read.cash Log in

@Rejen

Joined 18 October 2022 · 64 posts

A mom of two. Loves nature

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Rejen

“And Joshua said unto all the people [of Israel], … choose you this day whom ye will serve; … but as for me and my house, we will serve the Lord” -Josh. 24:2, 15 Have a blessed day noisers!

@Rejen

Happy Sabbath day to all! I hope that we can find happiness in this trying times. Maging strong lang tayo sa pag harap sa mga pag subok sa buhay. I know that we have a loving Heavenly Father and He is mindful of us. I am praying na safe tayo ngayong araw na ito. Let us choose to be happy!! ♥️ Throwback picture muna tayo.

@Rejen

Natulog kami nang 9:30pm pero bandang mga 10:30pm nagising ako kasi maraming firetrucks na dumaan, nasa tabi lang kasi nang kalsada ang Bahay namin. Paglabas ko ang kapal nang usok.. may sunog pala sa katabing sitio. Nakakatakot at nag alala ako sa mga tao na apektado. Hindi kasi makapasok agad ang firetrucks and firefighters doon kasi maliit lang ang daanan. I hope okay lang mga tao doon, another trials ito sa kanila. Praying for their safety. Ang litrato sa baba kuha nang kaibigan ko na distansya lang ang Brgy. Nila sa amin. Malayo sila pero kita nila ng kapal nang usok. Hindi ako makapag picture kasi maraming tao at hindi pweding pumunta doon.

@Rejen

Alam nyo yong naka plan na yan yong gagawin ngayong araw na ito tapos biglang nag iba ang decision at hindi na nangyari ang dapat sana mangyari? Minsan very disappointing at mawawalan kana nang gana kong mag focus ka don sa negative na nangyayari. Pero, I'm striving to understand sa lahat nang mga situations na hindi ko naman kontrolado. It takes so much patience ang humility para maintindihan. Hindi naman tayo robot na madali lang baguhin ang emotions, but as for me, I'm trying to overcome the feeling of disappoinment. Hehehe. Mga ka noisers naranasan nyo naba ito? Share nyo Naman dito. Heheh.

@Rejen

Kagabi pumunta ang mother in law ko sa bahay namin. Malapit lang naman bahay nila sa bahay namin mga 5 steps lang.. heheh magkatabing apartment lang. Heheh. May binigay sya sa akin na lotion sabi nya magugustuhan ko daw ang lotion na binili nya kasi hindi malagkit sa balat. Nagpasalamat ako sa kanya dahil sa kabaitan nya at naisip nya akong bigyan nang lotion. Ang brand nang lotion ay Bello sabi ko sa kanya na " Ma, only Bello tuoches my skin." 😅 Tumawag sya pero parang walley ang joke ko. Hahah.

@Rejen

Magandang umaga sa ating lahat mga ka noise. Masaya ang bungad sa akin ngayong umaga kasi namulaklak ang orchids namin sa bahay. Iba ang impact sa aking sarili kapag may nakikita akong mga bulaklak ang gaan lang sa feeling. Kumusta ang umaga natin ngayon mga kaibigan?

@Rejen

Natapos ko rin ang mga unreads mga kanoise at nakapag comment din sa mga ibang post. Tulog mona ako mga ka noise hanggang sa muli. Heheh. Good night sa ating lahat. ♥️

@Rejen

Sa wakas tapos na akong mag tupi bang mga damit. Tinulingan ako nang bunso kong anak kasi ng ate nya tulog pa hanggang ngayon napagod sa exam at kakaikot sa Ayala. Hindi kona na picturan ang mga natupi kasi late na nang ma realize ko. Heheh. Satisfying ang feeling dahil may natapos akong mga gawain sa buong araw. Relax mona tayo kaunti mga ka noise. 🙂

@Rejen

We are here at Ayala mall because my husband need to buy a monitor for his work. All the monitors are so expensive but we are trying to search a chipper one. I hope we can find. Any suggestions from you noisers? What brand we can buy that have good quality but it's not so expensive?

