Baka kailangan mo nang baguhin yung kung saan ka nasanay. Baka kailangan mong baguhin yung sarili mo para maprotektahan ito para sa ibang tao. Baka kailangan nating maging better na version natin. Nasa huli ang pagsisisi kaya dapat habang kaya pa, habang pwede pa, baguhin na natin yung mali at i-maintain kung ano ang tama. Madaling sabihin, mahirap gawin. TOTOO NAMAN. Mahirap gawin pero kapag nagawa mo, sure na yung peace of mind mo. At least sa 'yo, wala nang bigat sa puso mo. Madalas, sa pagiging emosyonal natin, nakakapagbitaw tayo ng mga salita na later on makakasira sa relasyon natin sa ibang tao - romantic relationship, friendship, family, etc. We tend to hurt people with our words kapag masyado tayong emotional.
Dahil rin sa mataas na emosyon, nakakagawa tayo ng desisyon na pagsisisihan natin sa future.
Kaya kapag alam mong nasa highest emotional state ka pa, layo ka muna, pakalma ka muna, hinga ka muna para kapag magsasalita ka na, kapag gagawa ka na ng desisyon, utak ang gagana, hindi ang emosyon.
0
32