila. Baliktad kasi ang oras nila dahil ang kalaro ng mga anak ko nasa kuwait pa. Dun na kasi nanirahan mga hipag ko. Nandun din kasi ang business nila. Hinayaan ko na lang din silang maglaro kasi walang kalaro ang mga pinsan nila dun. Ang anak ko di naman in nalabas ng bahay. Yan nga pala ulam ng bunso ko boiled egg, sa…
Nood muna ng movie para malibang ako. Di kasi ako masyadong makatitig sa cp ko kasi sobrang labo na niya. Kung pwede ko lang picturan para makita nyo ay ppicturan ko. Haha! Kaya tv muna ako manonood. Mejo nalulungkot na naman ako. Ewan ko ba parang hindi na ata matatapos ang problema ko. Pero sige lanh tuloy lang ang buhay. Hays! Sakit talaga ng puso ko. Haha
Good night noisemate Tulugan time na! Pero hindi pa ako inaantok kasu nagkape ako kanina. Pero need ko na matulog kasi maaga gigising dahil magbibike kami ng mister ko bukas. Saan kaya kami dadalhin ng mga paa bike namin haha. Bukas nga pala palaspas na! Matagal tagal na kaming hindi nagsisimba na sama sama dahil mahirap kasi kapag may kasamang bata. Hindi ka makakapokus sa sermon ng pare, minsan kasi ang bata naiinip sa loob ng simbahan mas gusto sa labas kaso kapag sa…
Napaayos na amg cp ko! Ang sarap na sa mata tingnan ang ang cp ko! Hindi na masakit sa mata hindi na din nag biblink haha! 1600 ang bayad sa pagpapagawa ng cp ko. Inabunuhan muna ng asawa ko ang pagbayad sa cp. Malinaw na ko ng mababasa ang mha post dito. Haha!
Kahit hindi friday mag momonggo ako. Wala lanh namiss ko lang kumain ng monggi. Matagal tagal akong hindi nakakapag luto ng monggo. Sa ngayin malungay lang muna ang akin napicturan mamaya na yun menu ko hehehe. Habang nagluluto na din nag hihimay na ako malunggay para pag naluto na ang monggo sunod sunod ang akin gagawin.
Lunch namin ngayon ay fried galunggong at monggo. Ngayon lang ulit nakapagluto ng munggo. Halos buwan na din siguro hindi ako nakapag luto munggo. Naumay na sila sa niluluto kong toge, pakbet at gisang repolyo haha. Minsan kasi gusto kong ibudget ang sweldo ng asawa ko para umabot ng susunod pang sweldo niya. Sa mahak ng bilihin kahit gulay mataas na. Kung wala lang akong bata, baka laga laga at sawsaw sa nalang sa toyo mansi ang akin kakainin. Minsan nga makita ko lang…
Parang ang lapit lang ng rainbow sa amin sarap umakyat at mag slide haha. Parang bata lang noh! Ngayon lang ako nakakita ng rainbow na parang ang lapit lang na parang kaya mong akyatin. Sana maganda ang pahiwatig ng rainbow na ito. Sana walang sakuna o kahit na anoman na trahedya. Ewan ko ba. Pero si Lord pa din ang nakakaalam ng lahat ng nangyayare sa mundo. Ganda talaga ng rainbow hindi nakakasawang pag masdan. Hehe
Sinigang na isda ang amin hapunan. Nakahanap din ng isda na gusto ko. Kaso hindi ko lang alam ang tawag sa isda niluto ko. Ni prito ko muna bago ko sinabawan at nilagyan ng pampaasim. Kay sarap at tiyak na mapaparami ang akin kain. Masarap kasi itong isigang kahit na malansa ito. Kaya hinugasan ko sa suka para mawala ng bahagya ang lansa. Kaya tara kumain tayo.
Tanghalian na pero tulog pa din ang bunso ko. Ang aga kasing nagising kanina at ngayon heto tulog pa din. Pero sympre hayaan ko muna matulog pag gising nalang niya ko siya papakainin. Walang konek ang picture ko sa post ko dito. Wala kasi talaga akong maisip. Hanggan ngayon kasi magulo ang isip ko. Hindi ko nga maturuan ng maayos ang anak ko. Ewan ko ba. Bahala na Lord! Hehe
Habang papunta ng matabungkay batangas, namangha ako sa kapaligiran na nadadaanan namin. Ngayon lang ulit kasi ako nakabiyahe ng malayo layo. Manghang mangha talaga ako sa mga nadaanan namin na kapaligiran. Green na green at patag kasama ang mga bundok na nakalitaw sa kapatagan. Ang sarap pagmasdan ng atin kalikasan. Nakaka wala ng stress. At mapapasabi ka nalang na Thank You Lord!