@Rejen

Maulan na umaga sa ating lahat mga ka noisers. Kanina pa akong madaling araw nagising kasi maaga ang exam nang anak ko. Ngayon lang ako may time na makapag post dito. Heheh. Buti nalang nakapaglaba ako kahapon at natuyo na ang mga damit kasi mainit kahapon. Ready to fold nato lahat at e plantsa. Kumusta araw nyo ngayon mga ka noise?

@Rejen

Nakakapagod ang araw nato pero, I'm still grateful kasi may lakas ako para tapusin ang lahat nang gawain sa araw na ito. Ang asawa ko ang nag luto lahat. Mahilig kami sa sea foods kaya yan ang ulam namin for our dinner. I'm so grateful for my husband kasi kahit pagod din sya sa work nya hindi sya nag rereklamo kusa nya akong tinutulungan. #grateful

@Rejen

I took this selfie yesterday at San Remegio Beach Club. I asked my son to give his best smile and he did. What a wonderful smile from a cute little boy. As you can see on the photo he's the boy version of me. Heheh. I just wanna flex this memorable photo of us together. My eldest daughter wasn't able to join us because she was busy playing in the play ground.

@Rejen

Good morning noisers!! Heheh. Matagal tagal na din akong hindi nakapag post. I hope we are all doing well lalo na sa ating pamilya. Whatever challenges and trials that you're facing right now. I know that we have a loving Heavenly Father, He will help you to overcome those trials and He knows your desire. We only need to put our full trust in Him. Have a great day ahead everyone!

@Rejen

Kindness Begins with Me I want to be kind to ev’ryone, For that is right, you see. So I say to myself, “Remember this: Kindness begins with me.” Children's Songbook 145

@Rejen

Tomorrow is my father's birthday but because of the hectic schedule, we decided to celebrate his birthday today. I saw his happy face as we went out with him on his birthday. It's really a simple celebration. He is now 71 years old. I'm so grateful that he's my father for if not for him I will not have the opportunity to be born here on earth. I love my parents. They are important to me.

@Rejen

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa kakaisip sa mga taong na apektuhan nang bagyo, baha and landslide. Nag message ako sa mga kaibigan at kakilala kong kumusta na sila sa lugar nila may iba na nag reply pero, may iba din na hindi siguro dahil wala silang kuryente. Mga ka noise kailangan nating mag ingat at mag prepare every needful thing katulad nang 72 hours kit para kong may kalamidad meron tayong magagamit at makain bago dumating ang mga government help. "If ye are prepared, ye shall not fear. "(D&C 38:30)

@Rejen

Sabi ko sa mga anak ko before kayo matulog picturan ko muna kayo. Sabi nang anak kong lalaki pa cute lang ako mommy.. Ang isa naman sabi niya ngiti lang daw sya na hindi kita ang ngipin. 😊 Nakakapagod ang araw na ito.. pero, grateful parin ako kasi safe kaming buong pamilya. I pray that all of us can feel the love of our Savior Jesus Christ and find comfort despite sa lahat nang nangyayari sa mundo. Good night sa ating lahat!!

@Rejen

Snacks namin kanina masarap ang doughnuts na ito kasi hindi sya masyadong matamis. Favorite nang mga bata. ❤️

@Rejen

Life has been very hard for each one of us, lalo nat may mga natural disasters na nangyayari. Kawawa ang mga taong na apektuhan nang bagyo at baha. Ang sakit sa puso na nakikita na nasa kasagsagan nang baha ang pamilya na hindi pa na rescue. At may mga pamilya na walang damit at makain. Mag abot tayo nang kaunting tulong kahit kaunti lang. Kong merong mag reach out sa atin na need nila nang tulong magbigay tayo. Ang Diyos na ang mag bigay nang biyaya sa atin lalo nat taos puso tayong nag abot nang tulong. God bless sa ating lahat.

