Plato

0 16

Pinakamataas ang presyon ng tao pag gising sa umaga. Circadian rhythm, ang tawag, isang natural phenomenon ng katawan. Sabi ng Siyensiya, ang pagtaas ng blood pressure sa umaga ay likas. Dito rin kasi na re release ang adrenaline na kailangan ng katawan

Para itong Jumpstart sa nanghihinang makina.

Pwede mong gamitin ito sa dalawang emosyon. Excitement o kabaligtaran, saya o kawalan ng gana.

Naalala ko ang isang kaibigan masayahin, puno ng wit sa katawan. Pag nakilala mo, hindi mapupuna ang kapansanan at mahal ng karamihan. Isang araw, nag iba ang kulay ng bahaghari nyang buhay... Isang matinding karamdaman... dahil dito bawal na pati pagkain. Lahat ng pagkain. Padadaanin na lamang sa tubo ang liquid para sa kanyang nourishment.

Imagine, buhay ka pa, pero hindi ka na pwedeng kumain..Dalawang plato ang inihain sa kanyang kalagayan... Ang sumuko o mabuhay.

Pinili nya ang huli. Tinamaan sya ng depression oo, pero nagpatuloy sya. Para sa kanya, hanggat nabubuhay... mabuhay.. Kahit mahirap isipin ang marami nyang 'paano' at hagilapin ang sagot sa mga 'bakit' , nabigyan sya ng Dios ng drive na kahanga hanga - laging looking forward sa umaga.

Ganito rin ang naging karanasan ni Job sa lumang tipan. Mula sa dating masaya, marangya at malusog na buhay, bigla na lang nawala sa kanya ang lahat. Mga anak na sabay sabay na namatay, ang mga yaman na sabay sabay ring nawalang parang bula...walang wala na, iniwanan pa ng kanyang asawa..

Nawala kay Job ang lahat. Lahat lahat. Siguro noon, kada mulat ng kanyang mata, gusto na nyang pumikit uli para bukas na agad... Nalungkot ba sya? Super.. Pero anong sabi nya

'Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag alis; purihin ang pangalan ng Panginoon' . Job 1:21

Si Haring David, dumaan din sa malulungkot na umaga. pero sa gitna ng hirap, sinabihan nya ang sariling ' Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.'

Awit 43:5

Sa susunod na pagmulat ng mga mata mo, at mag shoot up ang BP dahil sa sari saring concerns....pangambang dulot ng pandemya, bills na bayarin, negosyong haharapin, moving on mula sa masakit na heartbreak, mabigat na karamdaman...

Anuman ang anggulo ng sikat ng araw, piliin mo ang plato ng excitement at sabihin sa sarili, ang Dios ay nananatiling mabuti dahil every gising is a blessing.

6
$ 0.00

Comments

Naranasan ko na din madepress o mawalan ng pagasa sa buhay. Sobrang stress ako at parang may kaba sa aking dibdib. Pero nilabanan ko dahil gusto ko pang mabuhay. Sa ngayon. Ok na ako dahil nalagpasan ko na ang problemamg yun. Pero di maiiwasan na malungkot parin. Sana di na ulit maulit iyon dahil sobtang hirap kapag naranasan mo iyon.

$ 0.00
4 years ago

না না কি জারা আপ কারকে দিখাও না জ্বি ,,,, আপনার পোস্ট টা পড়ে ভালো লাগলো কি লিখছেন আমি জানি না তো কে করব এবং প্রতিদানে তাদেরকে আটককরা হয়েছেআমার অক্টোবর থেকে দূরে রাখতে পারি ওকেতাহলে একটা

$ 0.00
4 years ago

This story is very mind blowing. I think you keep write again and you post many same story.thanks.

$ 0.00
4 years ago