Swiming swimming muna kami mga guys! Nagpapakain kami ng isda sa ilalim ng dagat. Kaso iniiwasan ako ng mga isda, ang gusto ko lang naman bigyan sila ng foods hahha. Baka di nila trip un pakain ko kaya snab nila ako. Sayang lang di ko nakunan ng pict ang ilalim ng dagat. Puro video lang at cp ng asawa ko ang gamit ko. Water proof kasi ung cp niya. Kung pwede lang wag na umahon, hindi na ako aahon. Dito nalang ako sa dagat haha
Graduation pic na ng panganay ko, parang kailan tinuturuan ko pa siya kung paano mag basa at magsulat ngayon nag iisip ng para sa future niya. Parang kailan, kasa kasama ko kahit sa ako magpunta ngayon ayaw na niya sumama kasi may iba na siyang lakad. Dati pili lang ang kinakain ngayon lahat ng ihain mo kakainin na niya. Parang kailan lang may binata na ako..
Ngayon lang nakapag kape, nalate kasi ako ng gising at pag gising ko di ko agad naisip magkape, yun mga dapat king gawin ang inuna ko. At dahil tapos na din eto mag chill muna kasama ng kape. 3 days wala ang hipag ko dahil nag bakasyon sila sa batangas. Dun muna sila magbabakasyon para makapag enjoy ang mga anak niya. 3 years din kasi silang nawala sa Pilipinas kaya ngayon nag bakasyon sila, sinusulit na nila ang pupuntahan nila. Hindi na kami sumama kasi famili bonding nila…
Gawin almusal ang hapunan. Ito ang trip ng tropa dito. Dahil lagi daw silang tanghali magising at di na nila natitikman ang pagkain almusal kaya naman nagluto sila at ngayon daw sila mag aalmusal. Lakas ng trip nila kaya naman pati ako napakain din. Sa bagay kahit ako di din nag aalmusal mas madalas kape lang ang inaalmusal ko. Kahit di na mag almusal nakapag almusal na ngayon hahaha..
Adobong pork ang tanghalian ngayon. Actually kahapon pa namin ulam yan at dahil nakalibre ng kain kagabi ito ang tanghalian ko. Mas trip kong kumain sa bowl kesa sa plato para mas feel ang kain lalo na kung tuyomg adobo ang akin ulam. Kaya tara lets eat mga kanoise.
Ang ganda ng nabili ko sa shoppee pang isang tao lang ang sinaing. Pwede ka din magluto ng noodles dito. Pwede mo din bitbitin kahit saan. Basta may saksakan lang ang pupuntahan. Hindi ako nagsisi sa akin nabili mura lang siya. Parang gusto ko pang bumili pero yun pwede ka naman mag prito. Next time un naman bbilhin ko basta may sobra lang na pera bibili ulit ako hehe..
Hindi pa nga makakaboto, na deactivate pa nga ang akin pagboto. Di man lang nila sinabi na kapag di nakaboto ng isamg beses my chance na madeac ang voters ko. Saklap naman. Pero ok lang atlist di ako mahihirapan pumila sa initan. Pero nakakahinayang pa naman. Sayang din ang isang boto ko sa gusto kong presidente. Panalangin ko na sana siya ang manalo. Sana sana!
Dito kami nah swimming nun last sunday. Private pool siya. Dahil bday ang apo sa pamngkin ng asawa ko. Ang ganda dito sobrang relaxinh. Nga lanh sobrang init talaga naman masusunog ang balat mo kapag nagbabad ka sa swimming pool. Ako nga saglit lanh nag swimming ito nangitim agad haha.. pero ok lanh sobrang enjoy naman. Meron din kasing palaro at nanalo naman ako. 4 na babasahin plato ang aking napanalunan at 4 na mangkok. Nagbabalak na naman silang magswimming sympre kasama…
Ang yabang daw ng katabi niya. Pero idol naman niya ito. Haha Natawa lang ako sa sinabi niya. Akala namin kung sinung tinuturo niyang mayabang yun pala si superman. Nilagyan niya pa ng shade at nagpapicture sa akin kasama si superman. Ayun mejo bored ako ngayon. Tinitingnan ko yung mga picture namin nun sunday pati na din video. Nakakatuwa kasi ang kaganapan nun linggo lalo na ang prizes haha. Sana maulit ulit.