@Rejen

Matagal ako nagising kanina kasi maulan dito sa amin kagabi pa. Medyo lumakas din ang hangin dito sa amin kasi nasa elevated area kami. Pero okay lang naman kami dito. Dahil matagal ako nagising, ang asawa ko ang naghanda nang agahan namin. Masarap ang mga niluto niya. Kaya busog kaming lahat. 🥰 Good morning at mag Ingat tayong lahat! ❤️

@Rejen

Feeling ko ang bilis lumaki nang mga anak ko. Parang kailan lang karga ko pa sila tapos ngayon ang bilis nang tumakbo mahirap nang habulin. Kailangang bigyang halaga ang bawat minuto na kasama natin ang ating mga anak. Kong gusto nila tayong kausapin bigyang natin nang panahon. Kasi darating ang panahon na mahihirapan na tayong kausapin sila. Kong clingy sila..okay lang yan, hindi sila forever maging clingy sa atin. Treasure natin ang panahon na kasama sila. Ang sarap maging nanay.

@Rejen

Kinasal kami noong June 22, 2012 10 years na kaming mag asawa. Nag start kami na walang wala talaga studyante pa sya non. Pero, before kami kinasal nag usap kami na kailan man hindi namin pag aawayan ang pera at hindi kami mag sisigawan kong may hindi pagkakaintindihan kailangan pag usapan nang mahinahon at iwasan na mag blame sa isat- isa. At yang mga pangako nayan tinupad namin pareho. Hindi ako sinigawan nang asawa ko kailan man at ako din sa kanya. Maraming pagsubok dumating sa buhay namin pero nagtutulongan kami na ma overcome namin yon. Merong mga hindi pagkakaintindihan pero pinag uusapan namin nang mahinahon para malutas kong ano man ang problema. Hanggang nagka anak kami at sinasabi namin sa mga anak namin na dapat magmahalan silang dalawa at hindi mag away. Gusto ko lang e share sa inyo na pwede palang maging peaceful ang buhay mag asawa lalo nat may commitment tayo sa isat- isa na aalagaan natin ang relasyon na meron tayo. Mahalaga na sa pamilya nauuna ang pagmamahal natin sa Diyos at yon ang mag bless sa atin na maging matiwasay ang pamumuhay kasama ang pamilya na may pagmamahal sa isat- Isa.

@Rejen

Kanina habang papunta kami sa airport para sunduin ang kapatid nang asawa ko naalala ko na nawala ang cellphone ko. Ang naalala ko lang talaga nilagay ko sya sa bulsa ko. Pero, pag dukot ko sa bulsa ko walang laman ang bulsa ko. Hindi ako mapakali kasi maraming info ang nasa cellphone ko. Tumawag ako sa pamangkin ko na naiwan sa bahay pinahanap ko sa kanya pero, hindi nya talaga mahanap at ang masaklap pa naka silent ang cellphone ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay paano na.. Hindi ako maka post sa noise kasi doon sa cellphone nayon naka install ang noise. app ko. Natagalan kami sa pag uwi kasi heavy ang traffic at may pinuntahan pa kapatid nang asawa ko. Kaya mahaba habang kaba ang naramdaman ko. Sabi ko sa asawa ko na Dad.. Ang cellphone ko.. ang sagot nya "makikita natin yon mommy hwag kang mag alala. Pero, ang mga anak ko tinutukso nila ako sabi nila na "nawawala na talaga yon mommy" Mas grabe ang kaba ko dahil sa sinabi nila hanggang sabi nang panganay kong anak na "mommy pray tayo na makikita natin ulit ang cellphone mo." Nag pray sya para makita namin ang cellphone. Pagkarating namin sa parking area hinananap nang asawa ko at yon.. Nakita na nya cellphone ko. Ang saya ko na sa wakas nakita nang asawa ko ang cellphone na bigay nya sa akin noong birthday ko last year kaya hindi pwedeng mawala. Nagpapatotoo talaga ako na ang panalangin ay isa sa paraan kong saan makakausap natin ang ating Ama sa Langit at alam ko na ang prayer natin sinasagot talaga nang Panginoon. Nagpasalamat ako sa anak ko nang dahil sa prayer nya nakita nang daddy nya ang cellphone. Kaya nakapag post ako ngayon.

