Diba sabi nga sa kanta. "Learning to love yourself is the greatest love of all" so, simulan mo sa pag-iingat mo sa sarili mo. Kumain ka nang maayos, simulan mo na ang pag-eexercise, huwag kang magpuyat, umiwas ka sa mga bagay na magpapastress sa 'yo.
Hiling ko rin 'to para sa sarili ko. Sana makamove forward na tayo. Sana malampasan na natin ang lahat ng mga challenges na kinakaharap natin
"Buti ka pa masaya ka na ngayon."
Sinabi yan sa akin kanina ng kaibigan ko. Bigla kong naappreciate yung mga journey na nalampasan ko, mga taong nakilala ko, mga aral na natutunan ko.
Sabi ko sa kaibigan ko, yung happiness naman ay hindi absence ng mga problema, nandoon pa rin naman yun, pero it's about choosing to be happy, loving ourselves and learning from all the challenges na dumating sa buhay natin.
God is good. Never Siyang nang-iwan.
Sa tamang oras, sa tamang pagkakataon, darating din yung moment natin na mananalo tayo sa laban ng buhay. MASAYA, PANALO, PAYAPA.
Ako kasi kapag nagawa ko na yung lahat at pinilit pa rin niya yung sarili niya, hinahayaan ko na lang para matuto siya sa buhay.
Wala naman tayong control sa mga gagawin ng mga tao sa buhay natin e. Baka kailangan nilang maranasan 'yon para mas matuto. And I think, okay lang 'yon.
TALO NA NAMAN. Broken na naman. Disappointed na naman. Failed na naman.
Baka naman kailangan mo mung ipahinga yang PUSO mo. Baka kailangan mo munang huminga saglit... o kahit nga matagal eh. Natutunan ko yan sa laro, kapag sunod-sunod ang talo, pahinga muna.
Salamat. Sarap pakinggan no? Ang saya sa pakiramdam na makarinig ng ganyan sa mga taong mahalaga sa 'yo. Libre lang naman ang appreciation. Wala namang bayad yung salitang salamat at thank you. Yes, libre lang pero iba yung epekto na naibibigay sa mga taong nasasabihan nito.
Salamat sa suporta.
Salamat sa oras.
Salamat kasi nandiyan ka.
Salamat sa pakikinig.
Salamat sa mga aral.
Salamat sa biyaya.
Salamat kaibigan.
Salamat mga magulang.
Salamat kapamilya.
Salamat Paginoon.
Maging mapagpasalamat tayo.