Malaan pa! Magtatanong tanong din ako. Gusto ko sana bumoto kaso loko sila ahaha
May tira pa akong cake na mamemeryeda ngayon hapon. Wala na talaga pataba na naman ako. Iba kasi kapag nandito ang mga hipag ko na balik bayan, laging may pagkain. Ang laki nga na natitipid ko ngayon kasi hindi ako nagluluto. Sa kanila kami nakain dahil lagi kaming pinatatawag. Parang laging may fiesta sa bahay. Laging maraming pagkain. Kaya ito sinasamantala ko na. Nag iipon din ako para incase na umalis na sila at bumalik sa ibang bansa may mabubunot ako. Hehe.. mababait…
Happy na naman ang bata! Nakapag swimming na naman sila! Ang balat na naman namin kulay tan! Negra na naman haha! Ang hirap mag paputi madaling mag paitim haha. Pero ok lang hanggat nandito hipag ko enjoy lang kasi lagi nag aayamg mag swimming. Nagbabalak na naman sa beach naman ulit na may kasamang pool. So excited again. Haha
Nahiya pa sila! Hindi pa inubos haha! Sige na simutin ko na at sayang naman kapag hindi nakain. Tsaka mahilig din ako sa cake. Ewan ko ba iba ang kaligayahan na naibibigay na kaligayahan ng cake sa akin kaoag kinakain ko. Lahat ng stress ko nawawala. Isama na din ang mainit na kape. Kapag hinihigop ko. Ibusin ko muna ito at sayang eh laman sikmura din haha
May natira pa akong cake. Chocolate flavor naman. Ako lang kasi mahilig sa chocolate flavor ang mga anak ko ang gusto mocha. Kaya sa cake na ito wala akong kaagaw. Ako lang ang kakain. At dahil nalulungkot ako sa di ko na naman alam ang kadahilanan eto kakain muna ako ng cake. Isa kasi ito sa nagpapasaya sa akin. Ewan ko ba. Sarap na sarap ako sa cake lalo na ang chocolate. Wala akong pake kung tumaba ako basta nakain ko ang gusto ko. Hehe
Boiled Egg Nagpakulo ako ng tubig para magluto ng boiled egg. Gagawa kasi ako ng palaman. Yung may mayonaise. Request kasi ng mister ko kaya eto gawa muna ako. Almusalin daw niya. Ako naman ayaw ko kumain kasi hanggan ngayon busog pa din ako. Nahihirapan din akong dumumi kahit panay na inom ko ng tubig. Napigil ko kasi ito kaya ngayon suffer na ako. Mamaya pupunta kami ng school ng anak ko. Pagbabasahin daw kasi prinsipal at kailangan f2f. Kahit mejo malayo kailangan…
Halo halo sa tag init! Sarap kumain ng halo halo ngayon dahil talagang ramdam na ang init ng panahon. Ang mga fan namin wala na din tigil sa kakaandar dahil kapag walang fan, tagaktak ang pawis. Pero ienjoy ko muna ang pagkain ng halo halo na siya naman nakakapukaw ng init ng katawan. Kakauwi ko lang din galing school ng anak ko kasi pinagbasa sila ng principal. Tiningnan kong sa online class kung natutoto ba ang ang bata. I think natututo naman dahil ang teacher nila hindi…
Dahil mabenta ang akin yelo, gumawa na ako ngayong gabi para bukas lahat sila matigas na. Samantalahin ko na habang mainit ang panahon. Sadyang mabili ang yelo ngayon. Kahit konti nakakaipon ipon ako. Minurahan ko na ang pagbebenta ng yelo para sa akin sila bumili. Mineral water tapos tres pesos lang san ka pa. Haha. Kaya kakatuwa dami nabili ng yelo. Kung malaki sana ang akin ref mas marami akong magagawa. Good night noisemate, salamat sa inyong lahat na tumatangkilik…
Nakapamalengke na din sa wakas. Sinamantala ko na walang masyadong araw dahil kapag maaraw nakakatamad na lumabas. Kaya maaga palang namalengke na ako. Bago din ako umalis nag salang na ako ng labahin para pag uwi ko babanlawan nalang. Inayos ko na din lahat ng napamili at lulutuin ko para mamaya isasalang ko na din. Magluluto kasi ako ng pininyahan na manok. Binabad ko muna sa pineapple ang manok para manuot ang lasa. Naggawa nadin ako yelo para mamaya di na ako gagawa. Nag…
Charan! Luto na ang aking Pininyahan Manok. Kakain nalang kami! Tapos na din akong maglaba dahil nagbawas lang naman ako. Ayoko naman pagurin ang sarili dahil may bukas pa naman. Sympre kapag hapon mag chill nalang ako dahil di ko din kakayanin iba ang init kapag ganitong oras. Baka himatayin na ako sa init. Sa kusina pa nga lang tagaktak na ang pawis ko. What more kapag nasa labahan ako edi lalo na. Kaya minabuti kong agahan ang kilos para maaga din matapos. Tara at mag si…
Dumating na ang order kong turon na tinda ng aking kumare. Nag post kasi siya sa fb at namiss ko naman ang kanyan tindang turon kaya naman nag message na ako sa kanya baka kasi maubusan ako. Mabili kasi ang kanyang tinda dahil masarap at crunchy ang kanya tindang turon at bannaque. Pero turon lang muna binili ko. Kasi gusto din ng mister ko ng turon. Malalaki at sulit na sulit sa halagang 12 pesos. Isa lang mabubusog ka na.
Nakalibre na naman ng hapunan. Busog na busog na naman kami ng mga junakis ko. Nailibre kasi kaming kumain sa tapsihan dahil tinatamad na din sila magluto kaya nagpunta nalanh ng tapsihan. Sana hindi nalang ako omerder dahil un tira nh bunso ko ako din kumain kaya ito sobrang busog na busog na naman. Di na ako makahinga. Haha.. Di ko na din napicturan kasi di ko na din naisip basta bakbak agad sa kainan. Haha