@Rejen

Malamig na umaga sa ating lahat!! Kain mona tayo nang tinapay na may hot choco pangpagising. Heheh Umpisahan natin ang ating araw na may pasasalamat sa Panginoon. Another day, another life! Smile mga ka noise. 😊

@Rejen

The Lord knows whatever it is that you are going through. No matter how impossible it may seem, all things are possible because of Him.

@Rejen

At some point in our lives, we will all experience failures. But what's important is despite all of those failures, we are learning and becoming better each day. Rainy morning thoughts.

@Rejen

Iba talaga ang feeling kapag malapit na ang pasko. Para sa akin iba ang saya na dulot nito sa aking sarili. Gusto ko lang ibahagi ang simpleng dekorasyon sa aming tahanan. Si Hesu Kristo ang dahilan kong bakit may pasko. Kaya, maging mapagmahal sa lahat nang tao katulad nang pagmamahal nya sa atin.

@Rejen

In that picture, the lady in red is my childhood friend. As for the rest of the ladies, we started our friendship when we were 13 years old. I can say that our friendship is one of the best because whatever challenges that each of us are facing, we are ready to rescue or help each other. We can be ourselves when we are together. We don't have to pretend that we're okay even when we're not. We can share whatever we are going through and will comfort each other. I treasure the friendship that we have. Until now, we enjoy the true friendship that we have. Ps. Ang isa namin na kaibigan hindi nakasama sa picture namin kasi hindi sya nakapunta. May sakit kasi anak nya. Kaya nag picture nalang sya na sya lang mag Isa on the following day

@Rejen

This is my second child when he was 3 months old. He was chubby. Some people would ask me if he's already 6 months because he was big for his age. He is turning 5 years old this coming December. What I really admire of this child is that even at his young age, he is already mindful of the people around him. He is generous, loving and helpful. Everytime I do the laundry and fold our clothes he will always offer his help. When I get hurt or when I stay quiet, he always asks if I'm okay. He is the first to cry for me. His kindness touches my heart and I told Heavenly Father in my prayers how grateful I am that He gave a precious son to me. There are times that he's naughty, and I get impatient but I realized that his naughtiness is just like a drop of water compared to all the good attitude that he has. After all he is still a child and needs guidance from his imperfect parents who strive to follow the commandments of God. I just want to share the overflowing gratitude to my Heavenly Father for giving me a precious little boy who loves me unconditionally.

@Rejen

It is a true principle that you cannot lift yourself by putting others down. -Boyd K. Packer Gusto nating umangat sa lahat nang aspeto sa buhay. Pero, ang pag angat na walang tinatapakang tao ay nagbibigay sa atin nang tunay na kasiyahan. Maging masaya tayo sa tagumpay nang ating pamilya, kaibigan, at sa ibang tao kahit hindi naman natin sila ka ano ano. Madali ba itong gawin? Syempre hindi.. kasi kailangan mona nating matutunan yan. Paano ngaba natin matutuhan yan? Sa banal na kasulatan nakasulat kong ano ang dapat nating gawin. Sa ( Matthew 22:37-39). Sinasabi na, “Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind. “This is the first and great commandment. “And the second is like unto it, Thou shalt love thy neighbour as thyself." Ang una pala nating pwedeng gawin is to love the Lord sa pamamagitan nang pagsunod sa kanyang mga kautusan at after that hindi na tayo mahihirapan na mahalin ang ating kapwa katulad nang pagmamahal natin sa ating mga sarili. Napaisip ako sa mga bagay na ito. Dito sa mundong ibabaw maraming mga pagsubok. Minsan nakakalimutan natin na kailangan pala nating maging masaya sa tagumpay nang iba kong magagawa natin yan magiging magaan at maging masaya ang ating buhay.