0
5
bilang isang studyante na galing probinsya tapos nag aral sa syudad ay sobrang hirap Hindi dahil sa mga aakademya kundi dahil s lungkot na nararamdaman na ma walay sa magulang. Naging mahirap para sakin kasi first time ko malayo sa kanila Hindi ko inaasahan na ganito pala ang feeling na iiyak ka nalang sa gabi o madaling araw dahil na mimiss mo Sila. Pero Wala akong magawa kasi sinimulan ko na nakapag disisyon nako na dito mag aral at dapat Kong gawin ay tapusin ang aking sinimulan. At sa awa ng Diyos mag se second year na ako sasusunod na pasuka . Ang masasabi ko Lang sa mga studyante kagaya ko na naagaaral sa malayong lugar pakakatatag Lang tayo guys! Ma ta tapos rin natin to para paka bawi sa parent natin!